You are on page 1of 3

BIBLE SHARING GUIDE

Ika-dalawampu’t dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Panginoong Hesus, maraming maraming salamat sa biyaya na ipinagkaloob mo sa amin ngayong


araw naway gabayan mo kami at basbasan para sa pag titipon at pakikinig namin nang mabuting
balita, naway ang pag titipon at pag babahaginan na ito ay mag bigay inspiration sa amin para
gumawa kami ng mabuti. Amen

MABUTING BALITA

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon (Marcos 7: 1 – 8, 14 -15, 21 - 23)

MAIKLING PAGNINILAY

Sa buhay ng tao may mga panahon na mas naniwala tayo sa salita ng tao kesa sa salita ng Diyos.
Mga tradition na akala natin ay tama ngunit hindi naman pala. Kaya mas mabuting mapag tanto
natin kung ano ang tama kesa sa mali, kung ano ang tunay at kesa sa peke. Sa buhay ng tao lalo
na ngayon mas maiging maging critical at mas ipalaganap ang katotohanan at kabutihan.

Sa ating Unang Pagbasa (Deuteronomio 4:1-2, 6-8), ipinahayag ni Moises sa mga Israelita na
sundin ang lahat ng mga utos ng Panginoong Diyos, at huwag baguhin ang mga Ito. Kung ating
natatandaan, ang Panginoon ang nagligtas sa kanilang bayan mula sa pagkaalipin sa Ehipto sa
pamamagitan ng kanyang lingkod na si Moises. Kaya ang nais niya sa kanyang pinagpala ay
sundin ang kanyang utos at sumamba sa kanya. Subalit sa paglipas ng panahon, umusbong ang
ilang mga pinuno ng Hudyo katulad ng Pariseo, Saduceo, at eskriba, at dumagdag sila ng higit na
500 utos, hanggang mabuo nila ang 613 utos. At kung sinuman ang lalabag sa mga ito ay
aarestuhin ng mga Romano. Hindi lang Kautusan ang kanilang hinigpitan, kundi pati rin ang
kanilang mga tradisyong ginawa ng kanilang mga ninuno.

Kaya sa ating Ebanghelyo (Marcos 7:1-8, 14-15, 21-23), tinuligsa sila ni Hesus dahil hindi
makabuluhan ang kanilang pagsamba sa Diyos. Kung ating susuriin, kapag nakikita nila siyang
lumalabag sa utos, bibintangin nila siya at susubukang patayin siya. Ilan sa mga ito ay ang Araw
ng Pamamahinga, pag-aayuno at pangingilin, pagbabayad ng buwis kay Emperador Cesar, atbp.
Higit sa lahat, tingin nila lumalabag si Hesus sa mga ito, pati pa rin daw ang pagdeklara ng
kanyang sarili bilang Anak ng Diyos. Subalit ang kanilang pagkikilala sa Diyos ay hindi
makabuluhan dahil ang sabi nga ni Propeta Isaias: “Sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito
bumubukal” (Isaias 29:13). Kaya nga hinihigpitan nila ang Kautusan para tuparin ito ng lahat ng
mga tao, at mismo sila’y hindi sinusunod ito. Mga kapatid, ang pinupunto lamang ni Kristo ay
ang tamang pagkilala at pagsamba sa Ama.

Mahalaga naman na sundin ang Kautusan, subalit huwag tayo masyadong mapagmataas. Huwag
din natin maliitin at gawing paslit ang ating mga kapwa. Ang Diyos ay tumitingin sa puso ng
bawat isa, kung paano ang isang tayo’y sumunod sa kanyang utos at gumawa ng mga
mabubuting bagay sa ibang tao. Kaya nga sa ating Ikalawang Pagbasa (Santiago 1:17-18, 21b-
22, 27), hinihikayat tayo ni Apostol Santiago, kauna-unahang Obispo ng Jerusalem, na ang tunay
na pakikipagkilala sa Diyos ay nababatay rin ng mahabagin at maawaing puso ng isang
indibiduwal tungo sa kanyang mga kapwa.

Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y sundin natin ang mga utos nang buong puso, at nang
hinding pagpapaslit sa ibang tao.

GABAY NA TANONG

1. May pagkakataon ba sa iyong buhay na ikaw ay nangmamata sa iyong kapwa sa kanyang


mga kamalian upang ibaba siya sa iyong lebel? Bakit?
2. Ano ang nananaig na damdamin kapag ginagawa ito? Maging partikular.

KONKRETONG TUGON

Sa pang araw-araw na ginagawa ng Diyos para sa atin, ating sanayin ang ating mga sarili na
mamuhay ng may kababaan at may pasasalamat. Suriin at pagnilayan ng mabuti ang ating mga
intention kung itatama natin ang ating kapwa. Dapat ang intensyon ay mabuti alang alang sa
kapakanan ng iyong kapatid na nagkamali. Laging idasal sa ating Diyos na mapagmahal na
magkaroon tayo ng pusong mapagkumbaba.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Panginoong Hesus, tinapay ng buhay. Maraming salamat sa mga biyayang natanggap namin
ngayong oras nang aming pag pupulong nawa maisabuhay at mapalaganap namin ang kabuitihan
tinuto mo sa amin.

You might also like