You are on page 1of 2

(no subject)

1 message

Judy Rea Suello <judyreasuello4@gmail.com> Tue, Jun 21, 2022 at 10:43 AM


To: joyenriquezvillena@gmail.com

Introduksyon sa Pananaliksik

Panukalang Pahayag

Ang pangangalakal ng mga pinirata o bootlegged na pelikula sa DVD format ay nagmimistulang legal.

Panimula

Kaalinsabay ng pagsulong ng globalisasyon (free trade) at liberalisasyon sa merkado ay ang patuloy na paglago ng black
market, lalu na ang pangangalakal ng mga ilegal na kopya ng optical media products laban sa mga lehitimong
distribution outfits. Bunsod rin ito ng ilang technological advancement tulad ng scanners, makabagong printing
softwares, file-sharing sa internet kung saan ang isang pelikula, halimbawa, ay maaaring i-download ng libre, i-upload sa
internet domain ng walang authorized permit mula sa mga copyright holder o i-share sa iba sa pamamagitan ng email o
CD-R discs gamit ang CD-burn software, at marami pang iba. Ang do-it-yourself-aspects ng digital media, sa madaling
sabi, ay malaking salik sa mass production ng ilegal media.

Bukod sa mas mura na tumabo ng husto sa takilya ang nirerelease sa publiko ng mga lokal kumpara sa orihinal, marami
ang nararahuyo sa pagtangkiilik ng mga piniratang produkto sa kadahilanang mas accessible ito o mas madaling hanapin
sa black market ang ilang mga pelikulang hindi opisyal na nairelease sa publiko ng mga local film distributors gaya ng art
films, documentary films at foreign films. Kadalasan, mga pelikulang Hollywood o mga pelikulang Tagalog film outfits
gaya ng Viva, Star Cinema, at iba pa.
Paglalahad ng Suliranin

Bakit hindi masupil-supil ang pamimirata?

Mahihirap lang ba ang bumibili ng mga piniratang pelikula?

Ano’ng sektor ang direktang naaapektunan ng pamimirata?

Ano’ng kailangan ng isang nagnanais pumasok sa negosyong ito para magmistulang legal?

Ilan ang pinagkukuhanan ng kopya ng mga piniratang pelikula?

May illegal bang negosyong nakatayo sa isang legal na lugar?

Ano’ng maaaring gawin ng gobyerno sa paglaganap ng pamimirata?

Bakit patuloy pa rin ang paglaganap nito kahit alam nilang illegal ito?

Mga Tiyak na Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na makisangkot sa patuloy na pag-iral at lalong lumalalang problemang kinakaharap ng bansa
hinggil sa pamimirata ng optical media, lalu na ng pelikula. Layunin ding mabago ang tingin ng 1st world countries sa
kultura at ugali ng 3rd world countries tulad ng Pilipinas sa usaping pamimirata sa pamamagitan blogging.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay makakatulong na mapabilis ang pagsupil ng paglaganap ng mga piniratang
pelikula sa DVD format. Ito ay inaasahang magbubunga ng pakinabang sa mga artista, prodyuser at iba pang sangay ng
industriya ng pelikulang Pilipino. Mahalaga din ang pananaliksik na ito para sa mga taong nakakalimot na ang pamimirata
ay illegal at nagdudulot ng masamang epekto sa industriya ng pelikula sa bansa.
Saklaw at Delimitasyon
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tungkol sa pagpapatunay na ang pangangalakal ng mga piniratang pelikula sa
pamamagitan ng DVD ay nagmimistulang legal. Ang pananaliksik ay nangyari sa buong buwan ng Pebrero para makalap
ng sapat na ebidensya hanggang makabuo ng konklusyon. Ang pag-aaral na nagawa ay nakatuon lamang sa lugar ng
Tutuban Mall sa Gitnang Maynila na isang pampublikong pamilihan na nangangailan ng mga legal na dokumento upang
makapagsagawa ng bentahan.

Daloy ng Pag-aaral

Ang unang kabanata ay ang introduksyon sa pananaliksik. Ang Panimula ay naglalaman ng pagpapakilala at pagbibigay
ng kahulugan sa naturang paksa. Tatalakayin din ang lahat ng mga suliranin ng pananaliksik. Papasok din ang layunin na
nagsasaad ng mga ninanais marating ng mga mananaliksik. Sa kabanatang ito ipinahayag ang kabuluhan ng pag-aaral na
isinagawa.

Ang nakapaloob sa kabanata ng rebyu/pag-aaral ay ang kaugnay na literatura ng pananaliksik na isinagawa. Ang mga
mapagkakatiwalaang impormasyon na ginawa ng mga naunang nanaliksik sa paksang ito ay matatagpuan sa kabanata
na ito. .

Ang kabanata ng metodolohiya ay ang paglalarawan ng paraan kung paano isinagawa ang pananaliksik. Nakasaad sa
kabanata na ito ang lahat ng proseso na ginamit ng mga mananaliksik.

Ang kabanata ng paglalahad ng mga datos ay naglalaman ng lahat ng impormasyon na nakalap ng mga mananaliksik sa
pag-iimbestigang isinagawa sa Tutuban Mall. Ang nasabing kanabata ang magpapatunay na ang panukalang pahayag ng
pananaliksik ay may katotohanan.

Ang kabanata ng konklusyon at rekomendasyon ang magpapakita ng kasagutan sa pananaliksik na isinagawa. Sasagutin
ang tanong na kung napatunayan ba ng mga mananaliksik ang panukalang pahayag. Ito din ay tatalakay sa mga
suhestiyon ng mga mananaliksik. Ang mga solusyon sa mga problemang nakita ng mga mananaliksik sa pag-aaral na
isinagawa ay nakapaloob sa nasabing kabanata.

You might also like