You are on page 1of 1

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagtukoy sa Pang-abay na Pamaraan


Kakayahan: Natutukoy ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap

Salungguhitan ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.


Bilugan ang pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.

1. Masarap magluto ng sinigang si Ate Rosita.


2. Ipinagtanggol nila nang buong tapang ang ating kalayaan.
3. Siya ay nag-isip nang malalim bago siya sumagot.
4. Ang bagong mag-aaral ay malumanay magsalita.
5. Kinausap niya nang mahinahon ang makulit na bata.
6. Ang munting prinsesa ay mahinhin kumilos.
7. Gumagalaw nang pataas ang elevator.
8. Ang hangin ay umihip nang malakas sa karagatan.
9. Unti-unting lumalakas ang liwanag ng araw.
10. Ang operasyon ay matagumpay na isinagawa.
11. Ang mga monghe ay mapayapang naninirahan sa bundok.
12. Ang pulubi ay dagling nagpasalamat sa babaeng nagbigay sa
kanya ng limos.
13. Tuwang-tuwang ipinakita ni Magda sa kanyang mga kaibigan
ang mga ritrato ng kanyang anak.
14. Malinaw na ipinaliwanag ng punong-guro ang mga patakaran
sa paaralan.
15. Ikinuwento niya sa korte ang buong pangyayari na walang-
alinlangan.

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

You might also like