You are on page 1of 3

Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon.

Punong-
punong ng mga sundalo at mga opisyal ang steamer. Ang hulinh paguwi
ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na ang
pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging
kabayaran.

(Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang


mananaggol – Si Luis
Taviel de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya
ni Juez Francisco Olive.)
Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling
araw ng iyong paglilitis sa kasong panguupat ng himagsikan laban sa
Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga
ebidensiya laban sa iyo. (Papalo)
Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na
nagpapatunay ng iyong koneksyon sa kampanya para sa reporma sa
Espanya.
2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang
pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik.
3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay
na ay kinalaman ka sa Propaganda sa Espaniya.
4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na
mapanghikayat ng himagsikan.
5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na
naglalarawan sa iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas.
6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong
mapanghimagsik na serbisiyo.
7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay
naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa
Espaniya.
(Papalo nanaman si Juez.)
Tagabas2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo:
1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyong na
humihingi ng tulong nito para sa paghihimagsik.
2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo.
3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang
tagapagligtas ng mga Pilipino.
4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga
pinatatapon ng gobyerno.
5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na
nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal na organisasyon.

6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad,


“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor
Rizal!”
7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan
nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!”
8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng
paglaban para sa karapatan.
(Papalo nanaman ang Juez.)
Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan
ng pagkakaton ang iyong mananaggol na iprisenta ang inyong
hulingdepensa. (Papalo.)
Luis: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal
– Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realando.
Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi
mabilang na rebelyon. Siya rin ay naging simbolo ng mga karaingan ng
mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan. Ano
ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla
ng pagkamuhi o paglaban sa Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla
ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya. Idineklara ba
niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa
kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa
harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng
kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya.
Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay
binibigyan ng pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng
panghuli niyang depensa.
(Tatayo si Jose at magsasalita.)
Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa
boong pananatili ko ay wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng
aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang
pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang
pananatili ko doon. Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng
aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng
isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng
digmaan. Dalidali akong sumulat sa Gobernador General para iaabot
ang makakayao ngunit ito ang nakuha kong kapalit.
Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko
sa Dapitan at ginamit ang aking pagkawala para idiin ako. Ngayon ay
nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga
kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong
kasalanan – minahal ko ang sarili kong bayan.
(Papalo uli ang Juez. Magkakagulo at magiingay ang mga tao.)

Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal.


Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang
nagkasala sa harap ng korteng ito dahil sa iyong panguupat ng
himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng kamatayan.
(Papalo ang Juez.)

You might also like