You are on page 1of 8

PANITIKAN

PANITIKAN
Ayon kay: • Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa
kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.
Bro. Azarias

Ang Paraan Ng Pagpapahayag


PANGANGATWIRAN  Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng
nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.

PAGSASALAYSAY • Isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.

PAGLALAHAD  Isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.

PAGLALARAWAN  Isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.

Mga Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa buong Daigdig


Banal na Kasulatan o  Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya.
Bibliya

Koran  Ang pinakabibliya ng mga Muslim.Galing ito sa Arabia.

Ang Iliad o Odyssey  Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer.

Ang Mahabharata  Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito
ngkasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.

Canterbury Tales  Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.

Uncle Tom’s Cabin  Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging
karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.

Ang Divine Comedia • Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
Italyano nang panahong iyon.

Ang El Cid Compeador  Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang
pambansa.

Ang Awit ni Rolando  Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong
panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.

Ang Aklat ng mga Patay  Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.

Ang Aklat ng mga Araw  Akda ito ni Confucios ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.

Isang Libo’t Isang Gabi  Mula ito sa Arabya at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan
at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.

Pangkalahatang Uri ng Panitikan


AKDANG TULUYAN • yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap

AKDANG PATULA • yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong

Ang Mga Akdang Tuluyan


NOBELA • Ito ay isang mahabang salaysaying nahahati Halimbawa:
sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay
 “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos
ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabang panahon.

MAIKLING KUWENTO Ito ay salaysaying may isa o ilang tauhan, Halimbawa:


may isang pangyayari
 “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute
sa kakintalan

DULA  Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Halimbawa:


Nahahati ito sa ilang yugto at sa bawat yugto ay
maraming tagpo.  “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni
Aurelio Tolentino

ALAMAT  Ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Halimbawa:


Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang
karaniwang paksa nito.  “Ang Alamat ng Pinya”

PABULA  Ito ay mga salaysayin na hubad sa katotohanan Halimbawa:


ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng
mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog  “Ang Pagong at
sa kanilang ugali at pagkilos.
Ang Unggoy”

 Ito ay maikling salaysay ng mga kawili-wili o Halimbawa:


katangi-tanging pangyayari
 “Ang Gamugamo at Ang Munting
ANEKDOTA Nagtatampok sa ugali o pagkatao ng isang Mulawin”.
nilalang.

May mapupulot din itong magagandang aral sa


buhay.

SANAYSAY Ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng halimbawa :


may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
• nito’y ang bahagi ng Editoryal ng
isang pahayagan

TALAMBUHAY  Ito’y isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.

BALITA  Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,


mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o
maging sa ibayong dagat.

TALUMPATI  Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay
humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran, magpaliwanag at magbigay ng
opinyon o paniniwala.

PARABULA  Ito’y isang salaysaying hango sa Bibliya na tulad Halimbawa:


ng anekdota. Ang layunin nito’y
makapagbigay-aral sa mga mambabasa o  “Ang Matandang Mayaman at Si
nakikinig. Lazaro”.

MGA AKDANG PATULA


TULA  Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan
sapagkat dito ay nangangailangan ng
masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng
pantig, at paghahanap ng magkatugmang mga
salita upang maipadama ang isang damdamin
O kaisipan nais ipahayag ng isang manunulat.

TULANG PASALAYSAY  Ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang  Halimbawa:


mga tagpo o pangyayari sa buhay;
 ang kabiguan sa pag-ibig

 ang mga suliranin at panganib sa


pakikidigma o kagitingan ng mga
bayani

MGA URI NG TULANG PASALAYSAY


EPIKO • Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa
mga kababalaghan.

AWIT AT KURIDO  Ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa. Ang
dalawang itoy’nagkakaisa sa kaharian.

BALAD  Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.

TULA ng DAMDAMIN O  Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y
TULANG LIRIKO likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata batay sa karanasan.

MGA TULANG LIRIKO


MGA TULANG LIRIKO  Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdamin ng sariling sumulat o ng ibang tao.
Karaniwan ay maikli,likas at madaling maunawaan.

AWITING BAYAN  Ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, Halimbawa:


kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba,
kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.  “Chit Chirit Chit”

SONETO  Ito’y isang tulang may labing-apat na taludtod Halimbawa:


hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa  “Soneto ng Buhay”
kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa
mambabasa.

ELEHIYA  Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol Halimbawa:


sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo
na sa paggunita ng isang yumao.  “Awit sa Isang Bangkay”
DALIT  Ito’y awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Halimbawa:
Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya
sa buhay.  “O Mariang Sakdal Dilag”

PASTORAL  Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na  Ito’y may layuning maglarawan ng
buhay sa bukid. tunay na buhay sa bukid.

ODA  Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba Halimbawa:


pang masiglang damdamin; walang tiyak na
bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod  “Tumangis si Raquel”
sa isang saknong.

TULANG DULA O PANGTANGHALAN


KOMEDYA  Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong
pukawin ang kawilihan ng manonood.

MELODRAMA  Karaniwang ginagamit sa dulang musikal kasama ng opera. Ngunit ngayon ay may
kaugnayan din sa trahedya at komedya.

TRAHEDYA  Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng
pangunahing tauhan.

PARSA  Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na
mga pangyayaring nakakatawa.

SAYNETE  Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

TULANG PATNIGAN
KARAGATAN  Ito ay batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong
mapangasawa ang kasintahang mahirap

DUPLO  Humalili sa karagatan ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang


patula.

BALAGTASAN  Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense ng Panginay na si Francisco
“Balagtas” Baltazar.

MGA DULANG PANLIBANGAN


TIBAG  Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni Sta. Elena sa
kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.

LAGAYLAY  Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung buwan ng


Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay.

SINAKULO  Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si Hesukristo.


Ang salitaan dito ay mula sa “PASYON”.

PANUNULUYAN  Isang pagtatanghal ito na isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan.

PANUBONG • Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan na kung
tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan.

KARILYO  Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa
mula sa karton., na pinanonood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at
pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong
gumagalaw.

KURIDO  Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangagahulugangn kasalukuyang mga balita
(current events) sa mga Mehikano samantalang dito sa Pilipinas, ang Kurido ay isang
tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at
pananampalataya ng mga tauhan.

SARSUELA  Ito ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto. Ang paksa ay natutungkol sa
pag-ibig, paghihiganti, paninibugho, pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin.

Panitikan: Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


ANG ALAMAT  Isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay nagsasalaylay ng pinagmulan
ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.

KUWENTONG BAYAN • Ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar. Hal. “Si Bulan at Si Adlaw”

EPIKO  Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa
mga kababalaghan.

Hal. Bidasari – epiko ng Moro


Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko

Maragtas, Haraya, Lagda at Hari sa Bukid - mga epiko ng Bisaya

Kumintang – epiko ng Tagalog

Parang Sabir – epiko Moro

Dagoy at Sudsud – epiko ng mga Tagbanua

Tatuang – epiko ng mga Bagobo

Indarapatra at Sulayman

Bantugan

Daramoke – A - Babay

MGA AWITING BAYAN  Isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may lalabindalawahing (12)
pantig.

 Kundiman , Kumintang o Tagumpay , Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o Hele,


Diona, Suliranin at Talindaw

Mga KARUNUNGANG BAYAN


KANTAHING BAYAN  Ito ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino.
Mga Hal. “Pamulinawen”- (Iloko)

“Sarong Banggi) – (Bikol)

SALAWIKAIN  Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng
ating mga ninuno.

Hal. Hamak man ang basahan,

May panahong kailangan.

SAWIKAIN  Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.

Hal. Ang tunay na kaibigan

Sa gipit nasusubukan.
BUGTONG  Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.

 Hal. Dalawang batong itim,

Malayo ang nararating. (MATA)

PALAISIPAN  Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno.

May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang
nagalaw ang sombrero?

 Sagot: Butas ang tuktok ng sobrero.

BULONG  Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.

 Hal. Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko

Lumuwa sana ang mga mata.

Mamaga sana ang katawan mo.

Patayin ka ng mga anito.

KASABIHAN  Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.

 Putak, putak
Batang duwag

Matapang ka’t

Nasa pugad.

KAWIKAAN  Ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa
buhay.

 HAL. Pag talagang palad, Sasampa sa balikat.

Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino


ALIBATA  Na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong
Romano.

Mga AKLAT sa PANAHON ng mga KASTILA


Ang DOCTRINA  Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng
CRISTIANA silograpiko.

 Akda ito nina: PADRE JUAN de PLACENCIA at PADRE DOMINGO NIEVA.


NUESTRA SEÑORA del  Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE BLANCAS de SAN
ROSARIO JOSE noong 1602.

Ang BARLAAN at  Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE ANTONIO de BORJA
JOSAPHAT na isinalin sa tagalog.

PASYON  Ito’y aklat na natutungkol sa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing
mahal na araw.

Ang URBANA at FELISA  Ito’y aklat na sinulat ni: Modesto de Castro-tinaguriang “Ama ng Klasikang
Tuluyan sa Tagalog”.

Mga AKDANG PANGWIKA


Arte Y Reglas de la  Sinulat Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong
Lengua Tagala 1610.

Compendio de la Lengua  Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.


Tagala

Vocabulario de la Lengua  Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na isinulat ni Padre Pedro de San


Tagala Buenaventura noong 1613.

Vocabulario de la Lengua  Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong
Pampango 1732.

Vocabulario de la Lengua  Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.
Bisaya

Arte de la Lengua  Unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Bicolana

Arte de la Lengua Iloka  Kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.

Panitikan
Tuluyan- Nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
Patula- nasusulat ng pataludtod.

Elemento ng maikling kwento


Tauhan- Nagbibigay kulay sa kwento
a. Protagonista (Bida) vs. Antagonista (Kontrabida)
b. Tauhang Bilog (nagbabago) vs. Tauhang Lapad (Di-nagbabago)
Tagpuan- Lugar o panahon sa kwento.
Banghay- Pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan
• Simula- Suliranin/Tumitinding galaw-Kasukdulan-kakalasan-
wakas/konklusyon
Idyoma- Malayo ang kahulugan sa mga salitang ginamit
Alog na ang baba- matanda na
Nagbibilang ng poste- walang trabaho o naghahanap ng trabaho
Mahabang dulang- magpapakasal
Naniningalang pugad- nanliligaw
TAYUTAY
A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING
1. Simili o Pagtutulad (Simile) – nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay
sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y,
animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.
Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na


ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga
katagang kagaya, katulad at mga kauri.
Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba


pang aspekto ng buhay ng tao.
Halimbawa: 1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay


pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.
Halimbawa: 1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang
kabuuan. Halimbawa: 1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walong bibig ang umasa kay Romeo.

B. PAGLALARAWAN
1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng
kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon
Halimbawa: 1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang


nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong
wala naman. Halimbawa: 1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng
matinding damdamin
Halimbawa: 1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.


Halimbawa: 1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan


upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Halimbawa: 1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN
1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay,
pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa.
Halimbawa: 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.

D. PAGSASATUNOG
1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung
ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa: 1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay
bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng


mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.
Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng
akda. Halimbawa: 1. Ito nga! Ito nga! Itong nga!
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?

You might also like