You are on page 1of 1

TITLE: Gustong Gusto Kita

Mga kinang ng yong mga mata't lamig ng titig


Hubog ng labi mo't ngiting sa'kin nagpapakilig
Mahal ko ang lahat sayo alam mo ba?
Saksi buong mundo….. Eto't marami pa

Ang 'yong suot, amoy mong kay bango't mga kamay mo


Pinting ng puso't lahat ng sa 'yo'y sana ay ako
Mahal kita. Saksi buong mundo, sinta.
Maghihintay sa'yo sana'y malaman na

Bawat sandali't oras, mahal ka


Bawat sulok, sa'n pa man, mahal ka
Pagmamahal ko'y 'di na magbabago pa
Tinamaan na ewan ko ba

Umulan ma't umaraw, ikaw lang


Taglamig ma'y uminit, ikaw lang
Ang mahalin ka'y panata ng pusong 'di bibitiw, giliw
Alam mo ba?

Sa puso ko'y ikaw ang MVP ng bawat laro


Pagtugtug mo ng piano wari'y hinehele ako
Sa tuwing tayo'y nagbabasa ng libro
Nawawalang bigla pag tinitigan mo

Ikaw ang aking kalakasan tuwing nanghihina


Isang ngiti mo lang lahat gumagaan

Bawat sandali't oras, mahal ka


Bawat sulok, sa'n pa man, mahal ka
Pagmamahal ko'y 'di na magbabago pa
Tinamaan na ewan ko ba

Ang lahat biglang lumiliwanag


Pag kasama ka ay walang mahirap
Ang mahalin ka'y panata ng pusong 'di bibitaw, giliw
Alam mo ba? Mahal na mahal kita sinta

You might also like