You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN – 9

DIAGNOSTIC TEST
3RD QUARTER

PANGALAN: __________________________ SEKSYON: ______________ ISKOR: ____

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem o tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
B. Kita at gastusin ng pamalaan
C. Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
D. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

2. Alin sa sumusunod ang kinokolekta at ginagamit ng pamahalaan upang


makalikha ng pampublikong paglilingkod?
A. Emergency Loan
B. GSIS Fund
C. Public Revenue
D. Soft Loan

3. Ang mga sumusunod ay nagpapakahulugan sa GNI, alin dito ang tama?


A. Ang GNI ay dating tinatawag na Gross Domestic Product.
B. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo sa loob ng isang bansa.
C. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon
sa loob ng isang bansa.
D. Ang GNI ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng itinakdang panahon.

4. Alin sa mga sumusunod na polisiyang pang-ekonomiya ang tumutukoy sa


paggamit o pagkontrol sa suplay ng salapi at antas ng interes upang matupad ang
layuning palaguin ang ekonomiya at patatagin ang presyo sa pamilihan?
A. Patakarang Pananalapi
B. Patakarang Piskal
C. Patakarang Salapi
D. Patakarang Sibil

5. Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi sa mga tao, korporasyon


at pamahalaan bilang deposito.
A. Bangko
B. Pawnshop
C. Stocks
D. Tindahan
ANSWER KEY:
1. D
2. C
3. D
4. A
5. A

You might also like