You are on page 1of 3

DINGALAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Caragsacan, Dingalan, Aurora

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


EKONOMIKS 9

Pangalan : ______________________ Iskor : ____________

1.Ang sektor na nagkakaloob ng mga salik ng produksiyon.


a. kompanya b. industriya c. pamahalaan d. sambahayan
2.Ang lahat ng sangkap ng produksiyon ay nagbabago sa paglikha ng mga produkto ng isang
negosyo.
a. output b. fixed input c. short-term market d. long-term market
3.Ito ang sangkap ng produksiyon na hindi nagbabago.
a. fixed input b. regular input c. variable input d. total input
4.Kabayaran ito para sa paggamit ng mga salik ng produksiyon.
a.fixed input b. economic cost c.opportunity cost d. marginal cost
5. Ito ang ibinubunga ng pagkakasundo ng bumibili at nagbibili sa pamilihan.
a. Price ceiling b. conglomerates c. ekwilibriyo d. lebel ng produksiyon
6.Ito ang bunga ng paggamit ng ibat-ibang sangkap ng produksiyon.
a. Input b. kita c. output d. economies of scale
7.Ito ang nagtatakda ng price ceiling.
a. prodyuser b. konsyumer c. imbentor d. pamahalaan
8.Tagalikha o tagasuplay ito ng mga produkto at serbisyo.
a. broker b. prodyuser c. konsyumer d. imbestor
9.Ito ang karagdagang kasiyahang matatamo sa pagkonsumo ng karagdagang dami ng
produkto.
a. Utility b. total utility c. average utility d. marginal utility
10.Karagdagang gastos ito sa bawat produkto.
a.total cost b. average cost c. marginal cost d. average revenue
11.Ang sektor na nagkakaloob ng yaring produkto.
a. pamilihan b. pamahalaan c. sambahayan d. agrikultura
12.Ang tinaguriang kapitan ng industriya.
a. Manedyer b. manggagawa c. kapitalista d. entreprenyur
13.Produktong handang ikonsumo at isinasama sa pagsukat ng GNP.
a. Final goods b. normal goods c. economic goods d. intermediate goods
14.Ang anumang natantyang produksiyon mula sa kapasidad ng isang bansa.
a. real GNP b. actual GNP c. nominal GNP d. potential GNP
15.Ang tawag sa taong basta may pera bili ng bili hindi naiisip ang kaniyang pangangailangan.
a.wise buyer b.panic buyer c. impulse buyer d. especial buyer
16.Ang sektor na nagkakaloob ng serbisyong panlipunan.
a.kompanya b. industriya c. sambahayan d. pamahalaan
17.Ang lugar kung saan iniimprinta ang ating salapi.
a. Bangko Sentral ng Pilipinas b.Philippine Mint c. World Bank d. IMF
18.Ang kabayaran na tinatanggap sa paggamit ng kapital bilang salik ng produksiyon.
a. Upa b. tupa c. sahod d. interes
19.Ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng isang bansa sa loob ng
isang taon.
a. GDP b. GNP c. PCI d. NNP
20.Pondong inilalaan sa pagkasira o pagkaluma ng mga makinarya.
a. Badyet b. imbentaryo c. debalwasyon d. depresasyon
21.Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan.
a.deplasyon b. implasyon c.replasyon d. price control
22.Ang pagtatabi ng ilang bahagi ng kita para sa hinaharap.
a. Pag-iimpok b. pagkonsumo c. pagbabadyet d. pamumuhunan
23. Ang kabuuang dami ng gastusin ng konsyumer, kompanya at pamahalaan.
a. Demand b. suplay c. kabuuang demand d. kabuuang suplay
24.Ito ay tinatawag ding goods market.
a. Factor market b. commodity market c. salik ng produksiyon d. market market
25.Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan maliban sa isa.
a. Interes b. kita ng entreprenyur c. rent o upa d. demand
26.Alin sa mga sumusunod ang hindi isinasama sa pagkompyut ng Gross National Income.
a. Hilaw na sangkap b. segundamano c. paninda sa kalsada d. lahat ng nabanggit
27.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagsukat sa GNI maliban sa isa.
a. Paraan batay sa Pinagmulang Industriya
b. Paraan batay sa Paggasta
c. Paraan batay sa Gawa
d. Paraan batay sa Kita
28.Alin ang formula sa pagkwenta ng Gross National Income.
a. GNI=C+I+G+(X-M)+SD+NFAFI
b. GNI=C+I+G+(X-M)+DS+NFIFA
c. GNI=C+I+G+(X-M)+SD+NFIFA
d. GNI=C+I+G+(X-M)+DS+NFAFI
29.Ito ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at serbisyong
nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.
a. nominal GNI b. real GNI c. constant prices d. price index
30.Ito ang sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon.
a. Income per capita b. growth rate c. increase rate d. GNI
31.Ito ay ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay proteksiyon sa mga depositor sa bangko
sa pamamagitan ng pagbibigay seguro sa kanilang deposito.
a. LBP b. BSP c. PDIC d. SSS
32.Ito ay dahilan ng implasyon maliban sa isa.
a. Pagtaas ng suplay ng salapi b. monopolyo o kartel
c. Demand-pull d. demand-push
33.Ito ang tawag kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo nito.
a. Budget Surplus b. Budget Deficit c. Budget Shortage d. Budget allocation
34.Ito ang tawag kapag naabot ng ekonomiya ang pinakamataas na antas ng empleyo.
a. Progress Economy b. Successful Economy
c. Boosting Economy d. Overheated Economy
35.Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod.
a. Income tax b. taripa c. excise tax d. interest
36.Dito nanggagaling ang pinakamalaking bahagi ng pondo ng pamahaan.
a. GNI b. GNP c. buwis d. exportation
37.Ang paggasta ng pamahalaann ayon sa Expenditure Program ay nahahati sa tatlo
maliban sa isa.
a.Current Operating Expenditures b. Net Lending
c. Net Capital Expenditures d. Capital Outlays
38.Alin ang hindi kabilang sa mga sumusunod.
a.Commercial Banks b. Specialized Government Banks
c. Land Bank of the Philippines d. Rural Banks
39.Ang mga kasapi nito ay kabahagi sa puhunan at tubo.
a.Pension Funds b. Rural Banks c. Kooperatiba d. Bahay Sanglaan
40.Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawaning nagtratrabaho
sa mga ahensiya ng gobyerno, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno.
a. SSS b. PAG-IBIG FUND c. GSIS d. PDIC
41.Ito ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng pribadong
kompanya.Itinakda sa Republic Act 8282 na lahat ng pribadong kawani ay nararapat na
irehistro bilang kasapi nito.
42.Sa paikot na daloy ng ekonomiya , papaano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay-
kalakal?
a. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim ng pagproseso
ng bahay-kalakal.
b. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
c.Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng mga bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang
trabaho para sa mga bahay-kalakal.
43.Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
a.Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pampinansiyal.
b.Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng
bansa.
c.Dahil repleksiyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking
boto sa eleksiyon.
d.Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
44.Piliin sa sumusunod na pahayag ang pinakawasto.
a. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross National
Income nito.
b. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng Gross National
Income.
c.Ang mga produktong segunda mano ay kabilang sa pagsukat ng Gross National Income.
d.Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa Gross National
Income.
45.Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto sa Gross Domestic Product ng bansa.
a.Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
b.Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
c.Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.
d.Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
46.Si Apollo ay umutang kay Alex ng Php 100.00 na ipambili niya ng isang kilong karne ng
manok sa kasalukuyan.Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na
ang halaga ng isang kilong karne ng manok?
a.Php 95.00
b.Php 100.00
c.Php 105.00
d.Php 110.00
47.Si Mr. Chen, isang Chinese National ay nagtratrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas.
Saan dapat isinasama ang kanyang kinita?
a. Sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
b. Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
c.Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at China dahil parehong dito nagmula ang
kanyang kita
d.Sa Gross Domestic Product ng China dahil mamayan siya dito.
48.Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa base sa pagsusuri sa economic
performance nito, dapat bang gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas
ito?
a.Oo, dahil magiging kahiya-hiya ang bansa sa buong daigdig.
b.Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin.
c.Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
d. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
49.Bilang isang mamimili, papaano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon.
a. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
b. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
c. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
d. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

50. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?


a. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho.
b. Kapag gumagamit ng makabagong teknolohiya ang mga bahay-kalakal.
c. Kapag may pag-angat sa gross domestic product ng bansa.
d. Kapag lumalaki ang utang panlabas ng bansa.

You might also like