You are on page 1of 3

SOCORRO NATIONAL HIGH SCHOOL

Socorro, Surigao del Norte

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino Baitang Pito

Guro: JINGLE CAPISTRANO-TARUC


Baitang at Pangkat: Grade 7- Banzon
Petsa/Oras ng Panuro: March 29, 2023 10:50-11:50
Asignatura: Filipino 7
Kuwarter: PANGATLO

I- Layunin
Sa pagtatapos ng talakayan, inaasahan ang mag-aaral na:
A. Napipili ang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap;
B. Napaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental at di berbalna palatandaan; at
C. Naibibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/ awiting
panudyo, tugmang de-gulong at palaisipan sa pamamagitan ng paglalapat ng ponemang suprasegmental;
II- Paksang-aralin
A. Paksa: Ponemang Suprasegmental
B. Sanggunian: Pinagyamang Wika at Panitikan 7.120 Rada Corner Legaspi Street, Legaspi Village, Makati, 1229 Metro
Manila: Diwa Learning System Inc.
Kagamitan: Laptop, ppt
C. Code: F7PS-IIIa-c-13
III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagtatala ng Liban (Pagtawag isa-isa sa mag-aaral)
2. Balik-Aral
Pagbabalik aral sa mga Kaalamang Bayan.
1. Ano-ano ang mga kaalamang-bayan na natalakay? Magbigay ng halimbawa.
• Tugmang de gulong
• Palaisipan
• Tula/Awiting Panduyo
• Bugtong

B. Pagganyak
Panuto: Basahin ang pahayag batay sa bantas na gamit. Pagkatapos ay basahin muli ang
pahayag na walang damdamin o buhay.

TOTOO? MABILIS
KUMALAT ANG VIRUS. HINDI, IKAW ANG MAY SALA?

TOTOO! MABILIS HINDI, IKAW ANG MAY SALA


KUMALAT ANG VIRUS.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong napansin ninyo habang binibigkas ang mga pahayag nang walang anumang
damdamin?
2. Ipaliwanag ang kahulugan o saloobin ng mga pahayag.
C. Pagtatalakay ng Aralin
Ponemang Suprasegmental ay ang pag-aaral ng diin, pagtaas pagbaba ng tinig (tono o punto), haba at hinto
(juncture). Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan layunin o intension ng pahayag o nang nagsasalita sa
pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental.
1. Intonasyon, Tono, at Punto- Nagbinigay-linaw ito sa tunay na mensahe ng pahayag. Ang isang pahayag ay
maaring magkaroon ng dalawa o higit pang batay sa tono ng pagsasalita.

Intonasyon at makabuluhang pattern sa pagsasalita


(Gonzalez, 1992)

Mataas 3

Normal 2

Mababa 1

Karaniwang nagsisimula sa label 2 ang intonasyon ng mga pangungusap, aabot ito sa lebel 3 kapag ang pahayag ay
nagtatanong at lebel 1 kapag karaniwang pagpapahayag lamang.
Halimbawa:
a. kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b. Talaga = 213, pag-alinlangan
Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
2. Haba-Ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u) ng bawat pantig. Maaring gumamit ng
tuldok upang ipakita ang haba ng pagbigkas.
Halimbawa:
a. bu.kas = nangangahulugang sa susunod na araw
bukas = hindi sarado
b. tu.bo = pipe
tubo = sugarcane

3. Diin-Tumutukoy ito sa bigat ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas. Ang diin ay tinutumbasan
ng tuldik. Ang mga sumusunod ay apat na diin sa Filipino.
• Malumay - binibigkas ng banayad at may diin o bigat sa penultima o ikalawang pantig ng salita. Hindi ito
tinutuldikan at maaring magtapos sa pantig at katinig.
Halimbawa:
Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig
dalaga nanay
lalaki kanluran
sarili matahimik
talo malumay
• Malumi - tulad ng malumay, ito ay binibigkas nang banayad subalit may impit o glottal stop sa huling
pantig ng salita. Nilalagyan ito ng tuldik na paiwa (`).
Halimbawa:
batì dalamhatì
batà talumpatì
labì dambuhalà
sukà mutà
• Mabilis - binibigkas ito nang tuloy - tuloy at may diin sa huling pantig. Tinutuldikan ito ng pahilis (′).
Halimbawa:

Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig


tabkó mapaypáy
bató bulaklák
sulú alagád
malakí alitaptáp

• Maragsa - tulad ng mabilis, binibigkas ito nang tuloytuloy subalit may impit sa huling pantig at tinutuldikan
ng pakupya (^).
Halimbawa:
dukhâ salitâ
kaliwâ butikî
sampû panibughô
pô apatnapû
4. Antala/Hinto (Juncture)-Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensahe. Maaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis ( // ), o gitling( - ) upang ipakita ang
paghinto.
Halimbawa:
Hindi, siya ang kababata ko. (Pinatutunayang siya ang kababata ko)
Hindi siya ang kababata ko. (Itinatangging siya ang kababata ko)
Tanong: 1. Ano ang maaring mangyari kung sakaling mali ang paggamit sa mga ponemang suprasegmental?
D. Aplikasyon
1. Isahang Gawain
Panuto: Piliin sa kahon at isulat sa linya ang tamang salitang pupuno sa diwa ng mga pangungusap.

/bu.ka/bu.kas/,

1. _________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa ng mga bagong tula.

2. _________ pa kaya ang silid aklatan hanggang mamayang hapon.

bu.hay/, /buhay/

3. Ang wika ay _________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ngpanahon.


4. Ang _________ ng tao ay naisasalaysay nang maayos gamit ang angkop na salita o wika.

sa.yah/, /sayah
5. Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng __________sa panahong ito.
6. Hindi n’ya mapigilan ang kanyang __________ nang makabalik siya sa Pilipinas at makasama ang kanyang pamilya.

2. Pangkatang Gawain
Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat pangkat magkakaroon ng sabayang pagbigkas
ng mga sumusunod:
Tulang Panudyo (Pangkat 1)
Bata batuta Samperang muta
Tutubi tutubi wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad

Tugmang de gulong (Pangkat 2)


Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto

Palaisipan (Pangkat 3)
Guro: Sa taas ng bubong,may tandang, saan mangingitlog yung tandang?
Pedro: Sa taas ng bubong po.
Juan: E, hindi naman nangingitlog ang tandang eh.

Gamitin ang rubrik bilang gabay sa pagmamarka sa gawaing ito.

PAMANTAYAN
Wasto ang pagkakabigkas ng mga salita 5
Angkop ang damdamin at lakas ng 5
boses sa pagbigkas
Naisasaalang-alang sa pagbigkas ang di 5
berbal na palatandaan sa pagpapahayag
Kabuoang Presentasyon 15

E. Paglalahat
Panuto: Ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmentalat.
• Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng paggamit ng tamang diin, tono at antala sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan?
• Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tayo gumamit ng tamang diin, tono, at antala sa
pagsasalita? Magdudulot ba ito ng kaguluhan sa ating pamayanan at dahilan ng hindi pagkakaisa ng isang bansa? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

V- Takdang-Aralin
Panuto: Gawin ang mga sumusunod.
1. Sumulat ng tatlong salita na pareho ang baybay at isulat ang tamang pagbigkas nito.
2. Manood sa youtube nang nagtatalumpati. Isulat ang layunin, mensahe at intension ng pahayag. Pagkatapos
mong malaman ang ponemang suprasegmental, paano ito nakatulong sa iyong panonood?

You might also like