1. Patagin ang bundok, tamnan ng trigo at gawing tinapay para maging almusal ng hari kinaumagahan. 2. Pagbabalik sa prasko ng labindalawang (12) negrito na pinakawalan ng hari sa dagat. 3. Paglilipat ng bundok sa tapat ng bintanang durungawan ng hari upang makalanghap ito ng sariwang hangin. 4. Pagtatayo ng kastilyo sa gitna ng karagatan at paglalagay ng daang nagdurugtong sa palasyo. 5. Pagbuwag sa ipinatayong kastilyo sa gitna ng dagat upang maibalik sa dati ang lahat. 6. Paghahanap sa dagat ng diyamanteng singsing ng hari at kung hindi buhay ni Don Juan ang kapalit. 7. Pagpapaamo sa mailap na kabayo na sa katunayan ay si Haring Salermo.