You are on page 1of 26

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 3:
Gawaing Pansibiko
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 3: Gawaing Pansibiko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Juanito L. Lumibao, Jr.
Editor: Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso
Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin
Tagasuri ng Wika: Donna Erfe A. Aspiras / Gerwin L. Cortez
Tagasuri sa ADM Format: Kristian Marquez
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat Donna Oliveros / Bryan Balintec
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Emmanuel DG. Castro
Tagapaglapat: Marvie C. Delos Santos
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro
Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan-Modyul 3:
Gawaing Pansibiko
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

Ang modyul na ito ay naglalayong talakayin ang mga epekto ng aktibong


pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at
lipunan. Ano ang Estado ng mga social enterprises sa bansa? Paano nakikilahok
ang mga mamamayang Pilipino sa politikal na aspekto? Gaano kahalaga ang papel
na ginagampanan ng mga civil society organizations sa pagpapabuti ng demokrasya
sa bansa?

Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing


pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan?

Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:


1. nakapagpapaliwanag ng mga anyo ng gawaing pansibiko sa Pilipinas
sa iba’t ibang larangan;
2. nakapagbibigay halaga sa papel ng mga gawaing pansibiko tungo sa
aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala; at
3. nakasusuri ng mga epekto ng mga gawaing sibiko sa larangan ng
kabuhayan, politika at lipunan.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang
bumubuo ng lipunan.
A. Estado C. kagalingan
B. indibiduwal D. sibiko

2. Ang kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa ay


nakapaloob sa konsepto ng:
A. karapatang pantao. C. kamalayang pansibiko.
B. gawaing pansibiko. D. aktibong pagkamamamayan.

1
3. Ang sumusunod ay ang mga pangunahing layunin ng social enterprises
maliban sa:
A. kumita nang malaki.
B. lumikha ng trabaho.
C. mapababa ang antas ng kahirapan.
D. mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga
pamayanan.

4. Ang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang legal na uri ng negosyo na


nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan upang mapabuti ang
pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay tinatawag na:
A. social businesses. C. social organization.
B. social enterprises. D. corporate social responsibility.

5. Alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay


halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa:
A. mga biktima ng mga kalamidad at sakuna.
B. indigenous peoples at mga pamayanang kultural.
C. mga manggagawa sa impormal na sektor at mga migranteng
manggagawa.
D. mga taong nahihirapang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan.

6. Saang probisyon ng Saligang Batas ng 1987 nakasulat ang mga karapatan


sa halal?
A. Artikulo II C. Artikulo IV
B. Artikulo III D. Artikulo V

7. Bakit mahalaga ang pagboto?


A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang
Pilipino.
C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na
opisyal ng pamahalaan.
D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng
kapangyarihan ng mga halal na opisyal.

8. Ayon sa resulta ng International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship


Survey na isinagawa noong 2004, alin sa sumusunod ang pangunahing
katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?
A. pagboto
B. wastong pagbabayad ng buwis
C. laging pagsunod sa batas
D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

2
9. Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado na
binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang
pagkilos, at mga voluntary organizations.
A. civil society C. people’s organizations
B. social enterprises D. non-governmental organizations

10. Saang bahagi ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran


ng Estado kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga
civil society sa kagalingan ng bansa?
A. Seksiyon 13 C. Seksiyon 23
B. Seksiyon 18 D. Seksiyon 28

11. Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan


ang interes ng mga kasapi nito kung saan nahahanay ang mga cause-
oriented group at sectoral group.
A. civil society C. people’s organizations
B. social enterprises D. non-governmental organizations

12. Ang sumusunod ay halimbawa ng people’s organizations maliban sa:


A. Bantay-Kalikasan
B. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas
C. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators
D. Samahan ng mga Magsasaka, Kababaihan at Kabataan sa Burgos

13. Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga
programa ng mga sectoral at cause-oriented group.
A. civil society C. people’s organizations
B. social enterprises D. non-governmental organizations

14. Mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga non-governmental


organizations ang pagkonsulta sa kanila ng mga ahensya ng pamahalaan
para sa mga programang ilulunsad nito. Isa ito sa mga mahahalagang
probisyon ng:
A. Saligang Batas ng Pilipinas
B. Local Government Code of 1991
C. Social Reform and Poverty Alleviation Act
D. Poverty Reduction through Social Entrepreneurship

15. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?


A. Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan
para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
B. Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak na
pakikilahok sa pamamahala ng bansa.
C. Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng
pamahalaan sa kanilang tungkulin.
D. Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang
kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan.

3
Aralin

1 Gawaing Pansibiko

Balikan

Ngayong alam mo na ang mga isyu at hamon ukol sa karapatang pantao,


dadako naman tayo sa isa pa sa mga mahahalagang paksa sa kasalukuyang
panahon. Suriing mabuti ang sumusunod. Pagkatapos ay tukuyin kung anong
karapatang pantao ang ipinakikita ng mga larawan. Isulat ang sagot sa papel.

4
Tuklasin

Hindi natatapos sa pag-alam, pag-angkin at pagtanggol ng ating mga


karapatang pantao ang ating mga gampanin bilang mga aktibong mamamayan.
Kaakibat ng mga karapatang ipinagkaloob sa atin bilang tao at maging ng Estado
ang mga pananagutan natin bilang mga Pilipino. Ang ating pakikisangkot sa mga
gawaing pansibiko ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagkakamit ng tunay
na demokrasya.
Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan?

Ngayon Na
(Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago)
Ni Noel Cabangon

Lumingon sa ‘yong paligid, buksan ang mata’t isip


At iyong makikita kay daming batang lansangan
Bahay na nagsisiksikan ‘di tiyak ang kinabukasan.

Bakit mayaman lang ang lalong yumayaman


At ang karamihan labis ang kahirapan.

Dapat na tayong lumayas sa kawalan


Iwaksi ang katiwalian katotohanan ay ipaglaban.

Tayo’y kumilos na tungo sa pagbabago


Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na.

Ang pagbabagong nais mo sa ating bayan


Sa sarili mo’y dapat simulan
Dapat ipakita na kaya nating mabuhay
Nang marangal matapat mapagmahal at mahusay.

Tayo’y kumilos na tungo sa pagbabago


Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na.

Bawat bata’y dapat nasa eskwela ng kinabukasan ay may pag-asa.


Trabaho’t bahay sa bawat Pilipino ng paglikas ay unti-unting mahinto.
Yaman ng bayan ay dapat pakinabangan ng buong bayan ‘di lamang ng iilan.

5
Dagat, bundok, ilog, patag, at kagubatan gawing ligtas at kapaki-pakinabang.

Katarungan ay dapat mamayani, mayaman ka man o mahirap na turing.


Utang ng bayan, ang baya’y di nakinabang dapat ng putulin at ‘wag ng
bayaran.
Karapatan ay dapat igalang. Karahasan ay ‘wag pahintulutan.
Digmaan ay dapat lunasan. Kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisa at wastong
pamamahala ng pamahalaan.

Tayo’y kumilos na tungo sa pagbabago


Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na.

Ang pagbabagong nais mo sa ating bayan


Sa sarili mo’y dapat simulan
Dapat ipakita na kaya nating mabuhay
Nang marangal matapat mapagmahal at mahusay.

Kaya’t kumilos na tungo sa pagbabago


Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na.

Tungo sa pagbabago
Para sa pagbabago ngayon na, ngayon na
Tungo sa pagbabago para sa pagbabago
Bayan ko ngayon na.
Ngayon na.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awitin sa mga nakikinig?
2. Saan dapat magsimula ang pagbabagong nais natin para sa ating bayan?
Pagtibayin ang sagot.
3. Bilang isang kabataang Pilipino, paano ka makatutulong upang maabot ang
mga pagbabagong inilahad sa awitin? Ipaliwanag ang sagot.
4. Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan?

6
Suriin

Isa sa mga maling pananaw nating mga Pilipino ang lubusang iasa sa
pamahalaan ang napakaraming mga isyu at hamong panlipunan na ating
kinakaharap. Bilang mga aktibong mamamayan nito, nasa ating mga kamay ang
mga kasagutan sa mga usaping matagal nang namiminsala sa bayan. Malinaw na
binibigyang-pansin sa ating Saligang Batas ang papel na ginagampanan ng mga
mamamayan.

“Ang Pilipinas ay isang demokratiko at Republikanong Estado. Nasa mga


mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong
pamunuan ng pamahalaan.”
- Artikulo II, Seksiyon 1, Saligang Batas ng 1987

Patunay lamang ito na ang ganap na kapangyarihan ng Estado ay hindi


nagmumula sa pamahalaan, kundi sa mga mamamayan nito. Ang magkatuwang
na pagtugon ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang pinakamabuting solusyon
sa hindi mabilang na mga suliranin ng ating bansa. Mangyayari lamang ito kung
ang mga mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung ito. Ang
kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa mga
hakbanging tutugon sa maraming isyung panlipunan. Hindi sapat na mulat
lamang tayo. Mas mahalagang tumugon tayo at makilahok sa iba’t ibang gawain na
magsusulong sa pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala sa bansa.

Gawaing Pansibiko
Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay
mamamayan. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang ito upang pormal na
tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan. Kadalasan nang ikinakabit
sa salitang ito ang mga katagang kagalingan o welfare. Tinutukoy ng civic welfare o
kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang makakamit at
mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabutihang ito ay natatamasa sapagkat
nanggagaling sa kagyat na pagtugon at pagmamalasakit ng kapuwa mamamayan.
Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan, ang mga mamamayang may
kamalayang pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan.

Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan


sa kaniyang kapuwa. Ito ay pagkilala na ang indibiduwal ay may kakayahang
paunlarin ang lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at gampanan.
Maaaring tingnan ang gawaing pansibiko bilang malawakang pagsasama-sama ng
mga tao upang tiyaking nasa pinakamahusay silang pamumuhay lalo na ang
pinakamahirap. Karaniwang sinasakop ng kagalingang pansibiko ang mga usapin
hinggil sa edukasyon, kalikasan, kabuhayan, pampublikong serbisyo, at
kalusugan.

7
1. GAWAING PANSIBIKO SA KABUHAYAN
Ayon sa pag-aaral na
inilabas ng Inter-America
Development Bank noong 2016,
ang mga social enterprises sa
Pilipinas ay nakapokus sa
pagtulong sa mga mahihirap.
Karamihan sa mga ito ay
kinabibilangan ng mga low-
income at marginalized na
grupo ng mga producers at
suppliers. Sa isang pag-aaral
na inilabas ng British Council
at ng Philippine Social Enterprise Network, tinatayang 164, 473 ang mga social
enterprises na gumagana sa bansa na kung saan ang mga pangunahing
layunin ay lumikha ng trabaho, mapababa ang antas ng kahirapan at
mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan.
Ito ay kinabibilangan ng mga kooperatiba, mga microfinance institutions, at
iba’t ibang grupo ng inisyatiba gaya ng mga fair trade organization network,
mga social enterprises na pinasimulan ng mga NGOs, mga maliliit na
negosyong may malinaw na panlipunang adhikain at mga sector-specific o
area-based enterprises na tumutulong sa mga mahihirap na magsasaka,
mangingisda, mga katutubong pamayanan, mga maralitang taga-lungsod at
mga kababayan nating may kapansanan.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng social enterprise?

Sa panukalang batas na inihain sa Senado ni Sen. Sonny Angara at Sen.


Juan Miguel Zubiri o Senate Bill No. 105 at 820 (An Act Institutionalizing the
Poverty Reduction through Social Entrepreneurship (PRESENT) Program and
Promoting Social Enterprises with the Poor as Primary Stakeholders), binigyang
kahulugan ang Social Enterprise (SE) bilang “isang panlipunang organisasyon
sa anyo ng isang samahan, isahang pagmamay-ari, sosyohan, korporasyon,
kooperatiba, people’s organization, non-stock non-profit at people’s
organizations o iba pang mga legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga
gawaing pangkabuhayan na nagbibigay ng mga produkto at/o serbisyo na
may pangunahing layuning mapabuti ang pamumuhay ng mga:
a. mahihirap (poor)-batay sa pakahulugan ng Republic Act 8425 (Social
Reform and Poverty Alleviation Act), ay tumutukoy sa mga indibiduwal o
pamilyang ang kita ay mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng
National Economic and Development Authority (NEDA) at/o hindi kayang
patuloy na matugunan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan
ng pagkain, kalusugan, edukasyon, pabahay at iba pa;

b. basic sector-batay sa pakahulugan ng Republic Act 8425 (Social Reform


and Poverty Alleviation Act), ay tumutukoy sa mga disadvantaged o
dehadong sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga magsasaka,
mangingisda, manggagawa sa pormal na sektor at mga migranteng

8
manggagawa, manggagawa sa impormal na sektor, indigenous peoples at
mga pamayanang kultural, kababaihan, persons with disabilities (PWD),
senior citizens, biktima ng mga kalamidad at sakuna, kabataan at mag-
aaral, mga bata at mga maralitang taga-lungsod; at
c. marginalized na sektor-tumutukoy sa grupo ng mga tao na naisasantabi
sa lipunan dulot ng mga dahilang pisikal, saykolohikal, ekonomiko,
sosyal o kultural na kalagayan.

2. GAWAING PANSIBIKO SA POLITIKA

Ang pakikilahok sa eleksiyon


ang pinakapayak na paraan ng
pakikilahok ng mamamayan. Ang
pagboto ay isang obligasyon at
karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng Saligang
Batas ng 1987.
Ayon sa Artikulo V ng
Saligang-Batas ng 1987, ang mga
maaaring makaboto ay:
a. mamamayan ng Pilipinas;
b. hindi diskuwalipikado ayon sa isinasaad ng batas;
c. 18 taong gulang pataas; at
d. tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-
eleksiyon.

Mga Diskuwalipikadong Bumoto (Omnibus Election Code, Artikulo 12,


Seksiyon 118)
a. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang
taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon
matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
b. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon,
sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang
krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli
pagkaraan ng limang taon matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
c. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.

Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal


ng pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang
pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na siya ring
may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung sa tingin nila ay hindi
ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa
pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan
ng ating bayan.

9
Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay
mayroon lamang isang boto, mayaman man o mahirap. Ngunit ang isang
botong ito ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin
ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Sa kabila nito ay may mga nagiging
balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan
pa rin natin na mayroon tayong mga kababayan na nagbebenta ng kanilang
boto sa mga politiko.

Batay sa International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey


noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting
mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin sa listahan ang wastong
pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng
pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang survey na ito
ang pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa
kahalagahan ng karapatang makaboto sa kabila ng maraming balakid at
mga suliranin. Ayon nga sa constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas (1992),
ang layunin ng pagboto ay hindi ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal
para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga
makapagpapaunlad sa Estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.

3. GAWAING PANSIBIKO SA LIPUNAN


Hindi natatapos sa
paglahok sa eleksiyon ang
politikal na pakikilahok ng
mga mamamayan. Sa
halip, unang hakbang
lamang ito para sa isang
malayang lipunan. Ang
esensiya ng demokrasya
ay ang magkaroon ng
mamamayang nakikilahok
sa pagpapaunlad ng bayan
sa paraang higit pa sa
pagboto. Isang paraan dito
ay ang pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa
pamahalaan upang iparating ang pangangailanagn ng mamamayan. Kaya
naman napakahalagang makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil
society.

Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado. Ang


civil society ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-
protesta, lipunang pagkilos, at mga non-governmental organizations (NGOs)
at people’s organizations (POs). Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga
negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang
pabagsakin ang pamahalaan. Nilalayon ng civil society na maging kabahagi
sa pagpapabago ng mga polisiya at maigiit ang accountability (kapanagutan)
at transparency (katapatan) mula sa Estado (Siliman, 1998).

10
Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na tinatawag na NGOs at POs
ay mahalagang bahagi ng civil society. Ang paglahok sa mga samahang ito
ay isa sa maraming paraan sa paglahok sa civil society. Ayon kay Horacio
Morales (1990), “people empowerment entails the creation of a parallel system
of people’s organizations as government partner in decision-making…” Ibig
sabihin, mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil
ito ang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagbuo ng mga programa
para sa ikauunlad ng bayan. Ayon naman kay Randy David (2008), sa
pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng
soberanya ng isang Estado. Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society,
ang mga mithiin ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong
Estado sa pamamahala ng isang bansa.

Sa katunayan, kinikilala sa Artikulo II, Seksiyon 23 ng Saligang-Batas ng


1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng kaunlaran.
Dapat pasiglahin ng Estado ang mga organisasyong ‘di pampamahalaan,
salig pamayanan, o sektoral na nagtataguyod ng kagalingan ng bansa.

Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil


society. Ito ay binubuo ng mga kilos-protesta, mga lipunang pagkilos, at mga
voluntary organization. Ang huli ay nahahati sa dalawang kategorya:
a. grassroots organizations o people’s organizations (POs)-naglalayong
protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Dito nahahanay ang
mga sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka,
mangingisda, at mga caused-oriented group.
b. grassroot support organizations o non-governmental organizations
(NGOs)-naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s
organization.

Magkaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan,


nagkakapareho naman ang mga ito sa mga gawain tulad ng pagsusulong ng
mga adbokasiya, pagsasagawa ng mga kampanya at lobbying, at pakikilahok
sa mga gawain sa lipunan. Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO
ay ang paglawak ng kanilang kahalagahan sa lipunang Pilipino. Ang Local
Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa papel na
ginagampanan ng mga NGO. Ilan sa mga probisyon ng batas na ito ang
sumusunod.

• Kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga


ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito.
• Pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong
plano para makamit ang mga kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o
lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local
development council ang manggagaling sa mga NGO at PO.

11
Uri ng POs at NGOs

Maraming iba’t ibang uri ng PO at NGO ang makikita sa Pilipinas at


bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan (Putzel, 1998).
• TANGOs (Traditional NGOs)-nagsasagawa ng mga proyekto para sa
mahihirap
• FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs)-nagbibigay ng tulong pinansiyal
sa mga people’s organization para tumulong sa mga nangangailangan
• DJANGOs (Development, Justice and Advocacy NGOs)-nagbibigay
suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga legal at medical
na mga serbisyo
• PACO (Professional, Academic and Civic Organizations)-binubuo ng
mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademya
• GRIPO (Government-run and Initiated POs)-mga POs na binuo ng
pamahalaan
• GUAPO (Genuine, Autonomous POs)-itinayo mula sa inisyatibo ng
mamamayan at hindi ng pamahalaan

May tatlong mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa


kasalukuyan.
1. Ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang
kabuhayan ng mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng
pamahalaan.
2. Nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik
tungkol sa adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang
kamalayan ng mamamayan.
3. Direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang maiparating sa
kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at
batas na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayan. Dito
pumapasok ang mga ginagawang pagpoprotesta,
pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-impluwensiya sa mga
desisyon ng mga opisyal ng pamahalaan para makamit ang isang
mithiin.

Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong uri ng


samahan?

Ayon kay Larry Diamond (1994), ang paglahok sa ganitong mga


samahan ay isang mahusay na pagsasanay para sa demokrasya. Sa
pamamagitan ng paglahok sa mga POs at NGOs ay mas napaghuhusay ng
mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa
mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang
pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba at pagkilala at pagrespeto
sa karapatang pantao. Ito ay mahalagang katangian ng isang mabuti at
aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang demokrasya.

12
Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasya. Binibigyan
ng civil society ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa
pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-engganyo sa mga
mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng
pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin (Bello,
2000).

Pagyamanin

A. Match Tayo!
Panuto. Isulat sa papel ang letra mula sa Hanay B na hinihingi mula sa hanay A.
HANAY A HANAY B
1. Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang A. basic
mga mamamayang bumubuo ng lipunan.
2. Ito ay isang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang B. kagalingan
negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing
pangkabuhayan na may pangunahing layuning mapabuti C. mahihirap
ang pamumuhay ng mga nasa laylayan ng lipunan.
3. Ito ay tumutukoy sa mga indibiduwal o pamilyang ang D. marginalized
kita ay mas mababa sa poverty threshold na itinakda ng
National Economic and Development Authority (NEDA). E. sibiko
4. Ito ay tumutukoy sa mga disadvantaged o dehadong
sektor ng lipunan. F. social
5. Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga tao na naisasantabi sa enterprise
lipunan dulot ng mga dahilang pisikal, saykolohikal,
ekonomiko, sosyal o kultural na kalagayan.

B. Where’s the SE map?


Panuto: Batay sa mga konseptong iyong pinag-aralan ukol sa social
entrepreneurship, ibigay ang mga grupo ng tao na nais matulungan nito gamit ang
graphic organizer sa ibaba (para sa mga bilang 2 at 3, magbigay lamang ng hindi
hihigit sa tatlong (3) sagot). Isulat ang sagot sa papel.

Social
Ang mga Enterprises

ay naglalayong 1. ____ 2. ____ 3. ____


tulungan ang mga

a. b. a. b. c. a. b. c.
na binubuo ng mga ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____

13
C. To Vote or Not to Vote?
Panuto: Isulat ang salitang To Vote kung maaaring bumoto ang sumusunod at
Not to Vote naman kung hindi. Isulat sa papel ang sagot.

______1. Si Kim ay isang Pilipino at isang rehistradong nars sa Amerika.


Mahigit sampung na taon na siyang naninirahan doon at regular ding
nagbabakasyon sa bansa.

______2. Nasakdal si Arturito sa isang krimen na may kaparusahang reclusion


perpetua subalit wala pa ring pinal na desisyon ang hukuman ukol sa
kanyang kaso.

______3. Maglalabing-walong taong gulang si Alex sa darating na eleksiyon sa


Mayo.

______4. Mahigit tatlong dekadang nanirahan sa Europa si Rose bago niya


napagdesisyunang manatili na sa Pilipinas. Sa idaraos na halalang
lokal sa susunod na taon ay saktong isang taon na siya sa bansa.

______5. Isa si Ramil sa mga napatunayang nanguna sa rebelyon.

D. The Survey Says


Panuto: Isa-isahin ang katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga
Pilipino batay sa resulta ng ISSP Citizenship Survey noong 2004. Pagkatapos, ibigay
ang sariling pananaw kung bakit ito mahalaga para sa mga Pilipino. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1 __________: ___________________________

2 __________: _________________________

3 __________: ________________________

4 __________: _________________________

5
__________: ___________________________

14
E. Alin sa Dalawa?
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng voluntary organization ang ipinakikilala sa
bawat bilang. Isulat sa papel ang PO kung people’s organization ito, at NGO naman
kung non-governmental organization.

______1. Bantay Kalikasan

______2. Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas

______3. Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators

______4. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas

______5. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources

F. Civil Society Map


Panuto: Sa isang papel, kopyahin ang graphic organizer sa ibaba at punan ito
gamit ang teksto tungkol sa civil society.

1. ___________

1. kilos
protesta
1. __________ 2. __________

3. __________
Civil 2. ____
Society
1. __________

2. _________ 2. __________
3. lipunang
pagkilos

3. __________

15
Isaisip

Kumpletuhin ang talata ng mga angkop na salita. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sinasabing ang kapangyarihan ng Estado ay hindi nagmumula sa


pamahalaan, bagkus nasa kamay ito ng kanyang mga (1) __________. Sa pagganap
ng mga tungkulin sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang aktibong pakikilahok at
pakikisangkot sa iba’t ibang gawain, higit na nakatutuwang ng pamahalaan ang
mga taong may malalim na (2) __________. Ang mga negosyanteng nagsusulong ng
kapananan ng mga basic, poor at marginalized sectors ng ating bansa sa
pamamagitan ng mga social enterprises ang isa sa mga pinakamabisang gawaing
pansibiko sa (3) __________. Bukod pa rito, inaasahan din tayong makilahok sa mga
usapin ng (4) __________ bilang bahagi ng ating pagtalima sa obligasyon at
karapatan na ginagarantiyahan ng Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987.
Panghuli, sa pamamagitan ng paglahok sa civil society ay mas napaghuhusay ng
mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko sa (5) __________.

Isagawa

Kaya ko!
Panuto: Magtala ng lima o higit pang gawain na kaya mong gawin bilang isang
mag-aaral, miyembro ng pamilya, kaibigan at Pilipino na magpapakita ng aktibo
mong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan.
Maaari mo rin itong i-upload sa iyong mga social media account upang makita ng
iyong mga kaibigan.

Bilang Mag-aaral Bilang Miyembro ng Pamilya


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Bilang Kaibigan Bilang Pilipino
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

16
Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat sa papel ang letra ng angkop na
sagot sa bawat bilang.
1. Ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan ay kilala rin sa tawag na:
A. Estado. C. kagalingan.
B. indibiduwal. D. sibiko.

2. Ang mga karapatan sa halal ang nilalaman ng mga probisyon ng Saligang-


Batas ng 1987 sa:
A. Artikulo V. C. Artikulo III.
B. Artikulo IV. D. Artikulo II.

3. Alin sa sumusunod ang hindi layunin ng mga social enterprises?


A. kumita ng malaki
B. lumikha ng trabaho
C. mapababa ang antas ng kahirapan
D. mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga
pamayanan

4. Ang mga negosyong gumagawa ng produkto at nagbibigay ng mga serbisyo


upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay maaaring
uriin bilang:
A. social businesses. C. social organization.
B. social enterprises. D. corporate social responsibility.

5. Batay sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay


halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa:
A. magsasaka.
B. persons with disabilities.
C. mga maralitang taga-lungsod.
D. mga taong ang kita ay mas mababa sa poverty threshold.

6. Nakapaloob sa konsepto ng kamalayang pansibiko na:


A. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang lipunan.
B. ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapwa.
C. ang lipunan ay may pananagutan sa kaniyang mga mamamayan.
D. ang mga mamamayan ay may pananagutan sa kaniyang lipunan.

7. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang katangian ng isang mabuting


mamamayan para sa mga Pilipino?
A. pagboto
B. laging pagsunod sa batas
C. wastong pagbabayad ng buwis
D. pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

17
8. Bakit mahalaga ang pagboto?
A. Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.
B. Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang
Pilipino.
C. Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na
opisyal ng pamahalaan.
D. Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng
kapangyarihan ng mga halal na opisyal.

9. Ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa


mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations ay
kilala sa tawag na:
A. civil society. C. people’s organizations.
B. social enterprises. D. non-governmental organizations.

10. Kinikilala ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng


Estado ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga civil society sa
kagalingan ng bansa. Matatagpuan ito sa:
A. Seksiyon 21. C. Seksiyon 23.
B. Seksiyon 22. D. Seksiyon 24.

11. Ito ang voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang


interes ng mga miyembro nito na kinabibilangan ng mga cause-oriented
group at sectoral group.
A. civil society. C. people’s organizations.
B. social enterprises. D. non-governmental organizations.

12. Ang sumusunod ay halimbawa ng non-governmental organizations maliban


sa:
A. Bantay-Kalikasan.
B. Earthsavers’ Movement.
C. Clean and Green Foundation, Inc.
D. Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas.

13. Ang voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng


mga sectoral at cause-oriented group ay ang:
A. civil society. C. people’s organizations.
B. social enterprises. D. non-governmental organizations.

14. Ang mga non-governmental organizations ay katuwang ng mga bayan,


lungsod o lalawigan sa pagbuo ng mga komprehensibong plano tungo sa
kaunlaran. Isa ito sa mga itinatadhana ng:
A. Saligang Batas ng Pilipinas.
B. Local Government Code of 1991.
C. Social Reform and Poverty Alleviation Act.
D. Poverty Reduction through Social Entrepreneurship.

18
15. Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?
A. Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng
pamahalaan sa kanilang tungkulin.
B. Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak
napakikilahok sa pamamahala ng bansa.
C. Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan
para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
D. Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang
kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan.

Karagdagang Gawain

Civil Society Organization Mapping


Panuto: Sa tulong ng mga kasama sa bahay o gamit ang internet, magsaliksik ukol
sa isang civil society organization (NGOs/ POs) sa inyong pamayanan/ bayan.
Tukuyin kung anong uri ng civil society organization ito, anong sektor ng lipunan
ang kanilang kinakatawan, at kung ano ang kanilang mga tungkulin.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga civil society organization ang matatagpuan sa inyong
komunidad?
2. Anong uri ito ng NGO/ PO?
3. Anong mga sektor ang kanilang kinakatawan?
4. Ano-ano ang mga tungkulin ng mga civil society organization na ito?
5. Anong sektor sa inyong pamayanan/ bayan ang walang representasyon sa
mga civil society organization?

19
20
B. SOCIAL ENTERPRISE MAP E. ALIN SA DALAWA?
Ang mga social enterprises ay naglalayong tulunan 1. NGO 4. NGO
ang mga 2. PO 5. PO
1. mahihirap na binubuo ng mga: 3. PO
a. pamilyang ang kita ay mas mababa sa poverty F. CIVIL SOCIETY MAP (in any
threshold order)
b. pamilyang hindi kayang matugunan ang mga 1. kilos protesta
pangangailangan 2. voluntary organizations
2. basic na binubuo ng mga (magbigay lamang ng tatlo): a. people’s organizations
a. magsasaka; i. PACO (professional,
b. mangingisda; academic, and civic
c. manggagawa sa pormal na sektor at mga organizations)
migranteng manggagawa; ii. GRIPO (government-
d. manggagawa sa impormal na sector; run and initiated
e. indigenous peoples at mga pamayanang kultural; POs)
f. kababaihan; iii. GUAPO (genuine,
g. persons with disabilities (PWD); autonomous POs)
h. senior citizens; b. non-governmental
i. biktima ng mga kalamidad at sakuna; organizations
j. kabataan at mag-aaral; i. TANGOs (traditional
k. mga bata; at NGOs)
l. mga maralitang taga-lungsod; ii. FUNDANGOs
3. marginalized na binubuo ng mga (magbigay lamang (funding-agency
ng tatlo): NGOs)
a. Naisasantabi sa lipunan dulot ng mga iii. DJANGOs
b. dahilang pisikal; (development,
c. saykolohikal; justice and advocacy
d. ekonomiko’ NGOs)
e. sosyal; o 3. Lipunang pagkilos
f. kultural na kalagayan.
C. TO VOTE OR NOT TO D. THE SURVEY SAYS (Binibigyan ng laya ang mga mag-
VOTE? aaral na ilahad ang kanilang sariling opinion ukol sa
mga paksa.)
1. to vote
2. to vote 1. pagboto
3. to vote 2. wastong pagbabayad ng buwis
4. to vote 3. lagging pagsunod sa batas
5. not to vote 4. pagsubabaybay sa Gawain ng pamahalaan
5. unawain ang opinion ng ibang tao
SUBUKIN TAYAHIN A. MATCH TAYO!
1. D 9. A 1. D 4. A 1. E
2. C 10. C 2. B 5. C 2. F
3. A 11. C 3. A 6. C
3. C
4. B 12. A 4. B 7. D
13. D 8. C 4. A
5. D 5. D
6. D 14. B 6. A 9. B 5. D
7. D 15. A 7. C 10. A
8. A 8. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education, Araling Panlipunan Grade 4 LM, 363-364,
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/9685
Department of Education, Araling Panlipunan Grade 10 LM, 396-408,
https://aralingpanlipunan9santolanhs.wordpress.com/curriculum/gr
ade-10/
“Senate Bill 105 Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship
(PRESENT) Act”, Senate of the Philippines, accessed July 18, 2020,
https://senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=18&q=SBN-105
“Senate Bill 820 Poverty Reduction Through Social Entrepreneurship
(PRESENT) Act”, Senate of the Philippines, accessed July 18, 2020,
http://senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=18&q=SBN-820
The Japan Research Institute and Inter-American Development Bank, Study of
Social Entrepreneurship and Innovation Ecosystems in South East
and East Asian Countries, Country Analysis: Republic of the
Philippines,
https://publications.iadb.org/publications/english/document/Study-
of-Social-Entrepreneurship-and-Innovation-Ecosystems-in-South-
East-and-East-Asian-Countries-Country-Analysis-Republic-of-the-
Philippines.pdf

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III - Learning Resources Management


Section (DepEd Region III - LRMS)

Office Address: Matalino St., D.M. Government Center


Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598 – 8580 to 89
Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like