You are on page 1of 4

Asignatura EPP- Agrikultura Baitang Lima

W6 Guro GEMMA L. BADILLO Oras


Markahan Ikaapat Petsa Ikaanim na Linggo
I. PAMAGAT NG ARALIN Pagsasampamilihan ng Inaalagaang Hayop
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
1.1 Naisasapamilihan ang inalagaang hayop
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1.2 EPP5AG-0j-18
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I.Panimula (Mungkahing Oras: Unang Araw)
Ang pag-aalaga ng hayop tulad ng pagtatanim ng gulay ay isang kapaki-pakinabang at nakalilibang na
gawain. Malaki ang naitutulong nito sa pagdaragdag ng kita ng mag-anak sapagkat maraming produkto ang
nakukuha sa iba’t ibang uri ng hayop na maaring kainin o gamitin. Kabilang sa mga produktong ito ay itlog,
karne, at balat o balahibo ng hayop na maaring gawing iba’t ibang kagamitan para sa tahanan.
Alam mo ba na maaari kang kumita sa mga produktong galing sa mga hayop? Malaking tulong sa
pamilya at sa pamayanan kung ang mga produktong ito ay mapag uukulan nang maayos na pamamahala.
Ikaw bilang isang mag-aaral ay mayroong maitutulong sa wastong pamamahala o pagsasapamilihan ng
mga hayop.
Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na kaya mong:
 Maisapamilihan ang inalagaang hayop

Ang mga hayop na inaalagaan ay inaani rin tulad ng gulay. Kung kailangan, ang mga hayop na
ipagbibili ay dinadala sa pamilihan nang buhay o bilang karne. Kailangan maging maingat sa paghawak o
paglilipat-lipat sa kanila.
Kung kakatayin ang mga alagang hayop ay gawin sa paraang makatao. Ang labis na pananakit ay
dapat iwasan. Ang mga manok, bibi, at kambing ay maaring ipagbili nang buhay. Higit na kanais-nais kung ang
manok, bibi, at kambing ay nakalagay sa kulungan sa halip na nakatiwarik o nakabiting dinadala.
Ang mga itlog ng manok o bibi na labis sa pangangailangan ng mag-anak ay maaring ipagbili rin sa
pamilihan. Ilagay nang maayos sa basket na sinasapinan ng dayami o tuyong damo o kaya ay ginupit-gupit
na papel.

Paraan ng Pagsasapamilihan ng Inalagaang Hayop


1. Pakyawan o maramihan—Makipag-ugnayan sa malalaking mamumuhunan– ang binibiling produkto ng
malalaking mamumuhunan. Ang paraang pakyawan ay nangyayari kapag nagkasundo ang may-ari at
ang bibili bago pa anihin ang produkto. Ang lahat ng produkto ay makukuha ng mamamakyaw na
siyang magbebenta nito ng direkta sa pamilihan.
2. Lansakan - Makipag-ugnayan sa mga biyahero at maliit na mamumuhunan. Ang kaibahan lamang ay binibili
lamang nila ang mga hayop tulad ng manok na magkakapare-pareho ang timbang at laki at pagkatapos
iniiwan ang mga maliliit. Ito ay isang paraan ng maramihang pagbebenta. Ang bilihan ay maaaring bawat
basket o trey ng mga itlog. Humahango ng maramihan ang mamimili upang ipagbili ng tingian sa palengke.
3. Pagbebenta sa palengke- ang mga produkto ay dadalhin sa palengke upang doon ito ibenta. Mahalagang
matuos kung saang paraan kikita nang mas maganda-kung ito ay ipagbibili ng buhay o ipagbibili nang
dressed.
4. Tingian na pagtitinda– sa pamamaraang tingian, paunti-unti ang pagtitinda sa mga mamimili. Maaring mas
malaki ang nakukuhang tubo subalit mas matagal bago mahawakan ang buong pinagbilhan.
Kilo- ginagamit ang kiluhan sa pagbebenta ng produkto. Ang ginagamit na basehan ng presyo ay ayon sa
timbang ng produkto tulad ng karne.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
Bilang- sa paraang ito naman ay binibilang ang produkto na may nakatakdang presyo. Maaari din
namang ipagbili ng kada dosena.
Piraso- ang produkto ay maaaring bilhin ng kada piraso ayon sa laki. Halimbawa nito ay ang itlog, ang itlog ay
naibebenta ng kada piraso ayon sa laki subalit kung maramihan na ang pagbili ay nagiging dosena na
din ito.
5. Online Selling- paraan ng pagbebenta kahit nasa bahay lamang gamit ang teknolohiya o internet.
Paraan ng pagbebenta sa online selling:
a. Gumawa ng social media account katulad ng facebook.
b. Kuhanan ng maayos at malinaw larawan ang produktong nais ibenta upang maging kaakit –akit sa
makakakita ng iyong facebook.
c. Kailangang malinis at sariwa at nasa tamang presyo ang iyong produkto.
d. Alamin ang tunay na pangalan at eksaktong tirahan ng bumibili.
e. Maging magiliw at magalang din sa mga mamimili.
f. Linangin ang kaalaman sa pagbebenta gamit ang teknolohiya.
6. Pamimigay ng mga Flyers-Paraan ng pagbebenta ng produkto gamit ang kapirasong papel na
nakasulat ang advertisement o patalastas na ipamimigay sa mga tao.
7. Pag- angkat- Tinatawag itong bigay tiwala, sapagkat ibinibigay ang produkto sa tingiang tindahan kahit wala
pang bayad sa kasunduang babayaran sa oras na maubos ang paninda.
8. Paglalako- Karaniwang nag-iikot o naglalakad sa kalye bitbit ang kanyang paninda at isinisigaw ang
pangalan nito.
9. Groseri- Malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa bayan o barangay kung saan kumpleto lahat
ng uri ng paninda.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=S4Io9W9qox4

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: Ikalawang Araw)

Gawain sa Pagkatuto 1 Isulat ang S sa patlang kung Sang ayon ka sa stratehiya ng pagsasapamilihan ng
hayop at DS naman kung Di- Sang-ayon.
1. Sa paraang tingian na pagtitinda, paunti-unti ang pagtitinda sa mga mamimili.
2. Sa online selling kailangan mong pilitin ang iyong mga kaibigan sa facebook upang ikaw ay kumita.
3. Sa tingiang pagtitinda maari kang bumili ng por kilo o kaya ay isang piraso lamang.
4. Kailangang makulay at kaakit-akit ang larawan na ibebenta mo sa online upang mahikayat mong bumili
ang mamimili.
5. Kailangan mong maging mataray sa mamimili upang hindi utangin ang iyong paninda.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: Ikatlong Araw)


Gawain sa Pagkatuto 2 Gamit ang iyong kaalaman sa basic sketching. Gumawa ng disenyo para sa flyers kung
saan nakalagaay ang iyong patalastas ukol sa ibinibenta mong mga buhay na manok.

Puntos
Pamantayan
5 4 3 2 1

1. May kaakit-akit na disenyo ang flyer


IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
2. Malinaw ang layunin, nasa pokus at organisado ang mga detalye

3. Gumamit ng payak at angkop na mga salita na nakatulong sa


lubos na pagkaunawa.

4. Wasto ang gamit sa malalaking titik ( kung saan kailangan)


gayundin ang mga bantas, baybay ng mga salita, at iba pang
mekaniks sa pagsulat.

Kabuuang Puntos

Rubrik sa Paglalahad

Pagpapakahulugan:
16-20 = Napakahusay 11-15 = Mahusay 6-10= Mahusay –husay 1-5 = Kailangan pang magsanay

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: Ikaapat na Araw)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Paano mo isasapamilihan ang iyong alagang hayop?
2. Ano-ano ang dapat mong tandaan upang maging matagumpay ka sa pagsasapamilihan ng iyong
algang hayop?

V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)

Gawain sa Pagkatuto 3: Gamit ang sagutang papel , unawain ang mga sumusunod na tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Ang ay nangyayari kapag nagkasundo ang may-ari at ang bibili bago pa anihin
ang produkto.
a. Pagbebenta sa palengke c. Pakyawan o Maramihan
b. Tingiang pagtitinda d. Online Selling

2. ay isang paraaan ng pagsasapamilihan na kung saan ang mga produkto


ay dadalhin sa palengke upang doon ito ibenta.
a. Pagbebenta sa palengke c. Pakyawan o Maramihan
b. Tingiang pagtitinda d. Online Selling

3. Ang malaking tindahan na karaniwang matatagpuan sa bayan o barangay kung


saan kumpleto lahat ng uri ng paninda na puwede mong pagbentahan ng iyong produkto.
a. Pagbebenta sa palengke c. Pakyawan o Maramihan
b. Tingiang pagtitinda d. Online Selling
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

4. Tinatawag itong bigay tiwala, sapagkat ibinibigay ang produkto sa tingiang tindahan kahit wala pang bayad
sa kasunduang babayaran sa oras na maubos ang paninda.
a. pakyawan c. pag-angkat
b. tingian d. pagbebenta sa palengke

5. Sa pagtitinda sa pamamagitan ng online selling alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
I.Gumawa ng social media account katulad ng facebook.
II. Kuhanan ng maayos at malinaw larawan ang produktong nais ibenta upang maging kaakit –akit sa makakakita ng
iyong facebook.
III. Kailangang malinis at sariwa at nasa tamang presyo ang iyong produkto.
IV.Hindi kinakailangang alamin ang tunay na pangalan at tirahan ng bumibili.
V. Linangin ang kaalaman sa pagbebenta gamit ang teknolohiya.
A. I , II, III at V c. I, II, III
B.II, III at V d. Lahat nang nabanggit

VI.PAGNINILAY (Mungkahing Oras: Ikalimang Araw)



 Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito
sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko
ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko
pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN -Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, etal Kaalaman at
Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 , Quezon City, Vibal Group, Inc, 2016
-Cleofe del Castillo, Ana B. Ventura, Evelyn D. Deliarte etal, Quezon Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5, Quezon City, Adriana Publishing
Co.,Inc., 2002,
MELC EPP p. 405, PIVOT 4A BOW p. 275

Inihanda ni: GEMMA L. BADILLO Binigyan pansin ROBINSON O. CRUZ


ni:

You might also like