You are on page 1of 22

3

Arts
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagguhit at Pagpinta sa mga
Katangian ng Mabangis na Hayop

CO_Q2_Arts 3_Module 7
Arts – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Pagguhit at Pagpinta sa mga Katangian
ng Mabangis na Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Eden Santero Rico


Editor: Lyneth B. Baptista, Neal Keith Gonzales, Reynaldo Deocampo,
Arcel Gacasan
Tagasuri: Aidena L. Nuesca, Romeo A. Mamac, Bryan Ephraem E. Miguel
Lea C. Manambay, Aries A. Gamino
Tagaguhit: Loureven John L. Drilon, Paul S. Galagala
Tagalapat: Paul S. Galagala
Tagapamahala: Allan G. Farnaso Reynante A. Solitario
Mary Jeanne B. Aldeguer Janwario E. Yamota
Analiza C. Almazan Djhoane C. Aguilar
Ma. Cielo D. Estrada Maria Perpetua Angelita G. Suelto
Jeselyn B. dela Cuesta Reynaldo C. Deocampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147


E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

ARTS
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pagguhit at Pagpinta sa mga
Katangian ng Mabangis na Hayop
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kanikanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pagunawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyo. Narito ito


upang matulungan kang linangin ang iyong kakayahan sa pagguhit
at pagpipinta lalong-lalo na sa kalikasan at sa ating kapaligiran
kasama ang iba’t ibang hayop na kailangang pahalagahan.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakaoobserba ng mga katangian ng mababangis na hayop


sa pamamagitan ng paggawa ng mga guhit gamit ang lapis,
pagpipinta, at pagdaragdag ng tekstura bilang pantakip sa
balat (A3PR-Ig);

2. nakaguguhit at nakapipinta ng iba’t ibang mababangis na


hayop gamit ang lapis, krayola, at water color na
nakadaragdag ng tekstura bilang pantakip sa balat;

3. napahahalagahan ang kagandahan ng mababangis na may


buhay sa pamamagitan ng pagpapakita ng importansiya,
pagmamahal, at pangangalaga sa kalikasan.

1 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Subukin
Tukuyin kung anong hayop ang inilalarawan sa sumusunod na
bilang. Isulat ang titik lamang ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. May kulay na magkahalong dilaw at dalandan ang balat, at
sanga-sanga ang sungay.
a. ahas c. tamaraw
b. agila d. pilandok
2. Kulay puti at kayumanggi ang mga balahibo. Matutulis ang
kuko at malalaki ang pakpak.
a. ahas c. tamaraw
b. Agila d. baboy-damo
3. Kulay itim at dilaw ang balat at makaliskis. Gumagapang
gamit ang katawan.
a. ahas c. loro
b. agila d. baboy-damo
4. Magaspang at mabalahibo ang kulay itim na balat. Matutulis
ang ngipin at may mga pangil sa magkabilang gilid ng bibig.
a. unggoy c. ahas
b. agila d. baboy-damo

5. Magkahalong dilaw at dalandan ang kulay ng balahibo,


matutulis ang kuko, at kapamilya ng pusa.
a. unggoy c. tigre
b. agila d. baboy-damo

2 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Aralin Pagguhit at Pagpinta sa mga

1 Katangian ng Mabangis na
Hayop

Balikan
Tukuyin ang wastong kulay ng isang bahagi ng nabanggit na
hayop sa sumusunod na bilang. Isulat sa papel ang titik lamang ng
iyong sagot.
1. Ano ang kadalasang kulay ng tuka ng loro?
a. itim c. berde
b. dilaw d. bughaw
2. Ano ang kulay ng mga balahibo ng unggoy?
a. itim c. dalandan
b. dilaw d. kayumanggi
3. Ano-ano ang kulay ng balat ng ahas na Kobra?
a. pula c. berde
b. dilaw at itim d. bughaw at puti
4. Ano-ano ang kulay ng mga balahibo ng isdang King Fisher?
a. itim at puti c. berde at pula
b. bughaw at dilaw d. puti at bughaw
5. Ano-ano ang kulay ng mga balahibo ng tigre?
a. dalandan at puti
b. dilaw at itim, at pula
c. itim, puti, at dalandan
d. itim, puti, at may dilaw-dalandan na buhok

3 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Tuklasin

Ang Pamamasyal
Ipinasyal nina Ginoo at Ginang Gonzales ang anak na si Zaijan
sa pinakasikat na Antonio’s Wild Animal Farm bilang gantimpala nila
sa pagkamit nito ng pinakamataas na karangalan sa ikatlong
baitang.
“Inay! Itay! Masayang-masaya ako! Ngayon lang ako
nakakikita ng iba’t ibang klase ng hayop,” sabi ni Zaijan.
“Doon tayo sa may maraming tao. Narinig ko kanina, may
bagong silang daw na tigre, parang kamukha ng malaking pusa
ang anak nito at maganda raw ang buhok,” anyaya ni Zaijan sa
mga magulang.
“Tingnan mo anak, may malaking unggoy na lumalambi-
lambitin sa sanga. Katabi naman ng unggoy ang hawla ng
dalawang agila,” sabi ng ama.

“Itay, inay, tingnan po ninyo ang mga pakpak ng agila.


Napakalapad at napakaganda ng kulay,” buong paghanga na
pahayag ng bata.

4 CO_Q2_Arts 3_Module 7
“Naku! Nakakatakot! Napakalaki at napakahaba ng ahas na
kulay dilaw at itim ang balat,” tila nanginginig sa takot na sabi ni
Zaijan.
“Pumunta tayo sa dulo. May mga pilandok at baboy-damo
roon,” pag-anyaya ng ama sa dalawa.
“Inay, bakit po may mga pangil at parang magaspang yata
ang mga balahibo ng baboy-damo? Hindi tulad sa mga baboy
natin sa bahay na pino ang mga balahibo?”
“May mga pangil at magaspang ang mga balahibo ng
baboy-damo dahil mga mabangis na uri ng hayop ito. Hindi tulad
ng baboy natin sa bahay na maaamo,” pagpapaliwanag ng ina.
“Hayun! Buwaya! Makapal at tila napakatigas ng balat. May
mga pangil din tulad ng baboy-damo ngunit mas maiikli nga lang,”
pasigaw na pahayag ng anak.
“Dapat natin silang pangalagaan upang hindi sila maubos,”
paalala ng ama sa anak.
Masayang-masaya na umuwi ang pamilyang Gonzales
pagkatapos ng kanilang maghapong pamamasyal, lalong-lalo na si
Zaijan.

5 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Suriin
Tukuyin ang wastong sagot sa sumusunod na bilang. Isulat sa
papel ang titik lamang ng iyong sagot.
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
a. si Zaijan
b. si G. Gonzales
c. si Gng. Gonzales
d. sina Zaijan, G., at Gng. Gonzales
2. Saan sila namasyal?
a. sa Antonio’s Wild Animal Farm
b. sa Crocodile Park at Burnham Park
c. sa Antonio’s Wild Animal Farm at Burnham Park
d. saZoo, Crocodile Park, Burnham Park, at Antonio’s Wild
Animal Farm
3. Ano-ano ang nakita nila sa kanilang pamamasyal?
a. mga mababangis na hayop
b. mga tigre, loro, buwaya, ahas, at pusa
c. baboy-damo, King Fisher, pilandok, pusa, at ibon
d. unggoy, ahas, ibon, baboy-damo, King Fisher, at pusa
4. Bakit may mga pangil at magaspang ang mga balahibo ng
baboy-damo?
a. dahil ito ay naliligo sa putikan
b. dahil ito ay kumakain ng kapuwa hayop
c. dahil ito ay naghahanap ng pagkain sa ilalim ng lupa
d. dahil ang baboy-damo ay mabangis at hindi
pangkaraniwan
5. Paano mo pangangalagaan ang mga ligaw na hayop?
a. Sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa kulungan
b. Sa pamamagitan ng pagbebenta sa mga dayuhan sa
bansa
c. Sa pamamagitan ng pagbigay ng kahit anong pagkain
d. Sa pamamagitan ng tamang pagkain, tirahan, at
pagmamahal

6 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Pagyamanin

Gawain 1: Pagpipinta gamit ang krayola.


Iguhit sa buong bond paper ang mga mababangis na hayop
na nasa loob ng kahon. Kulayan ito gamit ang krayola.

7 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Gawain 2
Pangkalahatang Panuto:
1. Iguhit ang iyong paboritong hayop na matatagpuan sa inyong
lalawigan o rehiyon.
2. Iguhit ito pareho sa bawat kahon.
3. Maglagay ng tubig sa brush. Alamin kung ang waks at krayola
ay maaaring pumigil o hindi tanggapin ng water color para
takpan ang guhit.
4. Sundin ang sumusunod na panuto.

Guhit 1
Pagguhit gamit ang lapis

Guhit 2
Pagguhit gamit ang krayola o waks

8 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Guhit 3
Pagguhit gamit ang waks at water color

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na tanong.


Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang maaaring pamagat ng iyong iginuhit?


a. Ang Paborito Kong Hayop
b. Ang Mabangis na Hayop sa Aming Rehiyon
c. Ang Gusto Kong Iguhit na Hayop
d. Ang Hayop na may Pakpak
2. Anong hayop ang sikat sa rehiyon ng Mindoro?
a. agila c. tamaraw
b. pilandok d. baboy-damo
3. Ano ang ginamit mo sa pagpipinta?
a. lapis c. water color
b. krayola d. wala
4. Ano ang iyong ginamit na pangkulay na pumigil para takpan
ang iyong guhit?
a. lapis c. water color
b. tubig d. krayola o waks

9 CO_Q2_Arts 3_Module 7
5. Dapat ba nating pahalagahan ang mababangis na hayop sa
kagubatan? Bakit?
a. Opo, upang sila ay dumami at may mahuhuli sa
pangangaso ang aking ama.
b. Opo, dahil kakaunti na lang sila at nakatutulong sila sa
kagandahan ng kalikasan.
c. Hindi, dahil sila ay nangangagat kapag nakawala.
d. Hindi, dahil nakasasakit sila sa mga tao.

Isaisip

Ang mga pisikal na katangian ng mga hayop tulad ng iba’t


ibang sukat, kulay, tekstura, at mga takip ng katawan ay
nagdaragdag sa kagandahan ng kanilang anyo na nagbibigay
katangian sa bawat isa o mayaman sa mailap na hayop.
Sa pagpipinta ng iba’t ibang klase ng mabangis na hayop
kailangan nating isaalang-alang na maaari itong magmukhang
mahusay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng linya, kulay o butil.
Maraming uri ng mga item sa pangkulay tulad ng kulay ng tubig,
acrylic o poster na pintura, uling, dahon at bulaklak

Ang tamaraw sa Mindoro, sa pagpipinta nito kailangan


makapal ang linya. Maaaring gamitan ng lapis na mas makapal
ang kulay itim na balahibo.
Ang Pilandok o deer, sa pagguhit hindi masyadong may diin
ang paggamit ng lapis at pangkulay na maaaring pagpatung-
patungin ang dilaw at dalandan.
Ang Philippine Cockatoo na nakaaakit ang mga kulay. Ang
mga hayop na ito ay kadalasan matatagpuan sa rehiyon ng
Palawan. Kailangang magaan ang paggamit ng lapis at krayola

10 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Ang kalaw o Walden’s Hornbill ay matatagpuan sa Negros at
Panay. Ang katangian nito ay ang pinakatanyag na tumpok ng
Hornbill ay maliwanag na dilaw at itim na casque sa tuktok ng
napakalaking bill nito. Ang casque ay lilitaw na hugis U kapag
titingnan sa harap. Dapat magaan ang paggamit ng lapis at water
color.
Ang agila o Philippine Eagle sa rehiyon ng Davao ay mabangis
na ibon, may pakurba na mga tuka para sumunggab ng laman
mula sa kanilang biktima. Ito ay may puti at kayumangging kulay.
May napakalapad na mga pakpak na kayang lumipad nang
napakatayog. May gaan ang paggamit ng lapis at krayola.
Ang tarsier na makikita sa rehiyon ng Bohol. Ito ay may
malalaking mata, may malalambot na balahibo na kulay
kayumanggi. Sa pagguhit maari itong magaan ang paghagod ng
lapis at krayola.
Ang mga baboy-damo ay may kulay itim, magagaspang ang
balahibo, at mahahaba at matutulis ang pangil sa magkabilang
gilid ng bunganga nito. May diin ang paggamit ng lapis sa pagguhit
ng makapal na mga linya ng balahibo.
Ang mga ahas naman ay may iba’t ibang klase at kulay.
Maaring pagpatung-patungin ang kulay dilaw at dalandan upang
ito na may magandang disenyo ang kaliskis.

Isagawa

Panuto: Iguhit at kulayan ang mabangis na hayop na makikita sa


Pilipinas na gusto mong iligtas. Bakit mo pinili ang hayop na ito?
Sumulat ng dalawang pangungusap bilang tugon. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

11 CO_Q2_Arts 3_Module 7
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Direksiyon:
Bigyan ng puntos ang iyong likhang sining. Maaaring ipakita sa
iyong ina o sino man na puwede mong mahingian ng opinyon
gamit ang rubriks na ito.

3 2 1
Rubriks Nakikita Hindi Hindi
Masyadong Nakikita
Nakikita

1. Ang iyong likhang sining


ba ay nagpapakita ng
harmony gamit ang
komplementaryong
kulay?

2. Ang iyong likhang sining


ba ay nagpapakita ng
tekstura ng balat ng
mabangis na hayop na
makikita sa inyong
lugar?

12 CO_Q2_Arts 3_Module 7
3. Ang iyong likhang sining
ba ay nagpapakita na
ginagamitan ng crayon
resist?

4. Natapos mo ba ang
iyong likhang sining sa
takdang-oras?

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang


papel.
1. Anong ibon ang matatagpuan sa rehiyon ng Negros at Panay?
a. agila c. tarsier
b. kalaw d. unggoy

2. Anong hayop ang matatagpuan sa kagubatan ng Bohol na


may malalaking mata at kulay kayumanggi?
a. tamaraw c. tarsier
b. pilandok d. ahas

3. Ano ang tekstura ng balat ng baboy-damo?


a. kulay itim, at magaspang na tekstura ang balahibo
b. itim at pinong balahibo
c. makapal at kulay kayumanggi
d. may mabagsik na mukha at hugis bilog ang katawan

13 CO_Q2_Arts 3_Module 7
4. Ano ang katangian ng tamaraw na matatagpuan sa
Mindoro?
a. may mahahabang balahibo
b. may matutulis na sungay
c. maliit, malakas, at magaspang ang balahibo
d. maliit na mammal, maitim, may sungay, at kamukha ng
kalabaw

5. Ano ang naibigay ng pisikal na katangian gaya ng balat, hugis


tekstura ng mga hayop sa kagubatan?
a. Ito ay nakatutulong sa kalikasan
b. Ito ay para may takip ang katawan nila
c. Ito ay nakatutulong na makahahanap sila ng kaibigan
sa kagubatan
d. Ito ay nakadagdag sa kagandahan ng maiilap na
hayop at para hindi sila mahanap ng kanilang kaaway

Karagdagang Gawain

Magtanong sa mga magulang ng mabangis na hayop na


nakita nila sa totoong buhay. Isulat ang katangian ng balat, hugis,
kulay, at tekstura nito. Pumili ng isa, iguhit at kulayan ito sa isang
bond paper.

14 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Bigyan ng puntos ang iyong likhang sining base sa ibinigay
na rubriks na nasa ibaba.
2
3 Hindi 1
Rubriks Nakikit Masyado Hindi
a ng Nakikita
Nakikita
Ang likhang sining ba ay
nagpapakita ng harmony gamit
ang komplementaryong kulay?
Ang likhang sining ba ay
nagpapakita ng tekstura ng balat
ng mabangis na hayop na
makikita sa inyong lugar?
Ang iyong likhang sining ba ay
nagpapakita na ginagamitan ng
crayon resist?
Natapos mo ba ang iyong likhang
sining sa takdang-oras?

15 CO_Q2_Arts 3_Module 7
CO_Q2_Arts 3_Module 7 16
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. D 1. B 1. B
2. B 2. C 2. C
3. A 3. C 3. A
4. D 4. D 4. D
5. C 5. B 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Amit, Adulfo S., Canor, Larry, Castro, Benjamin M., Nelson
Lasagas, Nelson, Ledesma, VI-Cherry C., Montañez, Cynthia
T.2014, 2016,2017Music, Art, PE and Health 3, Kagamitan ng
Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya, Department of Education-
Bureau of Learning Resource (DepEd-BLR), Book Media Press,
Inc., 21 E. Boni Serrano Ave., Quezon City

Amit, Adulfo S., Canor, Larry, Castro, Benjamin M., Nelson


Lasagas, Nelson, Ledesma, VI-Cherry C., Montañez, Cynthia T.,
2015, Music, Art, PE and Health 3 Teacher’s Guide , Department
of Education- Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS), Rex Bookstore, Inc.

17 CO_Q2_Arts 3_Module 7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like