Ang bayan ng San Diego ay napapaligiran ng malalawak na bukid malapit sa isang
lawa at ilog. Napakaganda ng tanawin nito kaya marami ang nakabisita sa napakagandang bayang ito. Ang San Diego ay mayroon ding kagubatan na may ilang kasaysayan. Noong unang panahon, isang matandang Kastila ang interesado sa isang lugar malapit sa kagubatan. Sa kabila ng walang nagmamay-ari ng lupa, nagbayad ng mga damit, hiyas at kaunting salapi siya sa mga tagaroon. Hindi naglaon at ang matanda ay biglang nawala. Nang siya'y muling natagpuan ng ilang pastol ay ang bangkay nang nakabitin sa sanga ng isang punungkahoy. Mula noo'y pinagkatakutan na ang tinurang gubat. Dahil sa mga sabi sabi, ang gubat ay nagkaroon na tuloy ng kanyang sariling alamat. Makalipas ang ilang buwan, isang binatang mistiso na anak daw ng namatay na nangngangalang Saturnino ang nanirahan sa pook na nabili ng Kastila at pinangatawanan ang pagtatanim.
dumating sa bayan ng San Diego ang anak ng matanda na si Don Saturnino at
nagkaroon ng pamilya. Nagkaroon siya ng anak na nagngangalang Don Rafael, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Hindi nagtagal, lumitaw ang lolo ni Ibarra at nagtayo ng pader sa paligid ng libingan, nagpakasal sa isang babaeng taga-Maynila, at naging ama si Don Rafael. Namana ni Don Rafael ang bukid ng kanyang ama at mabilis na nakakuha ng respeto mula sa kanyang mga manggagawa habang ang bayan ng San Diego ay lumago sa kung ano ito ngayon. Ang Unang Babala