You are on page 1of 1

Karlo S Carpio

PO2A

Ang Alamat ng Bulkang Mayon

Maganda ang anak ng Rajah na si Daragang Magayon. Dahil dito ay


maraming humahanga sa kaniya, kabilang si Kauen. Gayunman, hindi
ibig ng dalaga si Kauen. Nahulog ang loob niya sa isang binatang
nakilala niya nang naliligo siya sa batis.

Hindi man naging maayos ang pagkikita nila noong una ni Gat Malaya,
ang binatang nakasalamuha ni Magayon, ay kalaunan ay
nagkapalagayan sila ng loob. Sumang-ayon din ang Rajah sa pag-
iibigan ng dalawa dahil sa angking kabutihan ni Malaya.

Isang araw, naglakbay si Malaya. Nabalitaan naman ni Kauen ang


nakatakdang kasal ng dalawa. Gumawa siya ng paraan at pinuntahan si
Magayon at dito ay binataan niya ang buhay nito.

Sinabi naman ni Magayon na kung hindi raw babalik si Magayon sa


kabilugan ng buwan ay pakakasal siya ng Kauen.

Nagbilog ang buwan at wala si Malaya kaya naman ikakasal na sana


sina Kauen at Magayon. Ngunit dumating si Malaya. Nagtunggali ang
dalawang binata. Inihagis ni Kauen ang kaniyang sibat ngunit humarang
si Magayon at siya ang natamaan sa dibdib.

Ikinamatay ito ng dalaga. Inilibing nila ito sa isang lupain sa kahiraan ng


Albay. At biglang naghimala at lumaki nang lumaki ang lupa na
pinaglilibingan nito at nagkaroon nang magandang hugis, kasing ganda
ni Magayon.

You might also like