You are on page 1of 1

ARALIN 6

SANGKAP/KOMPONENT NG KOMUNIKASYON
1. Tao
Mahalagang komponent ng komunikasyon ang tao dahil sila ang tumatayo bilang
tagapagpadala (sender) at tagatanggap (receiver) ng mensahe. Ang tagapagpadala ang
nagsasagawa ng pagbibigay o pagsisimula ng mensahe (enkowd) na
binibigyang.kahulugan (dekowd) ng tagatanggap ayon sa inaasahan o layunin ng mensahe
nito.

2. Mensahe
Ito ay maaaring berbal o di-berbal na ideya, naiisip at nararamdaman ng isang tao nan
ais makipagtalastasan sa isang tao o pangkat ng tao. Ang mensahe ang nilalaman ng
interaksyon na nakapaloob ang simbolo (salita o parirala) na ginagamit sa pagpapahayag
ng ideya, gayundin ang ekspresyon ng mukha, kilos at galaw ng katawan, pisikal na kontak,
tono ng boses at iba pang di-berbal na koda.

3. Midyum/Tsanel
Ito ang instrumento na ginagamit ng tagapagpadala ng mensahe tulad ng radio,
telebisyon, telepono, emai, mga larawan at iba pang katulad nito. Sa harapang
komunikasyon (person- to-person communication) naipapadala ang mensahe sa
pamamagitan ng tuwirang pagpapahayag ng ideya at saloobin.

4. Tugon/Pidbak
Ang pagbibigay ng tugon o pidbak ay isang mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga
sagabal sa komunikasyon. Ito ay maaaring mauri sa tatlo: tuwirang tugon,di-tuwirang
tugon, at naaantalang tugon.

5. Ingay
Ito ay nakasasagabal sa pagpapadala o enkowd at pagbibigay-kahulugan o dekowd
ng mensahe. Maaaring pisikal o sikolohikal ang sagabal. Pisikal na sagabal ito kung may
suliranin sa pandinig, malalakas n atunog sa kapaligiran, at espasyo, kung gaano kalapit
ang kausap.ang sikolohikal nman ay ang mga gumagambala na nagaganap sa isipan ng
tao tulad ng wala sa pokus ng pinag-uusapan, at problema,

6. Koda
Ito ang sistematikong pagkakaayos ng mga simbolong ginagamit upang makabuo
ng mga kahulugan sa kaisipan ng tao o pangkat ng tao.ang mga salita, parirala at
pangungusap ay nagiging “simbolo” na ginagamit upang magdala ng imahe, ideya, at
naiisip ng tao.

7. Potensyal na sagabal sa komunikasyon


Maaari itong matagpuan sa tagapagpadala ng mensahe, sa mensahe, sa
midyum o tsanel, at sa tagatanggap ng mensahe.
a. Semantika – pagkakaroon ng dalawa o higit pang kahulugan ng salita.
b. Pisyolohikal – kalagayan ng katawan habang nag-uusap.
c. Sosyolohikal – pagkakaiba ng kinalakhang paligid at pagkakaiba ng mga
kinagawiang kultura.
d. Pisikal – katayuan ng kapaligiran na pinagdarausan ng komunikasyon.

You might also like