You are on page 1of 2

REFLECTION PAPER

Ang aralin na natalakay ang nagbukas sa aking isipan at nag paalala sa akin ng tunay na

simbolo ng watawat at ang kahalagahan ng kalayaan ng Pilipinas. Simula pa noong ako’y paslit

pa lamang, laging naituturo sa akin na ang Pilipinas ay nag-marka ng isang makasaysayang

kaganapan noong Hunyo 12, 1898 sa pamamagitan ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas, na

nagpapahiwatig ng pagtatapos ng 333 taon ng Kastila na kolonisasyon at ang pagkabuo ng bansa

bilang isang soberanyang bansa. Ito raw ay unang iwinagayway ni General Emilio Aguinaldo,

ang pinuno ng Rebolusyon sa Pilipinas, sa Kawit, Cavite. Ngunit sa diskusyong natalakay ko

lamang nabatid ang tunay na kaganapan sa araw ng kalayaan ng Pilipinas, kung saan unang

ipinakita ang watawat ng Pilipinas matapos ang labanan sa Alapan noong May 28, 1898 at itoy

unang iwinagayway ng abogado ni Aguinaldo na si Ambrocio Rianzares Bautista na naging

unang pahiwatig ng kalayaan at soberanya ng bansa. Hindi maiiwasan ang pagkagulo sa mga

katotohanan sa kasaysayan kayat mahalagang surrin ang mga ebidensya at mga orihinal na teksto

at tanungin natin ang ating mga sarili, “gaano nga ba kahalaga sa atin ang petsa na Hulyo

12”“pinahahalagahan ba natin ang ating kalayaan?”

Ang watawat, na nilikha ni Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa de

Natividad, ay may asul, pula, at puting stripes at isang gintong araw na may walong sinag at

tatlong bituin. Nakatatak sa aking isipan na ang asul ay simbolo ng kapayapaan, katotohanan, at

katarungan, ang pula ay nagrerepresenta ng pagiging makabayan at matapang, at ang puti ay

nagpapahiwatig ng kadalisayan at pagkakapantay-pantay. Ang gintong araw naman ay

nagrerepresenta ng pagkakaisa, kalayaan, at demokrasya, habang ang mga bituin ay tumutukoy

1
sa tatlong pangunahing grupo ng mga isla sa Pilipinas: Luzon, Visayas, at Mindanao. Ngunit

ngayon ko lamang napagalaman ang orihinal na pagkakahulugan ng mga ito, kung saan ang asul,

pula, at puting kulay sa ating watawat ay bilang pag gunita sa tulong na ibinigay ng Amerika

para mapalaya ang Pilpinas, ang tatlong bituin naman ay nag rerepresenta sa Luzon, Mindanao,

at Panay, ang tatlong pangunahing kapuluang unang sumali sa rebolusyon laban sa mga Kastila,

at marami pang makabagong aral na hatid ng talakayang ito. Ang aking pagkaunawa sa

kahalagahan ng watawat at Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ay mas lalong lumalim at

lumalawak mula sa aking natutunan noong elementary.

Sa kabuuan, ang talakayang ito ang nagbukas ng pagkakataon upang mas lalo kong

mapag-isipan ang mga aral sa kasaysayan at magbukas na rin ng daan para sa mas mahusay na

kinabukasan ng Pilipinas. Ang pag balik tanaw sa Araw ng Kalayaan ay mahalaga sapagkat dito

natin maipapakita ang pagkakaisa at pagbubuklod-buklod sa layunin ng pagoapahalaga sa

kalayaan at kasarinlan. At sa pagala-ala rito ay magugunita natin at mabibigyan ng halaga ang

mga buhay at sakripisyo ng mga nakalipas na henerasyon upang mapagatagumpayan ang

kalayaan, at tahakim ang landas tungo sa magandang kinabukasan ng ating bansa. Sa pagtatapos,

ang Watawat ng Pilipinas ay hindi lamang dekorasyon ng ating bansa kundi ito may malalim na

pagkakahulugan na sumasalamin sa kabayanihan ng ating mga ninuno at sumisimbolo sa

nasyonalismo at kayalaan na nagpapakita ng makulay na kasaysayan ng ating bansa. Tanungin

natin ang ating mga sarili, “Gaano nga ba kahalaga para sa atin ang petsang Hulyo 12?”

“Pinahahalagahan ba natin ang kalayaang malaya nting natatamasa?”.

You might also like