You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Lipa City
Lipa City West District
Lipa City

EXPLICIT INSTRUCTION PLAN IN MATHEMATICS GRADE 4

I. Objectives
1. Natutukoy ang pangngalan.
2. Naipapangkat ang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
3. Maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangalan.

II. Paksa at Kagamitan


Pangngalan
Filipino IV, T.G. pp. 6-8
Filipino IV, L.M. p.8
Curriculum Guide, F4WG-Ia-e-2
Laptop, mga larawan, tsart, cut outs, marker, envelope, cartolina

III. Pamamaraan
1. Pakinggan ang kwento ng guro
Ang Pambihirang Sombrero

Mahilig mangolekta ng kakaibang mga gamit si Mia. Isang araw, naghalungkat si


Mia sa lumang baul ng kaniyang lola. Laking tuwa niya nang makatagpo siya ng sombrero.
Kakaiba ang itsura nito! Humarap si Mia sa salamin para sukatin ang sombrero. Sinubukan
niyang isuot ito sa iba’t ibang paraan. Ngunit naisip niya, bakit parang may kulang? Lumabas
ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa tapat. “Magandang umaga, Manang Sol,”
bati ni Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung lalagyan
pa natin ng alkansiya,” sagot ng tinder. Nagulat si Mia sa handog sa kanya. “Salamat po
Manang Sol,” sabi ni Mia. Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!” tawag ni
Mia. “Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung palalamutian pa
natin ng kandelabra,” sagot ng panadero. Salamat po Mang Rico,” sabi ni Mia. Nagdaan din si
Mia sa klinika. “Doktora Dulce, maganda po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo Mia,
pero mas maganda kung papatungan natin ng mga prutas,” sagot ng doktora. Salamat po,
Doktora Dulce,” sabi ni Mia. Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero. “Mang
Ador, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia. “Oo Mia, pero mas maganda
kung dadagdagan natin ng akwaryum,” sagot ng bumbero. Salamat po Mang Ador,” sabi ni Mia.
Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis. “Mia, Kakaibang sombrero iyan, ah!”
bati ni Mang Kalor. Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.” Salamat po Mang
Kalor,” sabi ni Mia. Umabot si Mia sa hardin ng plasa. “Mang Lito, maganda na po ba ang aking
sombrero?” tanong ni Mia. “Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa natin ng mga bulaklak,”
sagot ng hardinero. Salamat po Mang Lito,” sabi ni Mia. Pagdating sa palaruan, napakarami
nang palamuti sa sombrero ni Mia! “Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!” sabi
ng kanyang kalaro. “Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia. Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola.
Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si Mia sa kaniyang sombrero at natangay
siya paitaas. Nakarating si Mia sa mga ulap! Biglang lumobo ang kaniyang sombrero at naging
isang napakalaking parasiyut. Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat ang angking ganda ng
sombrero!

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

2. Ano ang mayroon si Mia?

3. Saan unang nagtungo si Mia?

4. Bakit natangay paitaas si Mia?

5. Ano ang mayroon sa akwaryum?

B. 1. Pagpapakilala

Ang mga salitang nasa pisara ay ang tinatawag nating Pangngalan. Ang Pangngalan ay
ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.
2. Pagtuturo at Pagmomodelo

Pagpapakita ng halimbawa sa bawat hanay ng tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari.

3. Pagpapakita ng iba pang halimbawa ng pangngalan.

C. Ginabayang Pagsasanay
1. Hahatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral.

Pangkat ng Tao

Pangkat ng Bagay at Hayop

Pangkat ng Pook at Pangyayari

D. Malayang Pagsasanay
Pangkatang Gawain

Basic Average Fast

E. Aplikasyon

Panuto: Tukuyin kung tao, bagay, hayop, pook, at pangyayari ang nakasalungguhit na salita sa
bawat pangungusap.

1. Sadyang matalino at mahusay si Dr. Jose Rizal. _______________


2. Namasyal kami sa Lucban, Quezon. _________________
3. Masaya ang mga bata sapagkat malapit na ang Pasko. _________________

Prepared by:

GISELLE JOY D. LUMBERA


Teacher I
Tagbakin Elementary School

You might also like