You are on page 1of 7

Ang Pambihirang Sumbrero

Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang baul ng kaniyang


lola. Laking tuwa niya nang makatagpo siya ng sombrero.

Kakaiba ang itsura nito!

Sinubukan niyang isuot ito sa iba’t ibang paraan. Ngunit naisip


niya, bakit parang may kulang?

Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa


tapat. “Magandang umaga, Manang Sol,” bati ni Mia.
“Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas
maganda kung lalagyan pa natin ng alkansiya,” sagot ng tindera.

Nagulat si Mia sa handog sa kanya.

Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!” tawag


ni Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?”

“Oo Mia, pero mas maganda kung palalamutian pa natin ng


kandelabra,” sagot ng panadero.

Nagdaan din si Mia sa klinika. “Doktora Dulce, maganda po ba


ang aking sombrero?” tanong ni Mia.

“Oo Mia, pero mas maganda kung papatungan natin ng mga


prutas,” sagot ng doktora.

Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero.


“Mang Ador, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni
Mia.

“Oo Mia, pero mas maganda kung dadagdagan natin ng


akwaryum,” sagot ng bumbero.

Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis. “Mia,


Kakaibang sombrero iyan, ah!” bati ni Mang Kalor.

Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.”

Umabot si Mia sa hardin ng plasa.

“Mang Lito, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni


Mia.
“Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa natin ng mga
bulaklak,” sagot ng hardinero.

Pagdating sa palaruan, napakarami nang palamuti sa sombrero


ni Mia!

“Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!” sabi ng


kanyang kalaro.

“Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia.

Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola.

Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si Mia sa


kaniyang sombrero at natangay siya paitaas.

Biglang lumobo ang kaniyang sombrero at naging isang


napakalaking parasiyut.

Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat ang angking ganda ng


sombrero!
May Lakad Kami Ni Tatay

Espesyal ang araw na iyon sapagkat ang araw na iyon sila ay


pupunta ng kanyang ama sa Parke upang mag ehersisyo at
kumuha ng mga litrato.

Sinabi ng ama sa kanyang anak na si Ramon na kailangan nilang


kumilos sapagkat hindi malusog ang mataba. Nagsalita ang
batang si Ramon sa kanyang ama, sinabi niya dito na ang
kanyang Lola at Ina ay mabibilog. Sumagot ang ama kay Ramon
sinabi niyang isusunod din nila ang lola at ang kanyang ina.
Hindi sila sasakay ng jeep o traysikel papunta sa parke. Sila ay
nag-inat ng mga braso at binti, inikot-ikot ang kanilang mga
balikat at giniling-giling ang kanilang mga balakang.

Una nilang nadaan si Aling Tasya na nagdidilig ng mga alaga


nitong bulaklak. Ito ay kanilang pinag-igib ng limang baldeng
tubig. Ito ay nagpasalamat sa kanila.

Naglakad uli sila ng mabagal tapos ay bibilis. Babagal at bibilis


muli. Sila ay pawis na sa kanilang paglalakad.

Nang dumaan ang mga siklista sila ay nagulat. Kinunan nila ito
ng litrato. Ninais ni Ramon na magkaroon din siya ng bisikleta
katulad ng kanyang ama. Gusto niyang tularan ang ama na
nagbibisikleta lamang papuntang trabaho.

Nang makarating sa parke, masaya sa buong Parke nakakaindak


ang musika at panay masasaya ang mga tao. Ang batang si
Ramon ay humalo at nakisaya sa mga tao.

Natapos ang ehersisyo ngunit pakiramdam ni Ramon ay


umiindak-indak pa din ang paligid niya.

Nag aya ang kanyang ama na sila ay mag-meryenda muna.


Ipinakita ng kanyang Tatay ang mga larawan na kanilang
kinunan.

Si Ramon ay nasasabik na sa susunod na Linggo. Sa susunod na


lakad nila ng kanyang Tatay.
Wanted: Lolit Lamok Dengue

Isang gabi dinalaw ng malakas na ulan ang Barangay Denggoy.


Walang gusting lumabas ng bahay nakatatakot kase ang kulog
at kidlat sinabayan pa ng browout

Kaya habang nakaikot sa gasera nagkwentuhan nalang ang


magkakapatid na Moncito, Elise at Vincent hanggang sa silay
antukin at makatulog. Kinaumagahan, “ay bumaha pala” bungad
ni Elise yehey! Wala tayong pasok ngayon sabi ni Moncito,
makakapaglaro tayo sa baha hiyaw ni Vincent. Nagmamadali
kumuha si Moncito ng mga papel, ginawan nya sina Elise at
Vincent ng bangkang papel at sinimulan na nila ang karera ng
mga banka. Maya maya naisip ni Vincent na meron pa pala syang
jobos o pulbos na pangtina na natira mula sa isang project nila
sa eskuwelahan. Kinuha niya ito at silay nagpaligsahan sa
paggawa ng pinakamagndang kombinasyon ng mga kulay. Hinalo
halo nila ang mga jobos sa tubig ulan at inipon sa mga laman na
bote ng softdrinks, patis at toyo

Ang ganda naman ng kulay na inilagay mo sa bote mo


Vincent,akin nalang. Hindi pwede ate Elise akin ito. Tinago ni
Vincent ang bote sa bodega dun sa hindi makikita ni moncito at
elise. Unting unti na humupa ang baha. Nalimutan nan nila
Moncito, Elise at Vincent ang mga bangkang papel at ang mga
boteng may tubig ulan.

You might also like