You are on page 1of 3

BANGHAY

ARALIN
SA
FILIPINO
GRADO 7
UNANG MARKAHAN
PAUNANG SALITA

“Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan”, kaya naman dapat silang
bigyan ng mataas na kalidad ng pag-aaral na magagamit nila sa pagharap sa
mabilis na pag-angat ng sistema ng Edukasyon sa Pilipinas.

Ang Banghay Araling ito ay isang gabay sa masusing pagtalakay ng bawat


aralin sa Filipino. Sinikap na masaklaw ang mga kompetensi na nakasaad sa
Curriculum Guide na itinakda ng K to 12 Basic Education Curriculum upang
mapataas ang kalidad ng pag-aaral ng bawat kabataang pag-asa ng bayan.
Ang pagtalakay sa bawat aralin ay naaayon sa paggamit ng 4 A’s ( Aktibiti,
Analisis, Abstraksyon at Aplikasyon ).
Naglalaman ang Banghay Araling ito ng mga makabagong paraan sa
pagtuturo gamit ang iba’t ibang estratehiya at mga mungkahing rubriks na
nakatutulong sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng mga mag-aaral.
Ang unang bahaging ito ay tatalakay sa panitikan ng Mindanao na itinuturing
na Lupang Pangako ng Pilipinas. Masasalamin sa panitikang Mindanao ang
kultura’t paniniwala ng mga Muslim at mga pangkat- etnikong naninirahan dito.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kilalang akda sa Mindanao, magkakaroon
ng malawak na kaalaman ang mga kabataang mag-aaral na magagamit sa
pagharap sa tunay na buhay.
Pinagsikapang sangkapan din ito ng mga prosesong pampagkatuto gaya ng
kontekstwalisasyon, lokalisasyon at indigenesasyon. Kinapapalooban din ito ng
kasanayan sa mataas na antas ng pag-iisip o pagkatuto ( Higher Order Thinking
Skills ) at mga kagamitan sa paglinang ng pag-iisip ng mga mag-aaral na
magpapaunlad sa Multiple Intelligences.
Higit sa lahat, ang Banghay Aralin ay gabay lamang at hindi layong ikahon
ang sinumang gagamit sa mga nilalaman nito. Maaari itong baguhin, bawasan,
dagdagan at pagyamanin ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
Itinatagubilin din na maging malikhain, mapamaraan at mapanuri sa
pagtuturo upang lalong magpatuloy ang pag-unlad ng pagkatao, pag-iisip at
kamalayan ng mga mag-aaral. Inaasahang makatutulong nang malaki ang
Banghay Araling ito sa pag-aaral at paghubog ng magandang kinabukasan ng
mga kabataan.

- Mga May-Akda
PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga manunulat sa naglunsad


ng proyekto ng Curriculum and Learning Management Division ( CLMD ) na
nagbigay ng pagkakataon sa mga manunulat na makabuo ng Daily Lesson Plan
sa Grado 7 na nagdulot ng inspirasyon upang maisakatuparan ang proyektong
ito.

Sa mga taong nasa likod ng proyektong ito:

Dr. Donato G. Bueno - OIC, Schools Division Superintendent

Rhina I. Silva - Assistant, Schools Division Superintendent

Dr. Sacoro R. Comia - Chief CID Curriculum Implementation Division

Ederlinda L. Lontoc - Education Program Supervisor I - Filipino

Generiego O. Javier - Education Program Supervisor I- LRMDS

Lorna M. Ochoa - Principal IV, Batangas National High School

Recely L. Papa - Head, Filipino Department

- Mga May-Akda

You might also like