You are on page 1of 2

Gabay sa Pagtuturo sa Filipino 10

Pangalan ng Guro: Maria Cristina C.De-ita


Asignatura: Filipino 10
Paksa: KABANATA 10 KARANGYAAN AT KARALITAAN
Kompetensi ng Naipapaliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang sa akda kaunay ng
Pagkatuto karanasan,pansarili,gawaing pandaigdig-F10-PN-ivf-90
Layunin ng Kaalaman Na isa-isa ang mahahalagang pangyayari sa akdang "Kayamanan at
Pagkatuto Karalitaanm
Kasanayan Naipapaliwanag ang larawan na iilang pangyayari sa kabanata.
Kaasalan Nakapagpahayag ng sariling opinyon nang may kinalaman sa
kabanatang tinalakay
Mga Sanggunian
 Aklat at Internet
KAGAMITAN: Aklat,manila paper, color paper,

Paghahanda Paunang *Panalangin


*Pagtala ng liban
3 minuto *Balik-aral

Pangganyak
bago natin himay-himayin ang nilalaman ng ating paksa tayo muna ay
magkakarcon ng isang aktibidad na tatawagin nating "Ikot ng Buhay,
bunutin igalaw"

Paiikutin ang roletang may ibat-ibang kulay at may nakatagong salita,


bubunutin ang nakatago sa roleta at isasadula ito gamit ang mga salitang
nabubunot galing sa kahon. Huhulaan ng buong klase ang isinasadula.

Mga Laman ng Kahon;


*Pamaypay
*alahas
7 minuto *Pera
*revolver/baril
*lumang damit
*kupas na gamit
*ginto

Tatas na Salita

Kagaya ng dati may inihanda akong kayamanan na naglalaman ng


"gintong salita" at isang " kahirapan" na naglalaman ng mga "salitang
mahihirap unawain.o maaaring maging sagabal sa ating paksang
tatalakayin kaya sabay-sabay nating tuklasin ang kasing kahulugan n
nito.

Nakipanuluyan – nakitira o nakituloy ng panandalian


Nagdarahop – naghihirap
Tinutudyo – tinutukso
Kapahamakan – kamalasan
Inaglahi – inalipusta
Tulisan – magnanakaw o masasamang loob

Paglalahad Pagtalakay sa kabanata 10 Karangyaan At Karalita


Papangkatin sa lima ang mga mag-aaral at pagkatapos ay bibigyan ang
bawat grupo ng kupya sa buod ng kabanata.ipapabasa ito.pagkatapos ng limang minuto
ay mag bibigay ng ilang katanongan ang guro.

Gabay na tanong;
15 minuto 1.Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun?
2.Paano pinakinabangan ni Simoun ang mga alahas para sa kanyang layunin?
3.Ano ang naramdaman ni Simoun sa pagkawala ng kanyang rebolber?
4.Anong ugali ang ipinamalas ng mga kababaihan at ng mga Pilipino sa usapinng
brilyante at alahas?
Ginintuang Aral: Pag -unawa *Maituturing bang isang kamangmangan ang pagiging isang mahirap?
Pagkokonsidera sa Patunayan ang sagot.
damdamin ng iba 5 minuto
*Anongdamdamin ang namayani sa kabuuan ng akda?

Abstraksyon
* Sa kabanatang ating binasa ay makikita natin na ang pera at ang
materyal ay nakakapaglubha at nagpapabulag sa taaong gahaman at
3 minuto sakim.gayon paman kahit anong matinding galit ang ating
nararamdaman sa mga taong nakakasakit sa atin hindi sapat na pumatay
ng tao huwag pairalin ang galit dahil nasa huli ang pagsisi.

Paglalapat (Pangkatang gawain)

Ngayon, bawat pangkat ay magtatalaga ng pinuno na siyang kakatawan sa pangkat.


Bubunot ang itinalagang pinuno ng kanilang itatanghal na nagpapakita ng kaugnayan ng
Kayamanan at Karalitaan.pagkatos ng 5 minuto ay ipapasadula sa harapan.

*Isang awit na nagpapakita ng pakakaiba ng buhay ng mahirap at mayaman

*Gumawa ng spoken poetry na tumatalakay sa Kayaman at Karalitaan


19 minuto *Ipakita ang pagkakaiba ng pagiging mayaman at mahirap. (tablaue) at ipaliwanag

*Isang dula-dulaan na nagpapakita ng karalitaan at kayamanan.

Pagtataya *Isang pagtatalo ng dalawang panig na pumapaksa sa alin ang mas marami ang
mahihirap o mayayaman.

5 minuto
Nilalaman 10 puntos
Organisiyon 10 Puntos
Mikaniks 5
Kabuoan 25 puntos

Takdang-Aralin Panuto: Pagtapat-tapatin ang nakapaloob sa Hanay A sa Hanay B. Isulat sa patlang ang
5 minuto titik ng tamang sagot.

___1.Nakituloy sa bahay ni Kabesang Tales. A.Kabisang Tales


___2.Ipinalit sa rebolber ng mag-aalahas. B.Maria Clara
___3.Sumama sa mga tulisan. C.Locket
___4.Kinuha ng mga Guardia Civil. D.Tandang Selo
___5.Kumuha ng baril ni Simoun E.Simoun
F.Padre Salvi

You might also like