You are on page 1of 12

MELC: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwento, usapan, teksto, balita at tula - F3PB-

I-d-3.1

Ang Kariton ni Mang Kardo

Si Mang Kardo ay isang magsasaka. Mga gulay at prutas ang tanim niya. Nakasakay
siyasa kanyang kariton na hila ng kanyang kalabaw sa
pagpunta niya sa bukid.

Sina Karlo, Karen at Keysi ay laging magkakasama sa pagpasok sa paaralan. Dahil


araw ng Biyernes, sila ay maaaring makapagsuot ng kanilang pinakamagandang pang- pasyal
na damit. Gustong-gusto nilang naglalakad dahil marami silang mga bagay at tanawin na
nakikita sa paligid.

Habang naglalakad, nakita nila si Mang Kardo sakay ng kanyang kariton.

“Wow! may kalabaw, bihira na akong makakita ng kalabaw ngayon” sabi ni Keysi.

“Oo nga, at may hila-hilang kariton. Ngayon lang din ako nakakita ng kariton. Sana
makasakay tayo sa kariton.” sambit ni Karlo.

“Napakaganda naman po ng inyong kariton Mang Kardo. Maaari po ba kaming makisakay


papasok sa paaralan?” wika ni Karen.

“Naku! mga bata, pasensiya na kayo, ngunit hindi paayon ang paaralan sa bukid na
pupuntahan ko.” malungkot na tanggi ni Mang Kardo.
Masaya pa rin na tinanggap ng mga bata ang pagtanggi ni Mang Kardo.

“Sayang, akala ko mararanasan na nating sumakay sa kariton na hila ng kalabaw,”


bulong ni Karlo kay Karen.
“Sige po Mang Kardo, maraming salamat po sa oras ninyo, sana po sa ibang
pagkakataon, makasakay po kami sa inyong kariton,” positibong sambit ni Keysi.

Pagkatapos ng klase, umuwi na sina Karen, Karlo at Keysi. Habang palabas ng


paaralan ay natapilok ang isang paa ni Keysi. Hirap na siyang lumakad pauwi.

“Paano pa kaya ako makakauwi ngayon? Ang sakit ng paa ko. huhuhu,” daing ni Keysi
sa dalawa.
“Huwag ka ng umiyak, narito kami upang alalayan ka. Ipagdasal natin na may
tutulong sa atin upang makauwi nang maayos.” pagpapalakas ng loob ni
Karen.
Sa labas ng paaralan ay kanilang nakita na papauwi na si Mang Kardo.

“O mga bata, napaano kayo? Sumakay na kayo at sumabay pauwi. Gusto ninyong
maranasang sumakay sa aking kariton hindi ba?
“Salamat sa Diyos, dininig niya ang ating dasal, at may bonus pa, makakasakay na
tayo sa kariton na hila ng kalabaw.” Tuwang-tuwa ang mga bata habang inaalalayang
sumakay ang natapilok na kaibigan paakyat sa kariton.
“Maganda palang sumakay sa kariton. Ngayon lang po namin naranasang sumakay sa
kariton. Salamat sa kariton Mang Kardo,” masasayang wika nina Karen, Karlo at Keysi.
Gawain: Sagutan ang mga katanungan patungkol sa nabasang kwento.

A. Panuto: Bilugan ang iyong sagot.


1. Sinu-sino ang tatlong bata ang nasa kwento?
a. Ana, Bela at Toto
b. Bella, Caren at Dona
c. Karlo, Karen at Keysi
d. Kardo, Karen at Karla

2. Anong araw pumasok ng paaralan ang mga bata sa kwento


a. Lunes
b. Martes
c. Huwebes
d. Biyernes

3. Sino ang magsasaka sa kwento?


a. Karen
b. Karlo
c. Keysi
d. Mang Kardo
4. Saan nakasakay si Mang Kardo papuntang bukid?
a. Bisikleta
b. Kariton na hila ng kalabaw
c. Kotse
d. Motorsiklo

5. Sino ang nakita nila Karlo, Karen at Keysi sakay ng kariton


a. Mang Berto
b. Mang Karding
c. Mang Kardo
d. Mang Tomas

6. Saan papunta ang mga bata?


a. Paaralan
b. Palaruan
c. Palengke
d. Parke
7. Ano ang nangyare kay Keysi pagkatapos ng klase?
a. Nabasa
b. Nadapa
c. Natapilok
d. Natusok
8. Sino ang nakita nila sa labas ng paaralan?
a. Mang Ador
b. Mang Bert
c. Mang Berting
d. Mang Kardo

B. Sagutin ang sumusunod na tanong:


9. Bakit kaya hindi nakasakay sina Karlo , Karen at Keysi sa Kariton ni Mang
Kardo base sa unag bahagi ng kento?
10. Ano ang sumunod na pangyayare matapos matapilok ang isang paa ni Keysi?

You might also like