You are on page 1of 1

KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Sa kabanatang ito inilalahad ng mananaliksik ang mga nakalap na datos at

ginawang pagsusuri mula sa mga magsasakang Tboli na nagtatanim ng mais mula

sa dalawang munisipalidad, Lake Sebu at T’boli, South Cotabato at makikita rin

dito ang ginawang paghahambing ng mga leksikong nakalap.

Ang datos na nakalap ay may kabuuang bilang na isang daan (100)

leksikon ng mga magsasakang Tboli na nagtatanim ng mais na mula sa dalawang

nasabing munisipalidad. Ang Talahanayan I ay mga leksikon ng mga

magsasakang Tboli sa Munisipalidad ng Lake Sebu, South Cotabato at

Munisipalidad ng T’boli, South Cotabato na nakategorya batay sa sumusunod:

A. (1) Kagamitan ng mga Magsasakang Tboli sa Munisipalidad ng Lake Sebu,

South Cotabato.

(2) Kagamitan ng mga Magsasakang Tboli sa Munisipalidad ng T’boli, South

Cotabato.

B. (1) Proseso ng Pagsasaka ng mga Magsasakang Tboli sa Lake Sebu, South

Cotabato.

(2) Proseso ng pagsasaka ng mga Magsasakang Tboli sa Munisipalidad ng

T’boli, South Cotabato.

C. (1) Panahon ng Pagsasaka ng mga Magsasakang sa T’boli, sa Lake Sebu, South

Cotabato.

(2) Panahon ng Pagsasaka ng mga Magsasakang T’boli, sa T’boli, South

Cotabato.

You might also like