You are on page 1of 2

ANG PAPEL NA BANGKA NI CARLO

ni Carmichael Cabañero

Pinahahanda na ng kanyang Ina ang batang si Carlo ng kanyang mga


gamit dahil may pasok sya sa paaralan kinabukasan. Masama ang panahon
sa gabing iyon at ang ama ni Carlo na si Dante na isang mangingisda ay
nagpaalam na sya’y pupunta na sa laot upang mangisda.
“Mas mabuti siguro na ipagpaliban mo muna ang pag punta sa laot dante”
sabi ng nanay ni Carlo na si Maria.
“Hindi naman gaanong masama ang panahon at tsaka kung hindi ako
makakapangisda ay wala tayong makakain”
“o sya sige, mag-iingat ka at baka anong mangyari sayo” pag-aalalang
bilin ni Maria sa kanyang asawa.
Naglakas loob si Dante na pumalaot kahit masama ang panahon. Habang
nasa laot ay bumuhos ang malakas na ulan at sinabayan ng mga
malalaking alon. Sobrang pag-alala ng mag-ina dahil hindi nila alam kung
ano ang kalagayan ng Amang si Dante.
“Ayos lang po kaya ang Tatay, Ina?” tanong ni Carlo.
“Oo naman anak magiging maayos ang iyong Ama, matulog kana at may
pasok kapa bukas”.
Labis ang pag-aalala ni Maria kay dante dahil sa lakas ng buhos ng ulan at
bugso ng hangin. Sa kabilang dako naman ay ang amang si dante ang
nahihirapan na dahil pinasok na ng tubig ang kanyang bangka at bigla lang
hinampas ng malaking alon ang kanyang bangka kaya ito’y tumaob.
Kinabukasan ay hindi parin tumitigil ang ulan kaya’t kanselado ang pasok
sa mga paaralan. Alalang-alala si Carlo dahil umaga na at hindi pa
nakakauwi ang kanyang ama mula sa laot.
“Ina, bakit wala pa po si tatay?” tanong ni Carlo ngunit hindi ito sinagot
ng kanyang Ina.
“Aming Diyos, kung ako’y inyong naririnig ay sana dinggin mo ang aking
panalangin na sana ay makauwi ng ligtas ang aking ama”.
Dahil walang magawa ay naalala ni Carlo ang turo ng kanyang ama kung
paano gumawa nag isang bangka na yari sa papel. Kumuha si Carlo ng
kapirasong papel at gumawa ng bangkang papel. Pinalutang nya ito sa
dagat kasabay ng isang panalangin na sana ay makauwi ng ligtas ang
kanyang ama mula sa laot.
Tumigil na ang ulan at sumikat na araw ngunit patuloy si Carlo sa
paggawa ng bangkang papel si at pinapalutang nya ito sa dagat, umaasang
isang araw ay makakauwi ng ligtas ang kanyang ama.
Maya-maya ay may naaninag si Carlito na isang puting bangka na tila ito
ay isa sa kanyang mga bangkang papel.
“Anak! Maria!”, sigaw ni Dante habang kumakaway sa malayo sakay ng
puting bangka.
Labis ang pagka galak ni mag-ina ng makita ang amang si Dante na
kumakaway sa malayo sakay ng puting bangka. Pagdating ay kwinento ng
Amang si Dante ang kanyang pakikipagsapalaran sa laot at kung paano
nilamon ang kanyang bangka ng mga malalaking alon.
Niyakap ni Carlo ang kanyang Ama at sinabing “Salamat at narinig ng
diyos ang aking dasal, Tatay, at niligtas ka nya gamit ang mga gawa kong
bangkang papel”.
Mula noon ay kapag masama ang panahon ay hindi na pinipilit ng Amang
si Dante na pumalaot.
Ang bangkang papel ni Carlo ay isang simbolo ng isang pag-asa at
pagkakataon. Dahil ang buhay ng isang tao ay nag-iisa lamang.

You might also like