You are on page 1of 9

1 1

MANAGEMENT and DEVELOPMENT TEAM


Schools Division Superintendent : Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor : Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Remylinda T. Soriano, Ed.D
CID LR Supervisor : Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II – Lady Hanna C. Gillo
CID –LRMS PDO II – Albert James P. Macaraeg
Editors : George B. Borromeo, DEM - Public Schools District Supervisor
Teofilo R. Norombaba, Ed.D – Public Schools District Supervisor
Writer: Mary Grace S. Adolfo
Illustrator: Christine Anne V. Castro
Layout Artist : Rizalina V. Castro
Dumating ang ama nina Karen mula sa trabaho. Masaya nila itong
sinalubong at agad silang nagmano.

Mga anak, may pasalubong


ako sa inyong magkapatid.

Maraming salamat po Tatay! Salamat mga anak.


Ito po pala ang tsinelas ninyo. Pupuntahan ko muna
ang inyong nanay.

Tuwang-tuwang kinuha ng magkapatid ang paper bag na dala ng


kanilang ama at agad pumunta sa kusina.

Mga hinog na Oo nga Ate. Hugasan po


mangga at saging muna natin.
pala ang dala ni
Tatay.
Pagkatapos mahugasan ang mga prutas ay kumuha ng tig-isa ang
magkapatid.

Gusto ko iyang
saging.

Sa akin naman po
itong mangga. Gaano
kaya kabigat ito?

Biglang may naisip si Karen.

May naisip lang po


O, bakit Karen? ako Ate.

Opo Ate. Paano kaya


Alam ko na ang tanong malalaman ang bigat ng
mo, kung paano mo isang prutas? Kasi sa
malalaman ang bigat
ng bagay? palengke sabi ng ale, kilo.
Biglang ngumiti si Karla.

Sige Karen, ikukuwento ko sa iyo


ang napag-aralan namin sa online
class kanina.

Sige po Ate, gusto ring


matutuhan ang pinag-
aralan ninyo kanina.

Sa online class ni Karla kanina…


Gagamit tayo ng non-standard
units bilang panukat ng timbang
o bigat ng isang bagay.
Inilabas ni Karla ang kanyang mga kagamitan na pinahanda ng
kanyang guro.

Kailangan natin ang isang


hanger at dalawang plastik
bag. Sa isang plastik bag ang
ilalagay natin ay bayabas.

Inisa-isa ng guro ang paglalagay ng holen upang maging pantay


ang lebel ng plastik na nakasabit sa hanger.

Sa kabilang plastik bag naman ay mga


holen. Maglalagay tayo ng mga holen
sa plastik bag hanggang maging pantay
ang lebel ng mga ito.
Sinundan ni Karla ang proseso.
Ang husay mo Karla pantay na
ang lebel ng iyong hanger. Ano
ang iyong sagot?

Ang isang bayabas


po Ma’am ay
kasimbigat ng
sampung holen.

Ah… tama ang kaklase ko. Ang Tama ka Karla. Tandaan mga bata
pagtatantiya ay di eksakto na ang ginawa natin ay pagtatantiya
pagsukat ng bigat o timbang. ng timbang o bigat ng isang
Non-standard unit nga pala bagay. Ginagamit natin dito ang
ang ginagamit dito. Non-standard Unit tulad ng holen,
pebbles, bato at iba pa.
Dali-daling kinuha ni Karla ang mga ginamit niya kanina sa online
class.
Sige Karen, ilagay natin itong Ang galing mo naman po Ate
saging sa kabilang dulo ng Karla. Tara! Gawin natin yan
hanger at ang holen ay sa ngayon.
kabila naman.

Ipinasubok ni Karla kay Karen ang paglalagay ng mga holen sa


kabilang plastik bag.

Dagdagan pa natin ng holen Ibig sabihin mas


ang kabilang plastik bag mabigat ang saging
hanggang maging pantay. kaysa sa tatlong holen.
Dagdagan pa natin ng holen Ayan po Ate pantay na. Ang
ang kabilang plastik bag galing ng ginamit nating
hanggang maging pantay. panimbang ng bigat ng saging.

Nagkangitian ang magkapatid.

Tama ka Karen. Gumamit tayo ng


non-standard units na panukat ng Ang saging po ay
timbang o bigat katulad ng holen, kasimbigat ng 10 holen.
bato, blocks at iba pa. O, gaano na
kabigat ang saging?
Subukan mong tukuyin ang
bigat ng mga sumusunod na
bagay gamit ang mga non-
standard units.

1. kuwaderno = _____ lapis

1 Kahon ng
2. krayola = _____ tinidor

pencil case = _____ kutsara


3.

Kung nagawa mo ang gawain nang


wasto ikaw ay MATHerrific!

You might also like