You are on page 1of 1

Epekto sa Pilipinas ng Digmaang Ukraine at Russia

Ilang buwan lamang ang nakalipas, ibinalita ang digmaang namamagitan sa Ukraine at Russia.
Ayon sa heograpiya, ang Russia ang pinakamalaking bansa sa buong mundo at sa usapang militar naman,
hawak nila ang pangalawang pinaka maka-pangyarihang pwersa sa buong mundo. Pagdating naman sa
ekonomiya, ang Russia ay ang pangatlo sa pinakamalalaking bansa na nagsu-suplay ng langis sa buong
mundo. Sa kabilang dako, ang Ukraine naman ay nasa pag-itan ng Europe at Russia. Ang Ukraine naman
ay siksik sa mga natural na sangkap partikular na wheat, corn at sunflower oil. Ukraine ang isa sa mga
main exporters ng grain sa buong mundo. Masasabi natin na ang dalawang bansang ito ay kabilang sa
mga nag susuplay ng ating mga pangangailangan at ng mga in development na mga bansa.

Kagaya na lamang ng Pilipinas. Halos 60% ng wheat ng ating bansa ay nanggagaling sa Ukraine.
Napakahalaga ng wheat sa ating bansa dahil ang mga Pilipino ay kilala bilang carbon eaters. Ang Russia
ay pinagmumulan din ng ating mga sangkap katulad ng langis. Ang langis ay isa rin sa mga pangunahing
pangangailangan natin dahil ito ay ginagamit sa pagluluto, sa transportasyon at marami pang iba. Ngunit
dahil sa hidwaan ng dalawang bansa, humina ang pag aangkat ng mga produktong ito. Resulta nito ang
pagtaas ng mga produkto sa merkado. Para sa mga mamamayan ng in development na mga bansa,
malaking hamon ito lalo na’t nagsisimula pa lamang ang muling pagbubukas ng ekonomiya mula sa
pandemya. Sa gitna ng krisis na nangyayari, itinatanggi pa rin ng Russia na sila ang dahilan ng pagbagsak
ng ekonomiya dahilan sa noon pa man ay mayroon ng suliranin sa pagkakalakal ng mga produkto sa iba’t
ibang bansa. Ngunit batay sa mga eksperto, oo, matagal nang mayroong suliranin ang pagkakalakal ng
mga produkto sa iba’t ibang panig ng mundo ngunit lalo itong pinalala ng Russia dahil sa kanilang
ginawang paglusob sa Ukraine.

Napakahirap gumalaw sa panahon ngayon dahilan ng pagtaas ng mga bilihin resulta ng digmaan
sa pag itan ng Ukraine at Russia. Ngunit kahit mayroong nangyayaring giyera, mayroong mga aksiyon na
ginagawa ang Pilipinas. Batay sa DOH (Department of Health), pinapalawig nila ang paggamit ng kamote
at malunggay leaves bilang pangunahing sangkap ng mga tinapay. At ang pagpapalakas ng programa
para sa agrikulturang sektor ng bansa. Para naman sa mga krudo, nagbibigay ang mga ahensya ng
gobyerno ng fuel cash subsidy at mga libreng sakay programs. Tunay ngang masusukat ang katatagan ng
isang bansa kung mayroong krisis na nangyayari at sa gitna ng Krisis na ito, tayo rin lang na mga
mamamayan ng ating bansa ang magtutulungan upang mapuksa ang suliraning ito.

You might also like