You are on page 1of 2

Isang Bansa, Wika't Diwa

Herminia R. Salonga

Ang bayaning José Rizal ay siyang nagpagunita


Kung anong kahalagahan ng wika sa ating nilikha
Aniya'y Ang di magmahal sa sariling wika'y
Mahigit pa sa hayop at napakalansang isda.
Matagal na ring panahong si Gat Rizal ay namatay
Ngunit ang sinabi ay nananatiling buhay
Sinasambit-sambit ito ng matanda o bata man
Nasa sarili niyang wika ay may pagmamahal.
May isa pang Pilipinong hindi man nakipagdigma
Itinuring na bayani pagka't magiti't dakila
Siya'y si Manuel Quezon na nang di pa namayapa
Ay siyang tagapagtaguyod ng ating Wikang Pambansa.
Ama ng Wikang Pambansa kung siya nga ay tawagin.
Sinikap niyang maging isa ang wika nati't damdamin
Tagalog ang napili niyang batayan ng wika natin
Ngayo'y Wikang Pilipino, walang tatak ng alipin.
Paano maipakikitang tayo ay may isang bansa
Na dapat lang magkaroon ng sarili niyang wika
Na maipagmamalaki kahi't sa mga banyaga
Pagka't tayo'y isang bansang iisa ang wika't diwa.

Wikang Nagbubuklod
Princess Marie O. Maigan

Si Jose Rizal ay tama


Nung sinabi nya na ang 'di magmahal sa sariling wika
ay mahigit pa sa hayop at napakalansang isda
Sapagkat madaming sakripisyo at dugo ang dumanak
upang tayo ay makarating kung saan tayo ngayon
At maraming tinik na nadaanan upang tayo ay magkakaroon nga wika
Wika na ginagamit sa pang araw-araw
Maging ito man ay sa ating bahay, trabaho, o paaralan
At sa mg panahon na may hindi pagkakaintindihan
Mayroong wika na masasandalan
at magagamit upang maayos ang pinag-awayan
Kaya't pahalagahan at gamitin natin ang ating wika
Dahil ito ay higit pa sa ating isinusulat o binibigkas
Ito ay nag bubuklod sa atin.

You might also like