You are on page 1of 8

3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test

AP 9-3rd Quarterly Test


50 questions

1.
​Alin sa sumusunod na paggasta ng pamahalaan ang nakalaan sa para sapagbili ng mga produkto at serbisyong tulad
ng Personal Services (hal. ay parasa sahod, dagdag sweldo at cost-of-living allowance ng mga
permanente,pansamantala, kontraktuwal at casual na empleyado ng pamahalaan) at Maintenanceand Other Operating
Expenses?
A. expense Class
B. current Operating Expenditures
C. capital Outlays
D. net lending

2. ​Alin sa mga sumusunod ang mahalagang dulot ng pag-iimpok?


A. Upang may magamit sa oras ng kagipitan o emergency
B. Upang ipambili ng bagong labas na unit ng gadget
C. Upang ipambayad sa mga aytem na nabili sa shoppe at Lazada
D. Upang ipanglibre sa mga kaibigan.

3. ​Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng paikot na daloy ngekonomiya?


A. Kita at gastusin ng pamahalaan
B. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
C. Mga transaksiyon ng mga institusyong pampinansiyal
D. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

4. ​Sa paikot na daloy ng ekonomiya, paanonagkakaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?


A. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng
mgabahay-kalakal.
B. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng Karagdagang trabaho pra sa mga
bahay-kalakal
C. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagpoproseso ng bahay-
kalakal
D. ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upangmaipautang na kapital sa mga bahay-kalakal

5. ​Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang pinakamabisang paraan ng paglutas sa demand-pull inflation?
A. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawaupang mapataas ang output ng produksiyon.
B. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta saekonomiya.
C. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng Karagdagang paggasta.
D. Pagbubukas ng Karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya

6. ​Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto tungkol sa GrossNational Income?


A. Ang halaga ngtapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross national income
B. Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income
C. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National
Income
D. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National Income

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 1/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
7. ​Alin sa mga sumusunod na sektor ang hindi kabilang sa bumubuo sapambansang ekonomiya?
A. sambahayan
B. pamahalaan
C. bahay-kalakal
D. hukuman

8.
​Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mgaprodukto at serbisyo na nagawa ng
mga mamamayang sa isang bansa?
A. Gross National Income (GNI)
B. Nominal GNI
C. Gross Domestic Product (GDP)
D. Real GNI

9. <P>Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa halaga ng produksyon sa loob at labas ng bansa sa loob ng
isang taon.

</P>
A. Gross National Income
B. Gross Domestic Product
C. Nominal GNI
D. Real GNI

10.
​Alin sa mga sumusunod ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon ?
A. Gross National Product
B. Nominal GNI
C. Growth Rate
D. Real GNI

11. ​Alin ang hindi kabilang sa mga paraan ng pagsukat ng pambansang kita?
A. Economic Freedom Approach
B. Income Approach                                          
C. Expenditure Approach
D. Value Added Approach

12.
​Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo
sa pamilihan?
A. Resesyon
B. Implasyon
C. Depresyon
D. Deplasyon

13. ​Alin sa mga sumusunod ang higit na naaapektuhan sa tuwing may implasyon?
A. Mga nagpapautang
B. Taong di-tiyak ang kita
C. Nag-iimpok
D. Speculators

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 2/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
14. <P>Alin sa sumusunod na paggasta ng pamahalaan ang tumutukoy sa pondong nakalaan
upang makabili ng mga produkto at serbisyong makapagbibigay asset sa pamahalaan tulad ng mga capital stock ng
Government-owned and Controlled Corporation (GOCC) at iba pang mga subsidies nito.</P>
A. expense Class
B. current Operating Expenditures
C. capital Outlays
D. net Lending

15. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ukol sa contractionary Fiscal Policy?
A. Patakaran ng pamahalaan na ipinatutupad kapag nasa alanganing pagtaas ang mga presyo sa ekonomiya
B. Patakaran na pinaiiral na pamahalaan ukol sa masyadong pagbaba ng presyo
C. isang kautusan ng pamahalaan ukol sa malalim na pagbuo ng desisyon na walang saysay
D. Patuloy na pagasa sa mababang pagsahod

16. <P>Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pinagmumulan ng kita ng ating pamahalaan?

</P>
A. Interes mula sa salaping nakalagak sa Bangko Sentral ng Pilipinas
B. Pagbebenta ng ari-arian at mga kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
C. Buwis
D. Mula sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan

17. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ukol sa sales tax?


A. Uri ng buwis na ipinapataw ng pamahalaan na may pangunahing layunin na makalikom ng pondo para
magamit sa operasyon nito
B. Hindi ito uri ng buwis na ipinapataw sa mga mamamayan
C. isang anyo ng pakikialam ng pamahalaan sa pamilihan
D. tawag sa pangalan ng asosasyon sa pamilihan

18. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ukol sa withholding tax?


A. Buwis na tuwiran at direkta mula sa mga indibiduwal at bahay kalakal
B. Hindi ito buwis at di direkta galing sa pamilihan
C. anyo ito ng samahan ng mga consumer
D. isang ahensya ng pamahalaan

19. ​Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Specialized Government Banks?
A. Land Bank of the Philippines (LBP)
B. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-Amanah)
C. Bank of the Philippine Islands (BPI)
D. Development Bank of the Philippines (DBP)

20. ​Alin sa mga sumusunod ang higit na naglalarawan sa Commercial Banks?


A. Ito ay malaking bangko, na may malaking kapital, at pinapayagang makapagbukas ng mga
sangay saanmang panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na wala pang mga bangko.
B. Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na negosyante.
C. Ito ay kalimitang matatagpuan sa mga lalawigang malayo sa kalakhang Maynila na tumutulong
sa mga magsasaka, maliliit na negosyante at iba pang mamamayang sa kanayunan.
D. Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng
pamahalaan.

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 3/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
21.
​Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pangunahing dahilan sa pagtatatag ang Al-Amanah Islamic Investment Bank
of the Philippines?
A. tulungan ang mga Muslim na magkaroon ng puhunan
B. makasabay sa kultura ng mga Muslim
C. dumarami ang mga Muslim sa bansa
D. makautang ang mga nasa Mindananao

22. <P>Sa Patakarang pananalapi, bakit kailangang maipatupad ang Fiat Money Authority ng Bangko Sentral?

</P>
A. Sapagkat marami ditong perang maaaring gamitin.
B. Sapagkat sila ang pinakamalaking bangko sa Pilipinas.
C. Sapagkat lubos na pinagtitiwalaan ng pamahalaan ang Bangko Sentral.
D. Sapagkat sila ang may kapangyarihang mag imprenta ng salapi sa bansa.

23.
​Alin sa mga sumusunod na institusyon ng pananalapi ang nagbibigay ng Seguro (life insurance) sa mga kawaning
nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, local na pamahalaan, mga korporasyong pag-aari ng at kontrolado ng
gobyerno at mga guro sa pampublikong paaralan?
A. Government Service Insurance System
B. Pag-IBIG Fund
C. Social Security System
D. Securities ang Exchange Commission (SEC)

24. ​Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tungkulin ng Bureau of Internal Revenue?
A. mangolekta ng buwis
B. magaksaya ng nalilikom na buwis
C. magtapon ng buwis
D. magsagawa ng kampanya sa pagsusulat

25.
​Aling institusyon ng pananalapi ang itinalaga upang mangolekta ng buwanang kontribusyon sa mga empleyado ng
mga pribadong kompanya?
A. Government Service Insurance System
B. Pag-IBIG Fund
C. Social Security System
D. Securities ang Exchange Commission (SEC)

26. <P>Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa Patakarang Pananalapi o Monetary Policy?

</P>
A. Ito ay ang paggamit o pagkontrol ng suplay ng salapi at antas ng interes upang mapalago ang
ekonomiya at mapatatag ang presyo sa pamilihan
B. tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang
mabago ang galaw ng ekonomiya.
C. Tumutukoy sa katangian ng pamahalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis.
D. Nakatuon lamang sa mga gastusing panloob at panlabas ng pamahalaan.

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 4/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
27. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ukol sa excise tax?
A. Uri ng buwis, na kinokolekta upang maregular at makontrol ang kalabisan ng isang gawain o negosyo
B. anyo ng buwis na hinid kinokolekta sa mga mamamayan
C. Ito ay isang pangalan ng samahan ng mga konsyumer
D. Katawagan sa mga bansang di mauunlad sa larangan ng ekonomiya

28.
​Paano matutukoy kung nararapat na bang magpatupad ng Expansionary Fiscal Policy ang pamahalaan? Ang mga
sumusunod ay palatandaan nito maliban sa isa.
A. Ang kabuuang output ay mababa ng higit sa inaasahan dahil hindi nagamit ang mga resources
B. Mababa ang pangkalahatang demand ng sambahayan
C. Walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng produksyon
D. May mataas na pangkalahatang output at employment

29.
​Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay
ng mga patakarang piskal na ipinapatupad nito ?
A. Ito ang pangunahing tagapagtakda ng mga patakaran na maghahatid sa ikagaganda ng
kondisyon ng ating ekonomiya.
B. Nagsasaayos ng mga pamamalakad upang matugunan ang ilang problemang pang-ekonomiya
C. pagbibigay regulasyon sa pagdaragdag at pagbabawas sa gastusin gayundin sa pagpapataas at
pagpapababa sa singil ng buwis.
D. Mangolekta ng buwis para sa pansariling Kapakanan at gastusin.

30.
​Ang Institusyong di-bangko ay tumatanggap ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at muling ibinabalik
sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay mapakinabangan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
mga ito?
A. Pawnshop o Bahay-Sanglaan
B. Kooperatiba
C. Pension Funds
D. Rural Banks

31.
​Alin sa mga sumusunod ang tawag rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapaatan ng Insurance
Commission na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas?
A. Pre-Need
B. Registered Companies
C. Insurance Companies
D. Pension Funds

32. ​Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pangunahing layunin ng PAG-IBIG Funds?
A. Magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang paraan upang
makalapit sa mga bangko
B. Magbigay ng life insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno.
C. Tulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.
D. Magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan.

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 5/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
33. ​Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa pamumuhunan?
A. pagbabawas ng istak sa bodega ng ng mga negosyante ng bigas
B. pagdaragdag ng istak para sa hinaharap na kailangan upang palawakin ang produksiyon nito
C. pagtatago ng mga sibuyas at huwag ito ipagbili
D. lihim na itago sa mga malalaking bodega

34. ​Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa mga dahilan ng implasyon?
A. Labis na pagtaas ng produktong petrolyo
B. Pagbaba sa alinman salik ng produksiyon
C. Pagdami ng suplay ng salapi
D. Ang produksiyon ay nakadepende sa mga imported na produkto.

35. ​Alin sa mga sumusunod ang layunin ng mga rural banks?


A. pagsilbihan ang mga mayayaman lamang
B. pautangin ng labis ang mga mamamayan na walang balikan
C. uri ng bangko ito na nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante at iba pang mga
mamamayan sa kanayunan
D. Malaki ang patubo ito upang di sila magpautang pa

36. ​Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga nakikinabang sa implasyon?
A. Mga umuutang
B. Mga taong may tiyak na kita
C. mga negosyante
D. Mga taong may di tiyak na kita

37. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa Hyperinflation?


A. Mayroong magandang takbo ng ekonomiya dahil lugi
B. Patuloy na pagtaas bawat oras, araw at liggo ang presyo ng mga bilihin
C. May mataas na demand ng produkto
D. Mabagal na pagtaas ng presyo

38. ​Alin sa mga sumusunod ang may potensyal na makapagimpok ?


A. Si Rosa na mahilig kumain sa mamahaling Restaurant
B. Ang lahat ng magustuhang bagay ni Ana ay kanyang binibili
C. Araw- araw ay nagpupunta sa mall si Jane para bumili ng milktea
D. Gumagasta lamang si Noel kung kinakailangan at tama

39. ​Kung nais mong mag-impok ng salapi. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Gumasta ng malaki sa araw- araw
B. Bumili ng mahal na sapatos sa mall
C. Maghulog sa alkansiya kapag labis ang perang pambudget
D. Bahala na kung ako ay makapagiimpok

40. ​Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa isang taong may sapat na budget?
A. Masusi niyang pinaplano ang kanyang binibiling produkto na naaayon sa kanyang budget
B. Palagi siyang namamasyal kahit kapos sa budget
C. Mahilig siyang magpakain sa kanyang barkada kahit kapos ang kanyang budget
D. Maluho siya sa mga mamahaling kasangkapan kahit na wala sa budget

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 6/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
41.
​Ang Pandaigdigang Institusyong Pananalapi ay itinatag upang mamahala sa gagawing rehabilitasyon at sa sistema ng
pandaigdigang kalakalan. Bakit itinatag ang World Bank?
A. Upang magbigay tulong pananalapi at payo sa mga bansang kasapi nito.
B. Dahil sa kailangan nilang gumasta ng labis
C. Upang magkaroon sila ng pagkakataon na makapamasyal
D. Dahil sa kanyang nasasakupan

42. ​Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang na dapat mong tandaan kung ikaw ay mag-iimpok sa bangko?
A. kilalanin ang iyong bangko
B. Ingatan ang iyong bank records at siguraduhing up to date.
C. Makipagtransaksiyon sa di kilalang tao sa loob at labas ng bangko
D. Maging maingat

43. ​Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa PDIC or Philippine Deposit Insurance Corporation?
A. Isang korporasyong pag-aari ng pamahalaan na kung saan hanggang Php 500,000 ang maaaring
igarantiya ng PDIC sa deposito ng bawat depositor
B. Isang samahan ng consumer
C. Isang pangalan ng bansa ang PDIC
D. Bangong rural alamng ito

44. ​Alin sa mga sumusunod ang ipinapakita ng Unang Modelo?


A. Nagpapakita ng isang payak na ekonomiya na kung saan ang sambahayan at buhay-kalakal ay iisa ay ang
gumagawa ng produkto ay siya ring kumukunsumo
B. Nagsasaad ng magulong ekonomiya
C. Naglalarawan ng karagdagang pasanin ng ekonomiya
D. Nagkakaroon ng labis na kasiyahan

45.
​Sa paikot na daloy ng ekonomiya may apat na pinagmumulan ng kita ang sambahayan, alin sa mga sumusunod ang
hindi kabilang dito?
A. Interes
B. savings
C. Renta o upa
D. Pasahod sa paggawa

46. ​Alin sa sumusunod na pamilihan ang kabilang sa Ikatlong Modelo ng Pambansang Ekonomiya?
A. Commodity market
B. pamahalaan                
C. factor market
D. financial market

47. ​Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa financial intermediaries?


A. Ito ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng pera at sa nais umutang o magloan.
B. Ito ay nagsisilbing tagapagbili ng kalakal at paglilingkod.
C. Ito ang sumisingil ng buwis sa mga mamamayan at bahay-kalakal.
D. Ito ang nagsisilbing tagapag-ugnay ng sambahayan at bahay-kalakal

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 7/8


3/31/23, 2:40 PM AP 9-3rd Quarterly Test
48. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa depression?
A. Pinakamababang antas ng ekonomiya na kung saan mataas ang antas ng kawalan ng trabaho sa loob ng
isang taon
B. Panakamataas na antas ng ekonomiya na kung saan mababa ang antas ng nagtatrabaho
C. Napakataas ngantas na may trabaho
D. Lubhang di masipag ang mga manggagawa

49. ​Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwang ukol sa cost-push Inflation?


A. Tawag sa pagtaas sa alin man sa salik ng produksiyon ay nakaragdag sa gastusin ng produksiyon at ang
pagtaas na ito sa gastusin ay idaragdag sa presyo ng mga natatapos na produkto.
B. Ito ay isang samahan ng mga bansa sa daigdig
C. Mahirap na bansa lamang ito
D. Ito ay umiikot sa tahanan lamang

50. ​Bilang isang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin sa patuloy na pagtaas na presyo ng bilihin?
A. Matutong magtipid na naaayon sa budget na ibinigay ng mga magulang
B. Gumasta na walng plano
C. Bumili sa presyong mas mataas
D. Magsama ng mga kaibigan sa mall sapagkat malamig at umayon sa mga presyo

https://app.quizalize.com/quiz/preview/Q29udGVudDpiMDBkODg1Yi0yOGEwLTQ2NWQtOGFkZS1mYzk5MDM2ZWRlOWM=?typeface=Times New R… 8/8

You might also like