You are on page 1of 3

Precious Anne L.

Mendoza 11 HUMSS A SOCRATES


FSPL
PICTORIAL ESSAY
Ang bawat komunidad sa ating bansa ay biniyayaan ng Maykapal ng sari-saring likas na yaman.
Nariyan ang mga yamang mineral, yamang dagat, yamang tubig at yamang lupa. Ang mga bagay na
makukuha natin dito ay tinatawag na produkto. Ang bawat produkto ay may katumbas na halaga
kaya naman ito ay pinagsusumikapan ng mga kabahagi ng komunidad.

Ang bawat kabahagi ng komunidad ay nakikinabang sa mga produktong handog ng kalikasan.


Sapagkat ito ang pangunahing tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat kabahagi ng
komunidad. Ang likas na produkto ay ang produktong makikita sa kalikasan. Ang mga produktong ito
ay gawa ng Diyos at hindi kayang gawin ng mga tao. Ito ay madalas makita sa mga komunidad
malapit sa kalikasan tulad ng komunidad sa kagubatan, sa kabundukan, sakaragatan/dagat, ilog at
sakahan.
Halimbawa ng mga produktong ito ay mga punongkahoy,prutas, gulay, mga hayop, ginto, buhangin,
tanso, isda, kabibe,alimango at iba pa. Ang mga produktong ito ay may pambihirang katangian.
Sapagkat ang mga produktong likas tulad ng pagkainay sariwa at natural, malulutong, makatas at
masustansiya. Ito ang pangunahing sangkap sa paglikha ng mga di likas na produkto.
Samantalang ang ilan naman ay may katangiang kakaiba na hindi maihahalintulad sa mga di likas na
produkto.
Karamihan sa mga produktong likas ay hindi pa gaanong ginamitan ng mga kemikal ang iba naman
ay tanging kalikasan lamang ang naghubog upang ito ay mabuo. Samantalang ang hilaw na mga
produktong ito ay may malaking bahaging ginagampanan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga
kabahagi ng komunidad.
Ngunit ang mga produkong ito ay nanganganib na sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa mabilis na pagdami
ng mga tao. Dumarami ang mga nangangailangan upang sila ay mabuhay. Ang mga lugar kung saan
pinapalago ang mga likas na yaman ay naaapektuhan. Halimbawa nito ang mga palayan na
ginagawang subdibisyon mga taniman na tinatayuan ng mga gusali at maging kawalan ng disiplina
ng mga tao ay lubhang nakaka apekto sa paglikha ng mga produktong likas.

Ang produktong di likas ay uri ng produktong gawa ng tao, gamit ang mga likas na produkto. Ito ay
dumaan sa maraming proseso at ginamitan ng mga kemikal, makinarya, kuryente at mga
makabagongt eknolohiya upang mabuo at kadalasan ginagawa sa malalaking pabrika o pagawaan.
Ang ilan sa mga di likas na produkto ay nagtatagal ng ilang minuto sa paggawa at ang ilan naman ay
araw, linggo at buwan ang ginugugol sa pagbuo nito. Halimbawa nito ay ang mga de latang produkto
tulad ng sardinas,cornbeef, soft drinks, mga noodles, sitserya, gatas, kendi,sabon, shampoo,damit,
sapatos, kagamitan sa paaralan at opisina tulad ng papel, lapis maging mga kasangkapang
gumagamit ng kuryente at iba pa.
Ang mga di likas na produkto pagdating sa mga pagkain ay higit na nagtatagal dahil sa mga kemikal
na inilalagay dito. Ito din ay mas matibay at mas maganda dahil sa mga proseso at desinyong
inilalagay dito gamit ang makabagong teknolohiya. Ang paglikha ng mga produktong ito may
malaking epekto sa buhay ng bawat mamamayan. Ang ilan ay nagdudulot ng kaginhawaan sa mga
gawain dahil napapagaan ang kanilang trabaho gamit ang teknolohiya. Halimbawa nito ang mga
kasangkapan sa tahanan, kagamitan sa paaralan, pagawaan at sa opisina na gumagamit ng
kuryente. Napapabilis din ang pagproseso sa paggawa ng mga pagkain ng hindi na nag aaksayang
mahabang oras. Sa ganitong paraan nakatitipid ng panahon,oras at lakas sa araw-araw nating
gawain.

You might also like