You are on page 1of 7

Taripa

Buwis sa pag-aangkat at pagluluwas ng


mga kalakal

Ang isang taripa ay ang buwis na


ipinapataw sa mga inaangkat o iniluluwas
na kalakal sa pagitan ng mga malalayang
bansa. Isang anyo ito ng alituntunin ng
kalakalang pambanyaga at isang polisiya
na binubuwisan ang mga banyagang
produkto upang himukin o protektahan ang
domestikong industriya. Sa tradisyon,
ginagamit ito ng mga estado bilang isang
pinagkukunan ng kita. Malawak itong
ginagamit bilang instrumento ng
proteksyonismo, kasama ang mga kota o
tinakda sa angkat at luwas.

Maaring nakapirmi ang mga taripa (isang


hindi nagbabagong kabuuan bawat yunit
ng mga inangkat na mga kalakal o isang
bahagdan ng presyo) o kaya't nagbabago
(nag-iiba ang halaga sang-ayon sa
presyo). Nangangahulugan na ang
papataw ng buwis sa mga angkat ay
malamang na hindi ito bibilhin ng mga tao
dahil magiging mas mahal ito. Ang
intensyon ay sa halip, bibili sila ng sariling
produkto - na magpapalakas sa
ekonomiya ng bansa. Samakatuwid,
nagbibigay ang taripa ng isang insentibo
upang pagbutihin ang produksyon at
palitan ang mga angkat sa domestikong
produkto. Nilayon ng taripa ang
mabawasan ang panggigipit mula sa
banyagang kompetisyon at bawasan ang
kakulangan sa pangangalakal. Sa
kasaysayan, nabigyan sila ng katuwiran
bilang isang kaparaanan upang
isanggalang ang mga sanggol na
industriya at upang ipahintulot ang
industriyalisasyon kapalit ng pag-angkat.
Ginagamit din ang taripa upang itama ang
artipisyal na mababang presyo para ilang
inangkat na mga produkto, dahil sa
'pagtapon', subsidiya sa pagluwas at
manipulasyon sa pananalapi.

May halos nagkakaisang


pinagkakasunduan ang mga ekonomista
na may isang negatibong epekto ang
taripa sa paglago ng ekonomiya at sa
kapakanan ng ekonomiya habang may
positibong epekto sa paglago ng
ekonomiya ang malayang kalakalan at
pagbawas sa hadlang sa
kalakalan.[1][2][3][4][5][6] Bagaman, ang
liberalisasyon ng kalakalan ay maaring
magdulot ng isang mahalaga at hindi
pantay na pinapamahaging pagkalugi, at
ang dislokasyon ng mga manggagawa sa
sektor na nakikipagkompetisyon sa pag-
angkat.[2]

Mga sanggunian
1. Tingnan P.Krugman, «The Narrow and
Broad Arguments for Free Trade»,
American Economic Review, Papers and
Proceedings, 83(3), 1993 ; at P.Krugman,
Peddling Prosperity: Economic Sense and
Nonsense in the Age of Diminished
Expectations, New York, W.W. Norton &
Company, 1994. (sa Ingles)
2. "Free Trade" (http://www.igmchicago.org/s
urveys/free-trade) (sa wikang Ingles). IGM
Forum. Marso 13, 2012.
3. "Import Duties" (http://www.igmchicago.or
g/surveys/import-duties) (sa wikang
Ingles). IGM Forum. October 4, 2016.
4. N. Gregory Mankiw, Economists Actually
Agree on This: The Wisdom of Free Trade
(https://www.nytimes.com/2015/04/26/up
shot/economists-actually-agree-on-this-poi
nt-the-wisdom-of-free-trade.html) , New
York Times (Abril 24, 2015): "Economists
are famous for disagreeing with one
another.... But economists reach near
unanimity on some topics, including
international trade."(sa Ingles)
5. William Poole, Free Trade: Why Are
Economists and Noneconomists So Far
Apart (https://core.ac.uk/download/pdf/69
58854.pdf) , Federal Reserve Bank of St.
Louis Review, September/October 2004,
86(5), pp. 1: "most observers agree that
'[t]he consensus among mainstream
economists on the desirability of free trade
remains almost universal.'" (sa Ingles)
6. "Trade Within Europe | IGM Forum" (http://w
ww.igmchicago.org/surveys/trade-within-e
urope) . www.igmchicago.org (sa wikang
Ingles). Nakuha noong 2017-06-24.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Taripa&oldid=1962696"

Huling pagbabago: 09:09, 13 Agosto 2022. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like