You are on page 1of 3

Mala-masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin
Sa loob ng 45 na minutong talakayan sa Filipino 7, ang mga estudyante ay inaasahang :
1. Maunawaan nila ang kahulugan at katangian ng Korido
2. Magkakaroon ideya kung bakit kailangan pag-aralan ang Ibong Adarna
3. Makakabuo ng sariling Korido gamit ang mga katangian ng Korido
II. Paksang Aralin
1. Paksa
A. Kahulugan at katangian ng Korido
B. Kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
2. Sanggunian
Ikaapat na Markahan- Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
3. Mga Kagamitan
a. Laptop
b. Prodyektor
c. Instrukayunal na nga materyales
d. Mga larawan ng Ibong Adarna
4. Motibasyon
Pagpapahalaga ng sariling panitikan
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng tatlong larawan ng isang ibon
b. Paglalahad
Tatanongin ng guro ang mga estudyante kung:
1. Ano ang nasa litrato?
2. Anong uri ng ibon ito?
3. Ano ang paksang pag-uusapan sa araling ito?
c. Pagtatalakay
Ibabahagi ng guro ang kahulugan at kayarian ng Korido at kung
bakit kailangang pag-aralan ang ibong Adarna.

Mga gawain:
Analisahing mabuti kung ang tanong ay
Tama ba o Mali
1. Pwedi lang na tapusin ang kwento sa tulang korido
na hindi nagpapatawad ang pangunahing tauhan.
2. May nilalang na nagbabantay sa isang lunas.
3. Walang kasiyahang nagaganap sa kwento o di
kaya’y walang pag-aanyayang nangyari sa kwento.
4. Ekstra-ordinaryo ang katauhan ng bida sa kwento.
5. May engkantada na tumutulong sa pangunahing
tauhan.
d. Paglalapat
Igrupo ang mga estudyante sa pitong pangkat at sagutan ang ang
tanong na naayon sa kanilang numero.
1. Hanapin sa hanay B ang sagot sa Hanay A
2. Gumawa ng dalawang saknong na tula gamit
ang napiling katangian ng korido ayon sa
napiling numero

Hanay 1 Hanay 2
1. Paghingi ng tawad at a.
pagpapatawad

2. Pag-aanyaya b.

3. May nagbabantay na c.
nilalang sa isang lunas

4. Sinusuri ng d.
matandang lalaki ang
ang ugali ng mga
tauhan

5. Mayroong mahika, e.
Himala, Diwata

6. Mayroong f.
paglalakbay o
pakikipagsapalaran

7. Mayroong hindi g.
pangkaraniwan na
katauhan ang
pangunahing tauhan

Pagmamarka:
96-100 – Napakagaling ang pinapakita
90-95 – magaling ang pinapakita
80- 89 – May kulang sa ipinapakita
75- 79 – Hindi nagpapakita ng kahusayan

c. Paglalahat
Pagpapahalaga:
Tanong:
1. Ano ang natutunan ninyo sa aralin ngayong umaga
2. Sa tingin ba ninyo ay mahalaga ang pag-aaral ng Ibong
Adarna?
IV. Ebalwasyon
Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ilang pantig mayroon ang bawat linya ng korido?


2. Ilang taludtod o linya mayroon ang isang Korido
3. Ano ang kahulugan ng salitang espanyol sa correr?
4. Sino ang may-akda ng Ibong Adarna?
5. Anong kontenente naaayon ang tema ng tagpuan sa Ibong Adarna?
6. Ano ang tawag sa tulang inaawit sa nagmamartsang ritmo na sinabayan ng gitara?
Sanaysay
1. Bakit kailangang pag-aralan ang Ibong Adarna?

V. Takdang Aralin
Gumuwa ng isang tulang korido
Inihanda ni:
G. Ian Mark Bugwat
Guro sa Filipino 7

You might also like