You are on page 1of 1

❁ Kabanata 10 : Ang Bayan ng San Diego

- Ipinakilala sa kabanatang ito ang bayan ng San Diego, inilaraw ang bayan ng San Diego na
malapit sa baybayin ng isang lawa at pinagigitnaan ng malalaking bukirin at palayan. Ang
ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at
kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga tsino. Ang mga inaani sa baya’y binibili
lamang ng Tsino sa murang halaga.
- Kitang kita naman daw ang buong bayan mula sa ituktok ng kampanaryo o ang batingaw o
kampana sa simbahan. Kung mapagmamasdan, kapansin pansin dito ang tila pulong gubat na
nasa kalagitnaan ng kabukiran. Iginagalang ng mga tao ang gubat dahil sa iniingatan nilang
alamat. Ayon sa kanilang alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San
Diego, matatas magtagalog at malalim ang mga mata. Bumili siya ng pook na bahagi ng gubat na
dinadaluyan ng tubig at pilit nyang binili ang lugar. Ipinambayad nya ang kanyang mga ari-arian
tulad ng damit, hiyas, at salapi. Ngunit hindi na nakita ang matanda. Hindi rin nagtagal ay
natagpuan ng mga pastol ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete at nabubulok na. Ang
pangyayaring iyon ay nagging sanhi kung bakit kinatatakutan na ang gubat. Ang mga ari-arian ng
matanda gaya ng hiyas, ay ipinagtatapon ng mga babae. Sinunog naman ang kaniyang mga damit.
- Matapos ang ilang buwan, isang binatang mestizo ang nagngangalang Saturnino at nagsasabing
siya ang anak ng matandang namatay. Pinagsikapan nitong sinupian ang mga naiwang ari-arian
ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-maynila. Dito rin sila nanirahan sa San diego at
nagkaroon sila ng anak na lalaki. Si Don Rafael Ibarra.
- Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka. Sila’y napamahal sa kanila dahil sa kanyang
kabaitan at kabutihang makisama. Umunlad ang pananim at dumami ang nanirahan, nang lumaon
ay kalahati ng gubat ay naging ganap na bayan ng San Diego. Ang pamumunong ito ni Don
Rafael ay naging ugat ng mga inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.
- Katulad ng Ibang bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay pinamumunuan ng simbahan at sunud
sunuran lamang ang pamahalaan dito. Nagkaroon ng kurang filipino at nang namatay ito, isang
kastila na si Padre Damaso ang pumalit. Iilan lamang ang may matataas na tungkulin at kinikilala
sa bayang iyon, ang mga kastila at ilang mayayamang Pilipino

You might also like