You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
SALUG NATIONAL HIGH SCHOOL
Salug, Zamboanga del Norte

Banghay Aralin sa Pagtuturo


Araling Panlipunan 9

February 23, 2022


1:00 p.m. - 2:00 p.m.

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. nasusuri ang mga dahilan at bunga ng pagkakaroon ng implasyon;
b. nailalahad sa pamamagitan ng isang pagsasadula na may kaugnayan sa paksang
tinalakay;
c. naipahahayag ang sariling saloobin upang matugunan ang epekto ng implasyon.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : MGA DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON
Pinagkukunan: Ekonomiks : Araling Panlipunan modyul para sa mga mag-aaral
Pahina : 309-310
Kagamitan : Powerpoint presentstion, kartolina, biswal eyds .

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng liban
 Paglalahad ng kasunduan

B. Panlinang na gawain
 Pagganyak
Gawain 1. “CHARADE”
Pumili ng mag-aaral na tatayo sa harapan at isasadula ang isang salita mula sa listahan
(bawal magsalita). Ang natitirang bahagi ng klase ay dapat hulaan kung ano ang
sinusubukang ilarawan ng mag-aaral. Maaaring itaas ang kamay kung sino ang gustong
sumagot. Kung sino ang unang makahula ng tama ay maaaring maisadula ang susunod na
salita.
1. Karneng baboy
2. Karneng manok
3. Isda
4. Gulay

C. Paglalahad
“WORD HUNT PUZZLE”
Hanapin ang letra na tinataglay ng bawat bilang na makikita sa loob ng kahon upang mabuo ang
mga salita. Panalo ang unang makabubuo ng tamang sagot.
13 7 1 4 1 8 9 12 1 14

1 20 2 21 14 7 1

14 7 9 13 16 12 1 19 25 15 14

A-1 J - 10 S - 19
B-2 K - 11 T - 20
C-3 L - 12 U - 21
D-4 M - 13 V - 22
E-5 N - 14 W - 23
F-6 O - 15 X - 24
G-7 P - 16 Y - 25
H-8 Q - 17 Z - 26
I-9 R - 18

1. Pangkatang Gawain ( MIX AND MATCH )


Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng tig-dalawang strips
na nagtataglay ng mga dahilan ng implasyon at itatapat sa maaaring maging bunga nito na
nasa pisara.

MGA DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON

PAGTAAS NG SUPPLY NG Tataas ang demand o ang paggasta


SALAPI kaya mahahatak ang presyo paitaas

Kapag tumaas ang palitan ng piso


sa dolyar o kaya tumaas ang
PAGDEPENDE SA presyo ng materyales na inaangkat,
IMPORTASYON PARA SA ang mga produktong umaasa sa
HILAW NA SANGKAP importasyon para sa hilaw na
sangkap ay nagiging sanhi rin ng
pagtaas ng presyo

Dahil sa kakulangan ng pumapasok


PAGTAAS NG PALITAN NG na dolyar, bumababa ang halaga ng
PISO SA DOLYAR piso. Nagbubunga ito ng pagtaas ng
presyo ng mga produkto.
Kapag kulang ang supply sa lokal
KALAGAYAN NG na pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito
PAGLULUWAS O (EXPORT)
upang tumaas ang presyo ng mga
produkto.

Nakapagkokontrol ng presyo ang


sistemang ito. Kapag nakontrol ang
MONOPOLYO O KARTEL presyo at dami ng produkto, Malaki
ang posibilidad na maging mataas
ang presyo

Sa halip na magamit sa
produksiyon ang bahagi ng
PAMBAYAD-UTANG pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa pagbabayad
ng utang.

D. Paglalapat
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay pipili ng lider at bubunot ng dalawa
sa mga inihanda kong strips. At gumawa ng dula-dulaan kung papaano ninyo tutugunan ang
bawat dahilan ng implasyon na inyong nabunot. Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang
maghanda.

PAGTAAS NG SUPPLY NG SALAPI

PAGDEPENDE SA IMPORTASYON PARA SA HILAW NA SANGKAP

PAGTAAS NG PALITAN NG PISO SA DOLYAR

KALAGAYAN NG PAGLULUWAS O (EXPORT)

MONOPOLYO O KARTEL

PAMBAYAD-UTANG

Kraytirya Lubhang kasiya-siya Kasiya-siya Hindi kasiya-siya


4pts 3pts 2pts

Pagkamalikhain Lubos na nagpamalas Naging malikhain sa Hindi gaanong naging


ng pagkamalikhain sa pagsasadula. malikhain sa
pagsasadula. paghahanda.

Teamwork at Kasama lahat ng Kasama lahat ng May mga kasapi sa


partisipasyon kasapi ng pangkat sa kasapi ng pangkat sa pangkat na hindi
pagsasadula. pagsasadula subalit nakitaan ng pagganap.
may kalituhan ang
ilan sa kanilang
pagganap.

Pagkakaganap ng Makatotohanan at Hindi gaanong Hindi makatotohanan


tauhan kapani-paniwala ang makatotohanan at at kapani-paniwala
pagkakaganap ng mga kapani-paniwala ang ang pagkakaganap ng
tauhan mula sa pagkakaganap ng mga mga tauhan mula sa
pananalita, galaw at tauhan mula sa pananalita, galaw at
ekspresyon ng mukha pananalita, galaw at ekspresyon ng mukha
Mahusay na ekspresyon ng mukha
nailalarawan ang
realidad sa
pagsasadula

Tono at boses Madamdaming- Madamdamin ang Kulang sa damdamin


madamdamin ang paglalahad ngunit ang paglalahad ngunit
paglalahad at malakas medyo hindi malakas medyo di malakas ang
ang boses. ang boses. boses

Ekspresyon ng Makahulugang- Di gaanong Kulang na kulang ang


mukha makahulugan ang nabigyang kahulugan pagbibigay kahulugan
pagpapakita ng ang damdamin. sa damdamin.
damdamin.

Kabuuang Iskor = 20

Rubrik para sa Pagsasadula

E. Paglalahat
Bilang mag-aaral papaano mo matutugunan ang epekto ng implasyon?

IV. Pagtataya
Sa isang (1/4) na papel sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na kapag tataas ang demand o paggasta,
mahahatak ang presyo paitaas?
A. Pagtaas ng suplay ng salapi
B. Monopolyo o kartel
C. Kalagayan ng pagluluwas (export)
D. Pagtaas ng palitan ng dolyar

2. Alin sa mga pagpipilian ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangunahing


pangngailangan ng tao?
A. Tirahan, pananamit, pagkain
B. Pananamit, tirahan, pagkain
C. Pagkain, pananamit, tirahan
D. Pagkain, pananamit, edukasyon

3. Lahat sa mga sumusunod ay mga dahilan ng implasyon, maliban sa isa.


A. Pagtaas ng supply ng salapi
B. Pagdedepende sa importansyon para sa hilaw na sangkap
C. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
D. Mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman

4. Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang nagsasaad na kung saan ang presyo ay
patuloy na tumataas bawat oras, araw at lingo na naganap sa Germany noong dekada
1920?
A. Hyperinflation
B. Inflation
C. Deflation
D. Depresyon

5. Lahat sa mga sumusunod ay bunga ng implasyon, maliban sa isa.


A. Nakokontrol ang presyo ng sistemang ito.
B. Tataas ang supply kaya mahahatak ang presyo paitaas
C. Sa halip na magamit sa produksiyon ang bahagi ng pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa pagbabayad ng utang.
D. Tataas ang demand o paggasta kaya mahahatak ang presyo paitaas

SAGOT:
1. A 4. A
2. C 5. B
3. D

V. Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik tungkol sa epekto ng implasyon sa mga mamamayan at sagutin ang sumusunod
na tanong:

1. Sinu-sino ang mga nakikinabang sa implasyon?


2. Sinu-sino ang mga taong nalulugi sa implasyon?

Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pahina: 310-311.

INIHANDA NI:

REYMOND R. ACAL
Teacher I

MGA TAGAPAGMASID:

FERNANDO O. MALAZARTE CIRILO A. MACATUAL


School Principal IV Assistant School Principal II

ROTCHE H. ESPAÑOLA
Department Head/AralPan

You might also like