You are on page 1of 8

ayon sa kanila na mula sa aklat ni Pe-pua, (1982) ang pamamaraang ito ay

ginagamit sa sikolohiya sa pag-arok sa diwa ng kalahok. Binubuo ito ng dalawang

iskala- iskala ng mananaliksik at iskala ng patutunguhan ng mananaliksik. Ang

iskala ng mananaliksik ay binubuo ng pagmamasid, pakikiramdam, pagtatanong-

tanong, pagsubok, pagdalaw-dalaw, pagmamatyag, pagsusubaybay, pakikialam,

pakikilahok, at pakikisangkot. Ang iskala naman ng patutunguhan ng

mananaliksik at kalahok ay kinapapalooban ng pakikitungo, pakikisalamuha,

pakikilahok, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang loob, pakikisangkot,

at pakikiisa. Ang pakikitungo ito ay pagsunod sa atas ng mabuting asal ayon sa

kaugalian sa pakikipagkapwa. Mabisa itong gamitin sa pagkalap ng mga

impormasyon sa kulturang Pilipino partikular na ng mga tribong Tboli sa pag-

uugali at pamumuhay at sa pamamagitan ng Key informant Interviews,

mayroong qualitative in-depth na panayam sa mga taong may karanasan kung

ano nangyayari sa komunidad.

Ang layunin nito ay upang mangolekta impormasyon mula sa malawak na

hanay ng mga tao—kabilang ang mga pinuno ng komunidad, mga propesyonal, o

mga residente—na may unang kaalaman tungkol sa komunidad. Ang mga

komunidad na ito ang mga eksperto, kasama ang kanilang partikular na kaalaman

at pag-unawa, ay maaaring magbigay ng pananaw sa kalikasan ng mga problema

at magbigay ng mga rekomendasyon para sa mga solusyon (UCLA Center For

Health Policy Research, 2004). Gamit ang gabay na talatanungan ay makakakuha

ang mga mananaliksik ng mga datos mula sa mga magsasakang Tboli na

nagtatanim ng mais, partikular sa mga kagamitan, proseso at panahon ng

pagsasaka.

32
Lokal na Pag-aaral

Lake Sebu, South Cotabato

Ang munisipyo ay may lupain na 702.00 square kilometers o 271.04

square miles na bumubuo sa 18.50% ng kabuuang lawak ng South Cotabato. Ang

populasyon nito ayon sa 2020 Census ay 81,221. Ito ay kumakatawan sa 8.33% ng

kabuuang populasyon ng lalawigan ng South Cotabato, o 1.66% ng kabuuang

populasyon ng rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Batay sa mga figure na ito, ang

densidad ng populasyon ay kinukuwenta sa 116 na naninirahan kada kilometro

kuwadrado o 300 na naninirahan kada milya kuwadrado.

Ang Lake Sebu ay mayroong 19 na barangay. Ang populasyon ng Lake

Sebu ay lumago mula 34,350 noong 1990 hanggang 81,221 noong 2020, isang

pagtaas ng 46,871 katao sa loob ng 30 taon. Ang kabuuang bilang ng mga

rehistradong botante o electorate sa Lake Sebu para sa taong 2019 ay 40,126, na

hinati sa 20,658 lalaki at 19,468 babae.

Batay sa distansiya ang pinakamalapit na munisipalidad ay T'Boli, South

Cotabato, Surallah, South Cotabato, Banga, South Cotabato, Santo Niño, South

Cotabato, Kiamba, Sarangani, at Tupi, South Cotabato. Ang layo nito mula sa

pambansang kabisera ay 1,011.41 kilometro (628.46 milya). Ang sumusunod na

listahan ay naglalarawan ng mga naturang sukat ng distansya.

Sa kasalukuyan ang munisipalidad ng Lake Sebu, South Cotabato ay isa sa

mga iniingatang munisipalidad sa bayan ng Timog Cotabato na pinaninirahan ng

pangkat etnikong Tboli dahil sa angkin nitong yaman sa kultura at tradisyon na

pinanatili ng lugar magpahanggang ngayon.

33
https://en.wikipedia.
org/wiki/Lake_Sebu,
_South_Cotabato

https://www.philpar.com/p/map-of-philippines.html

Pigura 1. Mapa ng Munisipalidad ng Lake Sebu, South Cotabato


https://mapcarta.com/Lake_Sebu/Map

34
T’boli, South Cotabato

Ang munisipyo ay may lupain na 895.83 square kilometers o 345.88

square miles na bumubuo sa 23.61% ng kabuuang lawak ng South Cotabato. Ang

populasyon nito na tinukoy ng 2020 Census ay 101,049. Ito ay kumakatawan sa

10.36% ng kabuuang populasyon ng lalawigan ng South Cotabato, o 2.06% ng

kabuuang populasyon ng rehiyon ng SOCCSKSARGEN. Batay sa mga figure na

ito, ang densidad ng populasyon ay kinukuwenta sa 113 na naninirahan kada

kilometro kuwadrado o 292 na naninirahan kada milya kuwadrado.

Ang T’boli ay mayroong 25 na barangay .Ang populasyon ng T'Boli ay

lumago mula 32,602 noong 1975 hanggang 101,049 noong 2020, isang pagtaas ng

68,447 katao sa loob ng 45 taon. Ang kabuuang bilang ng mga rehistradong

botante o electorate sa T'Boli para sa taong 2019 ay 54,040, na hinati sa 28,394 na

lalaki at 25,646 na babae.

Batay sa distansiya ang pinakamalapit na munisipalidad ay Lake Sebu,

South Cotabato, Tupi, South Cotabato, Surallah, South Cotabato, Banga, South

Cotabato, Polomolok, South Cotabato, at Tampakan, South Cotabato. Ang layo

nito mula sa pambansang kabisera ay 1,017.41 kilometro (632.19 milya). Ang

sumusunod na listahan ay naglalarawan ng mga naturang sukat ng distansya.

Sa kasalukuyan ang munisipalidad ng T’boli, South Cotabato ay isa sa

mga iniingatang munisipalidad sa bayan ng Timog Cotabato na pinaninirahan ng

pangkat etnikong Tboli dahil sa angkin nitong yaman sa kultura at tradisyon na

pinanatili ng lugar magpahanggang ngayon.

35
https://en.wikip
edia.org/wiki/T
%27Boli,_Sout
h_Cotabato

https://www.philpar.com/p/map-of-philippines.html

Pigura 2. Mapa ng Munisipalidad ng T’boli, South Cotabato


https://mapcarta.com/15710798/Map
36
Impormante

Binubuo ng (78) pitumpu't walong impormante na mula sa

dalawang munisipalidad ng Lake Sebu, South Cotabato at T’boli, South Cotabato

ang nagbigay ng mga impormasyon ukol sa pag-aaral na ginamitan ng mga

mananaliksik ng “purposive at convenience sampling” nang sa gayon ay matiyak

na may sapat na kaalaman ang mga makikibahagi sa pag-aaral para sa mga

terminolohiyang ginagamit sa pagsasaka ng mais mga Tboli at ginamitan ng

convenience sampling, dahil naayon ang isasagawang pag-aaral sa lugar na

tinitirahan ng mga mananaliksik.

Sa pagpili ng mga impormante sa pag-aaral na ito isinaalang-alang ang

mga sumusunod na batayan mula sa pag-aaral ni (Macatabon & Calibayan, 2016),

upang mas maging balido ang makakalap ng mga impormasyon mula sa mga

impormante: (1) isang katutubong Tboli (2) ipinanganak, lumaki at nakatira sa

lugar ng pag-aaralan; (4) magsasaka ng mais (5) nagsasalita ng wikang Tboli. Sa

kabuuan ang pag-aaral na ito ay binubuo ng (78) pitumpu't walong impormante na

mula sa dalawang munisipalidad ng Lake Sebu, South Cotabato at T’boli, South

Cotabato.

Sa pagsasagawa ng balidasyon sa kabisaan ng mga salitang nalikom.

Gumawa ng liham para sa validasyon sa dalawang kaguruan, isa (1) na mula sa

Lake Sebu, South Cotabato na si Ginang Delma D. Todi, isang Master Teacher 1

at isa (1) na mula sa T’boli, South Cotabato na si Ginoong Ricky U. Piang, isang

Principal 1 at IPED District Coordinator. Pinaunlakan at binigyan ang mga

mananaliksik ng pahintulot kaya, mula sa nakalap at nalikom na mga leksikon, ay

pinatingnan at binigyang balidasyon ang mga leksikon upang matiyak ang

37
kabisaaan at kahusayan ng mga salitang nakalap at nalikom. May espasyo rin na

inilaan ang mga mananaliksik para sa puna at suhestiyon para sa kalahok ng pag-

aaral.

Pangkalahatang Pamamaraan

Ang unang hakbang na ginawa ng mananaliksik ay naghanap at nangalap

ng impormasyon hinggil sa paksa. Nagtanong at nangalap ng mga impormasyon

na may kaugnayan sa pag-aaral, sa silid-aklatan ng Mindanao State University at

sa internet.

Kasunod nito ang mananaliksik ay gumawa ng liham pahintulot na

kanyang binigay sa tanggapan ng walong Punong Barangay, apat (4) na barangay

na mula sa munisipalidad ng Lake Sebu, South Cotabato ang mga mga barangay

sa Denlag, Halilan, Upper Maculan, at Hanoon, Lake Sebu South Cotabato at

Barangay Upper Maculan, Lake Sebu South Cotabato at apat (4) na barangay na

mula sa munisipalidad ng T’boli South Cotabato ang mga barangay sa Kimatu,

Laconon, Lemsenolon, at Salacafe, T’boli South Cotabato. Dahil dito

napahintulotan ang mananalik upang makapangalap ng mga leksikon ng Wikang

Tboli. Naghanap ng mga impormante at nagsagawa ng harapang pakikipag-usap

at nag obserba sa kanilang pagsasaka.

Pagkatapos na pahintulutan ang mananaliksik, ay mabuting inihanda ang

mga kagamitang gagamitin sa pananaliksik tulad ng papel, bolpen, at cellphone o

voice recorder upang mairekord ang mga mahahalagang datos. Gumamit din ng

camera ang mananaliksik upang makunan ng larawan ang mga impormante upang

higit na kapaniwala ang ginawang pag-aaral.

38
Ang lahat ng mga salitang nakalap ng mga mananaliksik ay nilikom at

inihanay sa paraang alpabetiko. Ang mga salita ay isinuri at binigyan ng

morpolohikal na anyo upang maging basehan ng mga gagamit nito.

Sa pagsasagawa ng balidasyon sa kabisaan ng mga salitang nalikom.

Gumawa ng liham para sa validasyon sa dalawang kaguruan, isa (1) na mula sa

Lake Sebu, South Cotabato na si Ginang Delma D. Todi, isang Master Teacher 1

at isa (1) na mula sa T’boli, South Cotabato na si Ginoong Ricky U. Piang, isang

Principal 1 at IPED District Coordinator. Pinaunlakan at binigyan ang mga

mananaliksik ng pahintulot kaya, mula sa nakalap at nalikom na mga leksikon, ay

pinatingnan at binigyang balidasyon ang mga leksikon upang matiyak ang

kabisaaan at kahusayan ng mga salitang nakalap at nalikom. May espasyo rin na

inilaan ang mga mananaliksik para sa puna at suhestiyon para sa kalahok ng pag-

aaral.

Sa pagrebisa at pagsasa-ayos ng mga salitang nalikom. Batay sa mga puna

at ilang suhestiyon ng mga validator sa pag-aaral, paulit-ulit na binasa ng mga

mananaliksik ang mga salita o terminong kanilang itinala sa nabuong

diksyunaryo. Nirebyu ng mananaliksik ang mga datos o leksikong nakalap para

mas lalong maintindihan, mauunawaan ang mga kahulugan ng mga salitang

ginamit maging ang bahagi ng pananalitang kinabibilangan nito, etimolohiya at

marami pang iba.

39

You might also like