You are on page 1of 1

KEITH SABINIANO

DZWT INTERNSHIP
REPORT # 10

ISA SA PABORITONG MERIENDA NATING MGA PINOY ANG KAKANIN


KATULAD NG SUMAN. KAYA’T NAMAN NGAYONG NAGSITAASAN
ANG PRESYO NG MGA RAW MATERIALS, MALAKI RIN ANG EPEKTO
NITO PARA SA MGA SUMAN VENDORS NGAYON.

UMAABOT NA NG 15 HANGGANG 20 PESOS NGAYON NG ISANG


PIRASO NG SUMAN. MERON DIN NAMAN MGA SUMAN VENDORS NA
HINDI NAG-TAAS NG KANILANG MGA PRESYO, NGUNIT BINAWASAN
NILA ANG SUKAT NG MGA ITO.

MAY MGA CUSTOMERS DIN NA NAG-SABI AT NAKA-PANSIN NA


PARANG LUMIIT ANG SIZING NG MGA SUMAN NGAYON KUMPARA
SA SIZING NG MGA ITO NOON. NGUNIT NAIINTINDIHAN NAMAN NILA
KUNG BAKIT LUMIIT ANG SUKAT NG MGA ITO, NANG DAHIL NA RIN
SA PAG-ANGAT NG PRESYO NG MGA RAW MATERIALS TULAD
NALANG NG ISA SA MGA PRIMARYONG SANGKAP NG SUMAN, ANG
ASUKAL.

AYON SA MGA VENDORS NA AMING NAKAPANAYAM, HALOS LAHAT


SILA AY NILIITAN ANG SUKAT NG KANILANG MGA BENTANG SUMAN.
DAHIL KUNG TATAASAN PA RAW NILA ANG PRESYO NG KANILANG
PANIDA, BAKA WALA NA RAW BUMILI NG MGA ITO. KAYA’T ANG
PAGBAWAS NALANG NG SUKAT NA LAMANG ANG NAKIKITANG
PARAAN UPANG MAKABENTA PARIN SILA, AT PARA MAKA-BILI
PARIN SILA NG MGA RAW MATERIALS KAHIT NAGSITAASAN NA ANG
MGA PRESYO NG MGA ITO.

KEITH SABINIANO, NAG-UULAT. PARA SA DZWT 540, RADYO TOTOO!

You might also like