You are on page 1of 1

Spoken Poetry

Hindi lahat ng minamahal pinaglalaban, yung iba pinapagawalan

Minsan pala sa buhay natin may mga bagay


o may mga tao tayong dapat na …
pinapakawalan,
na kahit gaano pa sila … kahalaga
dadating tayo sa punto na minsan
kailangan natin silang hayaan,
Hayaan natin sila sa kung ano ang kanilang pasiya.

Kaya itong tula na ito ay pinamagatang


"Hindi lahat ng minamahal pinaglalaban, yung iba pinapakawalan"
May mga relate badito? taas ang paa

Masyado na tayong nasanay sa konseptong


Kapag mahal mo ipaglaban mo
H'wag mong hayaan na makuha pa 'yan ng ibang tao
Pero paano mo ipaglalaban ang isang tao
Kung siya mismo ay may iba ring gusto

Alam ko na,
Wala akong laban dito
Wala akong laban sa may dalawang pinto niyang sasakyan
na araw-araw niya sa 'yong pinanghahatid at pinangsusundo

Wala akong laban dito


Wala kong laban sa mga tobleron, kisses at kitkat
Na madalas niyang ibinibigay sa 'yo

Wala akong laban dito


Wala akong laban sa gabi-gabi niyang pagdala ng pagkain sa bahay niyo

Wala akong laban dito


Wala kong laban sa mga mamahaling kwintas, polseras, alahas
Na madalas niyang hinahandog sa 'yo

Wala akong laban sa mga papick-up pick up lines sa mga corny na banat niya kase
Ito, ito lang naman ako
Simpleng tao lang ako na humahanga sa 'yo

Sabihin na natin isang palapag lang ang bahay ko


Madalas commute lang ako
Nakikipagsiksikan pa sa mga maaasim na tao
Tusok-tusok na hotdog, fishball, kalamares ang kaya ko lang ilibre sa 'yo

You might also like