You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Division of City Schools Manila
VALERIANO E. FUGOSO MEMORIAL HIGH SCHOOL
Manila Boystown Complex, Parang, Marikina City

IKALAWANG MARKAHANG LAGUMANG PAGSUSULIT


SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
S.Y. 2022 – 2023
Pangalan: __________________________________________________ Petsa: ____________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________ Guro: _____________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag sa bawat paksang natalakay. Tunghayan
kung ano ang tinutukoy o inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang bago ang
bilang.

I. PAKSA #1: KONSENSIYA: LIKAS NA BATAS MORAL (1-15 pts.)

A. Antecedent B. Concomitant C. Consequent

_____1. “Sasama ba ako sa lakad ng aking mga kaibigan o tatapusin ko ang aking takdang-aralin ng maaga?”
_____2. “Ayokong bumagsak sa pagsusulit, kaya mangongopya ako pero natatakot ako.”
_____3. “Okay lang sa akin na walang bagong cellphone, ang mahalaga ay hindi ko kinuha ang bagay na hindi sa akin.”
_____4. “Habang sumasagot sa takdang-aralin sa Math ay inaalok ako ng aking kaibigan na tumakas na lamang sa
klase kaysa ang mahirapan o kaya naman ay mangopya upang mapabilis ang aming pagliban.”
_____5. “Bago pa man pumasok sa klase ay may nakita akong wallet na may lamang pera na nahulog sa daanan,
naisip ko na isuli ito sa tunay na may-ari kahit alam kong hindi sapat ang dala kong baon ngayong araw.”
_____6. “Mas ninais ko ang pagsayaw sa tiktok at pagpost ng reels sa aking FB kaysa ang mag-aral ng aking mga
asignatura kaya naman nahihirapan akong pumasa sa aking mga pagsusulit.”
_____7. “Dahil ako na lang ang walang crush sa aming magkakaibigan ay ninais kong unahin ang pagkakaroon nito
kaysa sa aking pangarap na makapagtapos na lubos ko nang pinagsisihan ngayong hindi na ako nag-aaral.”
_____8. “Tatanggapin ko ba ang kodigo na ibinibigay ng aking kaibigan o sasagutin ko ng may katapatan ang
pagsusulit.”
_____9. “Naiinggit ako sa aking mga kaibigan na may malaking perang pambaon kaya inisip kong mangupit sa pitaka
ni mama ngunit lubha akong nababalisa sa aking ginagawa.”
_____10. “Kailangan kong makauwi nang maaga sa aming bahay dahil batid kong hinihintay ako ng aking ina, kaya
naman ay iniwasan ko ang paanyaya ng aking mga kaibigan na mamasyal muna sa kung saan bago umuwi.”

A. Obhektibo (Objective) C. Walang Hanggan (Eternal)


B. Pangkalahatan (Universal) D. Hindi Nagbabago (Immutable)

_____11. umiiral ang pagkatao ng tao (nature of man)


_____12. Isang permanente na patuloy na iiral at umiiral sa kalikasan ng tao
_____13. batas na namamahala sa tao na nakabatay sa katotohanan – ang Diyos
_____14. sinasaklaw ng Likas na Batas Moral ang lahat ng tao anuman ang lahi, kultura at iba pang aspeto nito
_____15. naayon sa reyalidad, sa katotohanan na natutuklasan lamang ng tao
II. PAKSA #2: MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB (16-30)

A. Panlabas na Pandamdam D. Kabutihan/Kumilos o gumawa


B. Katotohanan/Pag-unawa E. Rational Appetency
C. Panloob na Pandamdam

_____16. naayon dito ang gamit at tunguhin ng isip na makaalam at mangatuwiran


_____17. paggamit ng paningin, pandinig, pandama, pang-amoy at panlasa
_____18. binubuo ng kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct
_____19. nangangahulugan nang isang makatuwirang pagkagusto
_____20. gamit at tunguhin ng kilos-loob sa pagpili at pagsasakatuparan pasiyang napili
_____21. isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring katanggap-tanggap para sa lahat ng tao
_____22. paghahatid sa kamalayan ng tao na maunawaan ang kaniyang mga nakikita, naririnig o nadarama
_____23. pag-unawa sa mga bagay na naipababatid sa kamalayan ng tao mula sa kanyang memorya hanggang sa
kanyang nararanasang pakiramdam kung ang pasiya ay mabuti o masama
_____24. nangangahulugan ito ng kilos-loob ng tao na naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama
_____25. ito ay ang katangian sa kahusayang moral na positibong naipakikita bilang pakikitungo sa kapwa
A. Kilos-Loob D. Likas na Batas Moral
B. Obra Maestra E. Isip
C. Kawangis Niya F. Sto. Tomas De Aquino
_____26. kakayahang maghusga, magsuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay
_____27. inilalarawan nito kung paanong ang tao ay nakahihigit sa lahat ng nilikha ng Diyos
_____28. inilalarawan nito ang paggamit ng isip at kilos-loob ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniyang kalikasan
_____29. isang pagkilos tungo sa isang mabuting pagpapasiya na may disiplina sa sarili at wastong pagkontrol sa mga
emosyon
_____30. batay sa katotohanan na umiiral at mananatiling iiral mula noong tayo ay nilikha ng Diyos
III. PAKSA #3: KALAYAAN (31-45)
A. Panloob na Kalayaan D. Panlabas na Kalayaan
B. Kalayaang Gumusto (freedom of exercise) E. Kalayaan
C. Kalayaang Tumukoy (freedom of specification)

______31. kalayaang isakatuparan ang gawaing ninanais ng kilos-loob


______32. ang tungkuling gumawa ng mabuti at iwasan ang masama – ang kabutihan
______33. kalayaan na alamin kung ano ang nanaisin
______34. nakasalalay sa kilos-loob ng tao ang kaniyang kalayaan
______35. kalayaan na magnais o hindi magnais
A. Fr. Joseph M. De Torre D. Sr. Felicidad C. Lipio
B. Sto. Tomas De Aquino E. Paul Ricoeur
C. Esteban, 1990

______36. “walang kakayahan ang tao na gawin palagi ang anumang naisin niya”
______37. “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaring hantungan at ang
paraan upang makamit ito”
______38. “may mga palatandaan sa paggamit ng kalayaan na may kaabikat na tungkulin”
______39. “malaki ang ugnayan ng kalayaan sa tungkulin na maaring Makita sa karanasan ng pagsisisi”
______40. “ang kaugnayan ng kalayaan sa likas na batas moral ay alituntuning kailangang sundin”

A. Kabutihang Pansarili (Personal Good) D. Pagkilos ay hindi Sumasalungat sa Likas na Batas Moral
B. Kabutihang Panlahat (Common Good) E. Pagsisisi
C. Pagharap sa kahihinatnan ng Pasiya

______41. pagiging malaya sa kamangmangan, kahirapan, katamaran at kasamaan


______42. may kalayaang piliin ang kilos ngunit walang kakayahang piliin ang kahihinatnan ng pasiya o kilos
______43. pagbabalik sa nagawang masama na may paghusga at pagtanggap na ikaw ay nakagawa nang pagkakamali
______44. kalayaang makilahok sa mga proyektong pampamayanan o pagtatanggol sa mga mabuting adhikain sa
para sa kapwa
______45. batayan ng mga dapat gawin at hindi dapat gawin ng tao na kaniyang tinataglay mula kapanganakan
III. PAKSA #4: ANG DIGNIDAD NG TAO (46-60)

A. TAMA B. MALI

______46. Dahil sa dignidad, ang lahat ay nabibigyan ng halaga at may karapatang mabuhay at umunlad nang hindi
makakasakit sa ibang tao.
______47. Pagsasaalang-alang ng katayuan sa lipunan kung sino ang paglalaanan nang pagpapahalaga.
______48. Ang pagiging irasyonal o kawalan nang pagiisip ang batayan ng paggalang sa kaniyang dignidad.
______49. Ang pagpapanatili sa iyong dignidad bilang tao ay ang pagkilala sa tunay na mahalaga.
______50. Ang pagmamahal ay ang tunay na mahalaga na hindi panandalian lamang kundi panghabambuhay.
______51. Paggalang sa dignidad ng kapwa habang ikaw ay nabubuhay.
______52. Nakadepende sa damdamin o pangyayari ang paggalang sa dignidad ng kapwa tao.
______53. Ang pagiging moral ay ang paggawa ng mabuting kilos ayon sa iyong konsensiya na nahuhubog sa Likas na
Batas Moral.
______54. Kinakailangan ang edad para sa paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao.
______55. Pagpapahalaga sa tao bilang kung ano siya at hindi sa kung anumang mayroon siya.

A. Confucius B. Immanuel Kant C. Sto. Tomas De Aquino


D. Max Scheler E. Dr. Manuel Dy

______56. “ang pagkatao ng tao ay ang kaniyang pagkapersona (person) na kaisahan ng kaniyang iba’t-ibang kilos”
______57.”ang pagpapanatili sa dignidad ay ang pagkilala sa tunay na mahalaga ang pagmamahal”
______58. “nilikha ang tao ng Diyos na pinagkalooban ng isip at kilos-loob na nagpapabukod-tangi sa kaniya sa lahat”
______59. “sa lahat ng kilos, ang pinakapangunahin ay ang pagmamahal”
______60. “ang tao bilang nilalang na may kakayahang mag-isip ay hindi maituturing na isang kasangkapan lamang o
gawing bagay”

You might also like