You are on page 1of 2

Quejano, Mark Luis B. G.

Narciso Cabanilla
BSRE 1-1

Change and Development


Political Sa pag-ikli ng panahong ginugugol ng balita upang makarating sa Pilipinas
mula sa Europa, ang ideolohiyang kanluranin patungkol sa liberalismo ay
napabilis ang pagkalat sa ating bansa na nagbunga ng paghahangad ng mga
Pilipino ng kalayaan mula sa mga Espanyol.

Sa pagkapanalo ng mga liberal sa Espanya noong 1868, kasabay nito ang


pagdating ni Gobenador-heneral Carlos Maria dela Torre na siyang itinuturing
na isa sa pinakamamahal na gobernador-heneral sa kasaysayan. Siya ay
pinunong nalalapitan ng mga tao. Si dela Torre ay nagpatupad ng
pamamahalang liberal na ikinatuwa ng mga Pilipino dahil na rin sa pagiging
pantay ng kaniyang trato sa mamamayan.

Ang pagpapataw ng buwis sa mga sundalong Pilipino na ipinatupad ni


Gobernador-heneral Izquierdo ay nagresulta sa pag-aaklas na naganap sa
Cavite. Ang pag-aaklas na ito ay ang naging dahilan ng pagkakadawit ng
tatlong paring martir na GomBurZa. Ang pagpatay sa mga paring ito ang
nagbukas sa mata ng mga Pilipino, kabilang din si Jose Rizal, sa kalupitan at
pang-aalipusta ng sistema ng mga Espanyol sa ating bansa.
Economic Ang pagbubukas ng Maynila sa pandaigdang kalakalan noong 1834 ay nagdala
ng kaunlaraang ekonomikal sa mga Pilipinong mangangalakal. Ang
masaganang sektor ng agrikultura, lalo na ang palay at tabako, ay nagamit
upang mai-export sa ibang bansa. Si Don Sinibaldo de Mas naman ang
nagmungkahi sa hari ng Espanya na magbukas ng iba pang daungan maliban sa
Maynila para sa mas mabilis at mas maunlad na kalakalan sa Pilipinas.

Ang pagbubukas ng Suez Canal sa Egypt ay nagpa-usbong pa lalo ng


ekonomiya ng bansa dahil sa paglaki ng demand ng Europa sa mga produktong
agrikultural ng Pilipinas. Napabilis ang transportasyon ng mga kalakal mula sa
3 o 4 na buwan hanggang sa 1 buwan na lamang matapos ang pagbubukas ng
malawak na kanal. Ang mga may-ari ng lupa sa Pilipinas ay lalong yumaman
dahil dito.
Socio- Si Padre Pedro Pelaez ang nanguna sa kilusang sekularisasyon na naghahangad
cultural na kilalanin ang karapatan ng mga paring sekular dito sa Pilipinas. Sa kabila ng
kanilang katalinuhan at karanasan ay hindi pa rin sila pinapayagang maka-
pamuno ng parokya.

Ang paglago ng ekonomiya ay pag-usbong din ng gitnang uri o middle class.


Sila ang nagtatag ng Principalia na binubuo ng mga Inquilinos, kung saan
kabilang ang pamilya Rizal, pati ang mga gobernadorcillo hanggang sa cabeza
de barangay. Ang uri ng tao sa Pilipinas ay hindi na lamang nahahati sa
dalawa, ang mga naghaharing-uri at pinaghahariang-uri. Ang mga Inquilinos na
umunlad ang pamumuhay dahil sa pag-unlad ng ekonomiya ay nagawang pag-
aralin ang kanilang mga anak sa ibang bansa.

You might also like