You are on page 1of 4

PAGSUSURING

PAMPANITIKAN
SA
RETORIKA
(SEMI-FINALS)

Isinagawa para kay:


Jayson C. Rolandong
Guro

Binigyang-suri ni:
Magadia, Glenn M.
III – BSED Mathematics
ANG PAMBIHIRANG SOMBRERO
ni Jomike Tejido

I.Pagpapakilala sa May-Akda

Si Jose Miguel “Jomike” Tejido ay isang arkitekto, pintor, may-akda at


ilustrador na nakabase sa Maynila. Nakapaglarawan siya ng mahigit 100 aklat
pambata, na ang ilan ay sinulat din niya, kabilang ang There Was an Old
Woman Who Lived in a Book (Jimmy Patterson/ Little & Brown 2019), ang award-
winning na Tagu-taguan (Ilaw ng Tahanan Publishing/Manila /Best Reads 2010),
CLaysaurus books, Jepy the Jeepney books, at ang Foldabots Toy Books, na
isang serye ng mga karton na robot na maaaring gawin ng mga bata. Bilang
isang pintor, si Jomike ay nagdaos ng 11 solong eksibisyon.
Mula sa: https://www.goodreads.com/en/book/show/23119753

II. Buod ng Sinusuring Panitikan

Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang baul ng kaniyang lola. Laking


tuwa niya nang makatagpo siyang sombrero. Kakaiba ang itsura nito! Sinubukan
niyang isuot ito sa iba-t-ibang paraan. Ngunit naisip niya, bakit parang may
kulang?

Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa tapat.


“Magandang umaga, Manang Sol,” bati ni Mia. “Maganda po ba ang aking
sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung lalagyan pa natin ng alkansiya,”
sagot ng tindera. Nagulat si Mia sa handog sa kanya.

Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!” tawag ni Mia.


“Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung
palalamutian pa natin ng kandelabra,” sagot ng panadero.

Nagdaan din si Mia sa klinika. “Doktora Dulce, maganda po ba ang aking


sombrero?” tanong ni Mia. “Oo Mia, pero mas magandakung papatungan natin
ng mga prutas,” sagot ng doktora.

Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero. “Mang Ador,


maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo Mia, pero mas
maganda kung dadagdagan natin ng akwaryum,” sagot ng bumbero.
Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis. “Mia, kakaibang
sombrero iyan, ah!” bati ni Mang Kalor. Pero mas maganda kung sasabitan
panatin ng hawla.”

Umabot si Mia sa hardin ng plasa. “Mang Lito, maganda na po ba ang


aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa
natin ng mga bulaklak,” sagot ng hardinero.

Pagdating sa palaruan, napakarami nang palamuti sa sombrero ni Mia.


“Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!” sabi ng kanyang kalaro.
“Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia. Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola.

Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si Mia sa kaniyang


sombrero at natangay siya paitaas. Biglang lumobo ang kaniyang sombrero at
naging isang napakalaking parasiyut. Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat
ang angking ganda ng sombrero!

Mula sa: https://www.marvicrm.com/2018/09/ang-pambihirang-sumbrero-buod

III. Kasangkapan sa Pagsulat ng Isang Magandang Salaysay

1) Tema
⎯ tungkol sa isang batang may Autistic Spectrum Disorder (Ayon sa
awtor, ang kwentong “Ang Pambihirang Sombrero” ay isang maikling
kwento na nagsasalaysay sa isang batang may Autistic Spectrum
Disorder.)

2) Tauhan (tahasan)

Mga tauhan:
a. Mia – ang pangunahing tauhan
b. Manang Sol – tindera
c. Mag Rico – Panadero
d. Doktora Dulce – doktora
e. Mang Ador – bumbero
f. Mang Kalor – pulis
g. Mang Lito – hardinero
h. Toto – kalaro ni Mia

3) Uri ng Pangyayari – masurpresa

4) Uri ng Tagpuan – patiyak


Mga tagpuan:
a) bahay nina Mia
b) Tindahan sa tapat ng bahay nina Mia
c) Panaderya
d) Klinika
e) Estasyon ng bumbero
f) Kalsada

5) Himig
⎯ Ang himig ng kwentong “Ang Pambihirang Sombrero” ay masaya at
kabigha-bighani. Ito rin ay isang nakakapagbigay ng inspirasyon.

You might also like