You are on page 1of 4

Mark 1: 40-45

- Sino ang sumulat?saang libro galing?


- Sinu-sino ang mga tauhan
40 
Isang taong may ketong[a] ang lumapit kay Jesus. [Lumuhod ito][b] at
nagmakaawa, “Kung nais po ninyo, ako'y inyong mapapagaling at
magagawang malinis.”
-Sino ang lumapit sa kanya?
-Ano ang ginawa ng ketongin?
-Ano ang sinabi ng Ketongin kay Jesus?
41 
Nahabag si Jesus sa ketongin kaya't hinawakan niya ito at sinabi, “Oo,
nais ko! Gumaling ka!” 
-Ano ang damdamin ni Jesus sa ketongin(probing)
-Ano ang ginawa ni Jesus sa Ketongin?
-Ano ang sinabi ni Jesus sa Ketongin?
42 
Noon di'y nawala ang ketong ng lalaki at siya'y naging malinis. 
-Ano ang nangyari sa sakit ng lalaki?
43 
Matapos mapagbilinan, agad siyang pinaalis ni Jesus 
-Ano ang ginawa ni Jesus pagkatapos pagalingin ang ketongin?
44 
at pinagsabihan ng ganito: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa
halip ay magpunta ka at magpasuri sa pari. Pagkatapos, mag-alay ka ng
handog para sa Diyos ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay sa mga
tao na ikaw ay magaling at malinis na.”
-Ano ang sinabi ni Jesus sa Ketongin?
-Ano ang kailangang gawin ng Ketongin?
-Para saan ang inalay nya?
45 
Ngunit pagkaalis ng lalaki ay kanyang ipinamalita ang nangyari sa
kanya. Dahil dito, hindi na nakapasok pa ng bayan si Jesus. Nanatili na
lamang siya sa mga hindi mataong lugar, subalit pinupuntahan pa rin
siya ng mga tao mula sa iba't ibang dako.
-Sino ang umalis?
-Ano ang ginawa nya?
-Ano ang naging epekto kay Jesus?
-Ano ang nangyari kay Jesus?
-Sino ang nag stay sa labas?Ano ang ginawa ng mga tao?

1st Reading: Leviticus 13: 1-2, 44-46


-Saan galing ang 1st Reading?
1Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, 
-Sinu-sino ang mga characters na nabanggit
-Sinu-sino ang mga kausap ni Jesus?

“Kung ang balat ninuman ay mamaga, magnana o kaya'y magkaroon
ng parang singaw, at ang mga ito'y maging sakit sa balat na parang
ketong, dapat siyang dalhin kay Aaron o sa mga anak niyang pari.
-Ano ang sakit na tinutukoy?
-Kanino dadalhin ang may sakit na Ketongin?
44 
ipahahayag ng pari na siya'y marumi dahil sa sakit sa balat na parang
ketong na nasa kanyang ulo.
-Ano ang kalagayan ng tao na dadalhin sa pari
-Sino ang magsasabi na unclean yung tao?
-Ano ang gagawin ng par isa taong unclean?
45 
“Ang taong may sakit sa balat na parang ketong ay dapat magsuot ng
sirang damit, huwag mag-aayos ng buhok, tatakpan ang kanyang nguso
at laging sisigaw ng, ‘Marumi ako! Marumi ako!’ 
-Ano ang gagawin nya kapag meron siyang leprosy?
-Ano ang isisigaw nya?
46 
Hangga't siya'y may sugat, ituturing siyang marumi at sa labas ng
kampo maninirahang mag-isa.”
-Gaano katagal na idedeclare ang isang unclean?
-Saan sya pwedeng tumira?
-Ano ang nararamdaman ng taong may leprosy(probing)

2nd Reading 1 CORINTHIANS 10:31-33, 11:1


Saang libro galling ang reading
-
Sino ang nagsasalita o sumulat
-
31 
Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o anuman ang
ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng
Diyos. 
Para kanino ang lahat ng ating ginagawa?
-
Para saan ang lahat ng ating ginagawa?
-
Kanino dapat inaalay ang ginagawa natin?
-
32 
Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman, ng
mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga kaanib sa iglesya ng
Diyos, 
-Ano ang dapat nating iwasan?
-Kanino mo dapat iwasan ang makapanakit?
33 
sa halip, tularan ninyo ang ginagawa ko. Sinisikap kong
mabigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko.
Hindi ko inuuna ang sarili kong kapakanan kundi ang kapakanan ng
marami, upang maligtas sila.
-
Sino ang nag uutos?
-
Paano ipliplease ang mga tao?
-Anong magandang halimbawa ang binigay ni St. Paul

-Sino yung ginawang halimbawa?

1 Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.

-Ano ang dapat nating gawin


-Ano ang Final words ni Paul?
-Sino yung iniimitate ni Paul
-Sino ang nagsabi

You might also like