You are on page 1of 3

I – Euthanasia o mercy killing

II – Panimula
A. Pagpapakilala
Ang euthanasia o tinulungang pagpapakamatay at kung minsan pareho ay na-
legalize sa maliit na bilang ng mga bansa at estado. Sa lahat ng hurisdiksyon, inilagay
ang mga batas at pananggalang upang maiwasan ang pang-aabuso at maling paggamit
ng mga gawaing ito. Kasama sa mga hakbang sa pag-iwas, bukod sa iba pa, ang
tahasang pagpayag ng taong humihiling ng euthanasia, mandatoryong pag-uulat ng
lahat ng kaso, pangangasiwa lamang ng mga manggagamot (maliban sa Switzerland),
at konsultasyon ng pangalawang manggagamot.
B. Sariling pananaw sa isyu
Ilagan: Ano nga ba ang mercy killing? Ang “pagpatay dahil sa awa” o “mercy killing” ay
ang “pagpapabaya sa isang tao o hayop na mamatay ng walang nadaramang sakit o sa
pamamagitan ng hindi pagbibigay ng kaukulang serbisyong medikal, kadalasan ay dahil
sa isang sakit na wala ng lunas. Para sa'kin Ito ay masakit gawin para sa isang tao na
gusto pang mabuhay pero hindi pwede dahil ang kanyang sakit ay walang lunas kaya
dito nangyayari ang mercy killing o ang pag patay sa tao dahil sa awa.

Barilamat: Ang mercy killing ay ang pag kitil sa buhay ng taong may sakit na wala ng
lunas. Hindi ito masama dahil ginagamit naman ito para hindi na mag hirap ang isang
tao sa kanyang sakit.

Sabas: Ang sariling Pananaw sa isyu -as I would define Mercy Killing, it is not merely for
the sake of the Family of the Patient. Its is always the right of the Patient. Technically
euthanasia is a resolution. Para hindi na maghirap pa ang patient o yung taong
nakakaranas nito. Lalo na kung wala na talagang pagasang mabuhay ito at tanging
makina o teknolohiya na lamang ang bumubuhay sa kanya. -Laeno, Mariecon -ay
pagpapatiwakal ng isang indibidwal na nagnanais ng wakasan ang sariling buhay sa
tulong ng ibang tao. Ito ay maaaring makatulong sa isang indibidwal na wala ng pisikal
na kapasidad na isagawa ang pagpapakamatay dahil sa matinding karamdaman

Ebdani: Ang euthanasia o mercy killing sa tingin ko ay hindi masama kung gagamitin sa
tamang paraan at hindi sa walang kabuluhang dahilan. Ito ay paraan upang matigil o
permanenteng matigil na ang paghihirap ng isang tao lalo na sa may malubhang sakit.
Katulad nalang sa isang matandang lalaki, lagpas 100 na ang kanyang edad at hindi na
siya makarinig, makakita, o makatayo man lamang sa halip na magdusa ay pinili niya
ang paraang euthanasia upang wakasan ang kanyang paghihirap.
III - Mga argumento sa isyu
A. Buod ng argumento
Mahirap magdesisyon para sa pamilya ng pasyente. Nagbibigay ito ng
pagkabahala at hindi malaman ng bawat isa kung tama bang kitilin na ang buhay ng
pasyente. Mayroong iba na hindi itinutuloy ang balak at hinahayaan na lamang ang
pasyente sa sitwas-yong nakaratay ito at hintayin ang oras. Isa sa mga paraan ng
pagsasagawa ng Euthanasia ay ang pag-aalis sa support o ang pag-aalis ng medical
treatment. Hahayaan ang pasyente na mamatay naturally at ito ay legal sa batas.
Masama ito para satin dahil sa pagpapadali ng buhay ng isang tao lalo wala tayong
katapatan para padaliin ang ating buhay sa pamamagitan ng ganitong isyu

B. Mga impormasyong sumusuporta sa argumento


•Kilala rin bilang euthanasia, ay ang pagpatay ng isang tao na may malubhang
sakit o karamdaman upang mapagbigyan ang kanilang kahilingan na mamatay na nang
mas maaga.

•Ito ay ginagawa upang makaiwas sa mas matagal na paghihirap o sakit.


Supporting information

•Ito ay isang napakadelikadong at kontrobersyal na isyu sa buong mundo dahil


ito ay nakakaapekto sa mga moralidad, etika, at batas.

•Sa ilang mga bansa, ang mercy killing ay ilegal at hindi pinapayagan, habang
sa iba naman ay may mga regulasyon at patakaran na nagbibigay ng karampatang
pagkilala sa mga indibidwal na may malubhang sakit na humihiling na magpakamatay.

C. Mga ebidensya para sa mga argumento


Sa Netherlands, ang euthanasia at pas ay pormal na ginawang legal noong 2001
pagkatapos ng humigit-kumulang 30 taon ng pampublikong debate sistema ng hudisyal
ng bansa. Sa kabila ng oposisyon, kabilang ang mula sa Belgian Medical Association,
ginawang legal ng Belgium ang euthanasia noong 2002 pagkatapos ng humigit-
kumulang 3 taon ng pampublikong diskurso na kinabibilangan ng mga komisyon ng
gobyerno. Ang batas ay ginabayan ng mga karanasan ng Netherlands at Oregon, at
tiniyak ng publiko na ang anumang mga depekto sa batas ng Dutch ay tutugunan sa
batas ng Belgian. Ginawa ng Luxembourg na legal ang euthanasia at pas noong 2009.

IV - ang sariling posisyon sa isyu

A. unang punto ng posisyon


Isasagawa ang Euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay hiniling sa doctor.
Mayroong tinatawag na "living will" ang pasyente ang ganoon din sa kanyang mga kamag anak
na kitilin ang kanyang buhay.
1. Ang doctor na mismo ang nagsasabing ihinto na ang buhay ng kanilang
pasyente dahil alam niya na ito ay makakatulong din sa pamilya at pangunahin mismo
sa pasyente. Mabuti nang maaga pa lamang ay tanggap na ng buong pamilya.

2. Mga ebidensya
- Isang tao na nasa koma o vegetative state at hindi na maaring magpakita ng anumang
senyales ng pagkakatugon sa mga medikal na pagpapagamot. Ang pamilya ay
humihiling na itigil na ang mga aparato na nagpapanatili ng buhay ng pasyente at
hayaan siyang mamatay nang natural.

-Isang pasyenteng may malubhang depresyon o ibang mental health conditions na


nagpapahirap sa kanilang buhay. Siya ay humihiling na tulungan siyang magpakamatay
upang makaiwas sa patuloy na paghihirap.
V - konklusyon
A. Buod ng iyong posisyon
ang euthanasia ay isang pamamaraan kung saan ang isang taong may
malalang sakit ay pinapatay, pwede itong kanyang sariling kahilinggan na tinatawag na ''
living will '' ito rin ay pwedeng maging hiling ng kanyang mga kamag-anak na kitilin ang
kanyang buhay para ang paghihirap nito ay matigil na. Ang mercy killing ay madalas na
isinasagawa upang matigil na ang paghihirap at hindi na muli pang mas lalong masaktan
ang taong may malalang sakit.

B. plano ng pagkilos
Bilang isang kabataan aking mas palalalimin ang aking kaalaman tungkol sa
''mercy killing'' o euthanasia, ito ay aking ibabahagi at ipapakita sa aking mga kakilala
gamit ang social media at ang pagbabahagi ng mga informative papers na maari nilang
mabasa. ipaalam ko sa kanila ang mga mabubuti at hindi mabubuting parte ng
pagsasagawa ng mercy killing upang ito ay mas lalo nilang maintindihan at sila ay maka
ubo ng kanilang sariling opinyon tungkol dito.

Sanggunian:

NCBI: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3070710/

MED MOISSOURI: https://medicine.missouri.edu/centers-institutes-labs/health-ethics/


faq/euthanasia#:~:text=Euthanasia%20is%20the%20practice%20of,%E2%80%9Cthanatos
%E2%80%9D%20(death).

You might also like