You are on page 1of 5

10/25/22, 9:33 PM 2nd Summative Test in ESP

 2nd Summative Test in ESP


* Required

1. Email *

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap.

2. 1. Inutusan ka ng iyong nanay na maghugas ng mga pinagkainan. Ano ang dapat mong gawin? * 1 point

Mark only one oval.

A. Sasabihin kay nanay na mamaya na lang huhugasan dahil maglalaro ka pa

B. Susunod kay nanay sa kanyang ipinag-uutos

C. Sasabihin na si ate o si kuya na lang muna ang maghugas ng mga plato

D. Padabog na susunod kay nanay

3. 2. Habang naglilinis ka sa silid-aralan ay nasagi mo ang isang plorerang babasagin. Ano ang tamang dapat mong gawin? * 1 point

Mark only one oval.

A. Itago agad sa sulok ang nabasag na plorera para hindi malaman ng guro

B. Sabihin sa guro ang totoong nangyari sa nabasag mong plorera

C. Pagbintangan ang iba na sila ang nakabasag

D. Magwalang kibo nalang sa nangyari

4. 3. Kapag kinakausap mo ang iyong guro o matatandang tao ay hindi ka marunong gumamit ng po at opo,kayat * 1 point

pinagsabihan ang iyong guro na palaging gumalang sa nakatatanda sa pamamagitan ng paggamitng po at opo. Ano ang
tamang damdamin sa sitwasyon?

Mark only one oval.

A. Huwag nalang kausapin ang matatanda at guro para hindi mapansin ang mali.

B. Sabihin na ayaw mong gumamit ng po at opo

C. Tanggapin ang ano mang puna at gagamit na ng po at opo

D. Mapapahiya at magagalit sa nanay at tatay dahil hindi ka tinuruan ng po at opo

5. 4.  Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan? * 1 point

Mark only one oval.

A. Kumain ng mga masustansyang pagkain na gusto mo lang

B. Ang tanging bilhin tuwing recess ay tsitsirya

C. Piliin ang mga pagkaing masarap lamang sa panlasa

D. Ugaliing kumain ng masusustansyang pagkain araw-araw

https://docs.google.com/forms/d/1O1Ol-nGnjY3YmlNFK_y3mTdJU5swO54G0IENFWvAg34/edit 1/5
10/25/22, 9:33 PM 2nd Summative Test in ESP

6. 5. Palaging inaantok sa klase si Jose. Ano ang maipapayo mo sa kanya para sa kanyang kalusugan? * 1 point

Mark only one oval.

A. Matulog ng maaga at ng maging sapat ang tulog

B. Pingutin ang sarili at ng mawala ang antok

C. Mag-ingay na lang sa klase at ng mawala ang antok

D. Uminom ng tubig at ng mawala ang antok

7. 6. Bakit dapat pang manghikayat ng iba para sa pagpapaunlad ng kalusugan? * 1 point

Mark only one oval.

A. Upang sila maging malulusog

B. Upang sila ay maging sikat kaysa iba

C. upang mapangaralan sila

D. upang sila ay maging matatakaw

8. 7. Alin sa mga sumusunod na gawain ang magagawa ng batang malusog? * 1 point

Mark only one oval.

A. Makipaglaro ng text sa mga batang marami ring text

B. Sumali sa mga paligsahan sa paaralan

C. Makipag-away sa mga batang malalaki ang katawan

D. Magyabang sa klase dahil malusog ang katawan

9. 8. Ano ang maaaring mangyari sa batang kumakain sa tamang oras at nag-eehersisyo araw-araw? * 1 point

Mark only one oval.

A. Magiging masigla at malusog

B. Hahangaan ng ibang magulang dahil magaling kumain

C. Magkakaroon ng muscle ang braso at binti

D. magiging sakitin

10. 9. Ang pagkain ng masustansiyang gulay at prutas at pag-inom ng gatas ay nakatutulong sa ating _________. * 1 point

Mark only one oval.

A. kaisipan

B. kapitbahay

C. katamaran

D. katamlayan

https://docs.google.com/forms/d/1O1Ol-nGnjY3YmlNFK_y3mTdJU5swO54G0IENFWvAg34/edit 2/5
10/25/22, 9:33 PM 2nd Summative Test in ESP

11. 10. Ang pagsimba tuwing Linggo ay nakakatulong sa ating ______. * 1 point

Mark only one oval.

A. pag-inom

B. paglalaro

C. paniniwala

D. pagpapasya

12. 11. Ang batang malusog ay ______ * 1 point

Mark only one oval.

A. sakitin

B. may aktibong katawan

C. magaspang ang balat

D. madaling mapagod

13. 12. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita ang katatagan ng loob sa gitna ng pandemic? * 1 point

Mark only one oval.

A. Magiging makalat

B. Magiging tamad

C. Magiging malinis

D. Magiging palaaway

14. 13. Ano ang dapat ipakita habang gumagawa ng isang gawain? * 1 point

Mark only one oval.

A. pagkatakot

B. pagkamayabang

C. pagbabalewala

D. may tiwala sa sarili

15. 14. Paano ipakita ang kahalagahan sa sariling kaligtasan? * 1 point

Mark only one oval.

A. kapag sumusuway sa mga payo ng magulang

B. kapag sumusunod sa mga tagubilin ng Kagawaran ng Kalusugan

C. kapag palaging umaasa sa tulong ng gobyerno.

D. kapag inaabuso ang kapwa-bata

https://docs.google.com/forms/d/1O1Ol-nGnjY3YmlNFK_y3mTdJU5swO54G0IENFWvAg34/edit 3/5
10/25/22, 9:33 PM 2nd Summative Test in ESP

16. 15. Kung ikaw ay nagpapakita ng katatagan ng loob, alin sa mga sumusunod ang hindi mo ginagawa? * 1 point

Mark only one oval.

A. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro.

B. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.

C. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan.

D. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi.

17. 16. Ang pagtanggap sa puna ng ibang tao at pagtatama ng hindi magandang kilos ay pagpapakita ng _______ * 1 point

Mark only one oval.

A. tatag ng loob

B. pagkamasayahin

C. tiwala sa sarili

D. pagkamatulungin

18. 17. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat na ipakita bilang isang batang may malusog na katawan, damdamin at * 1 point

isipan?

Mark only one oval.

A. pagiging mainitin ang ulo

B. tamang bilang at oras ng pagtulog

C. pagkakaroon ng positibong pagkilala sa sarili

D. pagkain ng tama at masustansiyang pagkain sa tamang oras

19. 18.  _______ ang mga taong nais kong kasama sa pagtamo ng maayos na kalusugan. * 1 point

Mark only one oval.

A. pamilya

B. kapwa

C. kaibigan

D. lahat ng nabanggit

20. 19.  Malinis sa katawan si Sharon. Lagi siyang naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. Siya ay ________ * 1 point

Mark only one oval.

A. lalong gaganda

B. magkakaroon ng sakit

C. magiging ligtas sa sakit

D. iiwasan ng kanyang kamag-aral

https://docs.google.com/forms/d/1O1Ol-nGnjY3YmlNFK_y3mTdJU5swO54G0IENFWvAg34/edit 4/5
10/25/22, 9:33 PM 2nd Summative Test in ESP

21. 20. Inuubo si Ana, hindi siya nagtatakip ng bibig kapag umuubo. Tama ba ang kanyang ginagawa? Bakit? * 1 point

Mark only one oval.

A. Hindi, dahil mahahawaan niya ng ubo ang iba dulot ng mikroboyo.

B. Oo, dahil sisigla ang katawan ng kaharap niya.

C. Oo, dahil lilipad ang mikrobyo sa kaharap niya.

D. Oo, dahil mawawala ang ubo niya

This content is neither created nor endorsed by Google.

 Forms

https://docs.google.com/forms/d/1O1Ol-nGnjY3YmlNFK_y3mTdJU5swO54G0IENFWvAg34/edit 5/5

You might also like