You are on page 1of 77

REGION 02 DEVELOPMENT:

EMPOWERING LEARNERS’
CHARACTER

A Project for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) Key Stage 1

CLMD RD ESTELA L. CARIŃO, EdD, CESO IV


Project Proponent Consultant

1
Region O2 Development: Empowering
Learners’ Character
______________

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


K-3

Authors: MAYLYN V. BATALLONES


EMMA LOUISA O. JAVIER
NOEMI C. SOLIVEN
MYRA Z. CANDAROMA

Editors: ARTURO B. NANO, PhD


VINA VICTORIA F. ABADILLA
JONALYN D. CALLUENG
ROMEL B. COSTALES
BERVY C. DOMINGO, PhD

Focal Persons:

ISAGANI R. DURUIN, PhD RODERIC B. GUINUCAY


Education Program Supervisor, CLMD Education Program Supervisor, CLMD

Adviser:

OCTAVIO V. CABASAG, PhD


Chief, CLMD

Consultant:

ESTELA L. CARIŇO, EdD, CESO IV


Director III
OIC, Office of the Regional Director

2
Rasyonale
Ang tagumpay sa pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) ay konektado sa
kakayahan ng mga mag-aaral para maisakatuparan ang mga pagpapahalagang natutuhan
mula sa apat na sulok ng silid aralan at sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay matatamo
lamang sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng angkop na pagtuturo sa kung saan bumabalot
sa tibay ng pag-uugali ng mga mag-aaral sa kanyang komunidad at bansang kinabibilangan.
Gayunman, ang pagtuturo ay maging matagumpay kapag ang pagsasagawa ng
programa ay mula sa mga namamahala sa Sentral pababa sa paaralan ay magkaisa para sa
isang mithiin na magkasangga sa pagtatrabaho at pagsasama-sama ng wastong mga
pagpapahalagang Pilipino na nakatutok sa mga mag-aaral na maging MAKADIYOS,
MAKAKALIKASAN, MAKATAO, at MAKABANSA.
Ang Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon DOS sa tulong ng Curriculum and Learning
Management Division (CLMD) ay binuo ang proyektong binansagan bilang RD ELC na ang ibig
sabihin ay Region 02 Development: Empowering Learners’ Character. Ito ay alinsunod sa
Republic Act No. 10533 na mas kilala sa tawag na Enhanced Basic Education Act of 2013 na
naglalayong palakasin ang mga mag-aaral na maging produktibo at responsableng
mamamayang taglay ang mga pangunahing kakayahan at kasanayan para sa
panghabambuhay na karunungan at trabaho.
Samantala, kinikilala kung gaano kahirap tiyakin ang kabuuan ng edukasyon sa mga
mag-aaral. Karagdagan nito, mas mahalaga na panatilihin ang mga pagpapahalaga at
patnubayan ang bawat mag-aaral na maging mapagmahal, tapat at may tamang pag-uugali,
sa rehiyon dos, napananatili ng mga tagapagpatupad ang pagtutulungan bilang isang pangkat
o grupo at sinisigurado na ang bawat mag-aaral ay maranasan at maramdaman sa pisikal,
emosyonal at tahimik na kapaligiran. Ito ang nag-udyok upang isagawa ang proyektong ito.
Ang Kagawaran ng Edukasyon (Central Office), minsang pinaalalahanan ang mga
tagapagpatupad na habang hinuhubog ang mga mag-aaral ng kaalaman at kasanayan na
kaakibat o kasama nito na mabuo bilang isang mabuti at mabait na mag-aaral. Sa henerasyon
ngayon, ang bawat indibidwal ay lumaking may pantay o balanseng isip at puso. Samantala,
kahit nakapokus sa pag-uugali ng mga mag-aaral, natututuhan pa rin silang magkaroon ng
malaking puso. Sa katunayan, magagawa nating pagpantayin ang puso’t isipan. Kaya, habang
hinuhubog ang mga mag-aaral na may kani-kaniyang pag-iisip, inaasahan din silang maging
mapagmahal na tao.
Ang kawili-wili nito, ang pangarap na ito ay nag-udyok sa pangkat ng rehiyon dos
upang hubugin ang mga puso ng mga mag-aaral na maging mapagmasigasig tungo sa
kaunlaran. Ang modyul na ito ay inaasahang mabigyan ang mga guro sa ESP nang nararapat
na instruksiyon sa pamamagitan ng pagsasama ng mga pagpapahalagang Pilipino at
magpakilos sa lahat ng mga mag-aaral sa rehiyon dos para sa bansang kinabibilangan sa
pamamagitan ng praktikal na pagsasanay sa mga pagpapahalaga sa pang-araw-araw na buhay
bilang mga mamamayan at gisingin silang maging mapanuri sa mga pagpapahalaga at maging
uliran sa pagtamo ng indibidwal at pambansang tunguhin o layunin.

3
Talaan ng Nilalaman

Pahina
Rasyonale ………………………………………………………………………………………………………………… i

Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………………………………………………… ii

Mga Pagpapahalagang Etikal ……………………………………………………………………………….. iii

I. Pagkamatatag (Resiliency) para sa Buwan ng Enero ……………………………………………….. 1

II. Pagmamahal (Love) para sa Buwan ng Pebrero …………………………………………………….. 6

III. Pag-asa (Hope) para sa Buwan ng Marso ……………………………………………………………… 13

IV. Pagpapatawad (Forgiveness) para sa Buwan ng Abril …………………………………………… 19

V. Pagkakawanggawa (Charity) para sa Buwan ng Mayo ……………………………………………. 24

VI. Pagpapahalaga sa Sarili (Self-Esteem) para sa Buwan ng Hunyo …………………………… 30

VII. Kalinisan (Cleanliness) para sa Buwan ng Hulyo ……………………………………………………. 36

VIII. Pagkakaisa (Unity) para sa Buwan ng Agosto ……………………………………………………… 42

IX. Pagmamalasakit (Empathy) para sa Buwan ng Setyembre …………………………………….. 47

X. Pagkamagalang (Respect) para sa Buwan ng Oktubre ……………………………………………. 53

XI. Pagkamatapat (Honesty) para sa Buwan ng Nobyembre ……………………………………… 59

XII. Pagkamasunurin (Obedience) para sa Buwan ng Disyembre ……………………………….. 66

4
MGA PAGPAPAHALAGANG ETIKAL
(EsP K- 3)

BUWAN PAGPAPAHALAGANG ETIKAL DESKRIPSIYON


Enero Pagkamatatag Naiaangkop ang sarili sa oras ng
(Resiliency) pangangailangan at
nakapaghahanda sa kalamidad.
Pebrero Pagmamahal Naipaparamdam ang
(Love) pagmamahal sa Diyos, kapwa at
lahat ng kanyang nilikha.

Marso Pag-asa Naipakikita ang kahalagahan ng


(Hope) pagbibigay pag-asa sa iba.

Abril Pagpapatawad Paglimot at pagpapatawad sa


(Forgiveness) kamalian ng kapwa.

Mayo Pagkakawanggawa Nakakatulong sa mga


(Charity) nangangailangan.

Hunyo Pagpapahalaga sa Sarili Naipamamalas ang aking


(Self-Esteem) kakayahan ng may tiwala sa sarili
at walang sinasaktan.

Hulyo Kalinisan Napapangalagahan ang kalusugan


(Cleanliness) sa pamamagitan ng paglilinis sa
kapaligiran.

Agosto Pagkakaisa Pagkakabuklod-buklod ng


(Unity) pamilya sa pagkain, pagdarasal at
pamamasyal.

Setyembre Pagmamalasakit Pagdama sa damdamin ng iba at


(Empathy) pakikibahagi sa kanilang
nararamdaman.

Oktubre Pagkamagalang Pantay-pantay na pagtingin at


(Respect) pakikisalamuha sa iba.

Nobyembre Pagkamatapat Nagsasabi ng katotohanan sa mga


(Honesty) magulang at kapwa.

Disyembre Pagkamasunurin Nasusunod ang utos ng Diyos,


(Obedience) magulang at kapwa.

5
6
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGKAMATATAG
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagiging handa


sa sakuna o kalamidad. (ESP3PPP-IIIi-18)

Paksa/Pagpapahalaga

PAGKAMATATAG

Mga Kagamitan

ICT Resources, Manila Papers, Marker, Masking Tape at gunting.`

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras:

Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang ating bansa ay madalas nakararanas ng iba’t ibang uri ng kalamidad tulad ng
bagyo, baha, pagguho ng lupa, sunog at marami pang iba.

Sa makatuwid, bawat pamilya ay nakararanas ng mga kalamidad na ito. Para


mapaghandaan ang ano mang mapinsalang kapahamakan sa pamilya, sa kapwa at
pagkakasira ng mga ari-arian, pag-aralan natin ang mga pangunahing kaalaman para sa
ating kaligtasan.

7
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng Balakid
Gamitin ng guro sa pangungusap ang mga salita at tukuyin ng mga mag-aaral ang
kahulugan nito.

Ibayo Kalamidad Katatagan maagap sakuna

2. Pagganyak
Ano anong paghahanda ang madalas na ginagawa ng iyong pamilya tuwing may
Bagyo?
Panoorin ang isang video clip

Disaster Preparedness Bagyo at Baha


https://www.youtube.com/watch?v=2JihPYiSOac

3. Pagpapalawig

a. Anong mga kalamidad ang nabanggit sa video clip?


b. Sa inyong napanood, anong paghahanda ang ginawa ng mga pamilya?
c. Bakit kailangang making sa radio o telebisyon sa panahon ng tag-ulan?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang klase sa apat na grupo.

Sitwasyon:
Nakatayo ang bahay niyo sa tabing dagat at paparating ang malakas na bagyo na
magdudulot ng baha, pagguho at malalakas na alon.

8
Panuto: Punan ang bawat kahon ng mga paraan upang mapaghandaan ang kalamidad tungo
sa kaligtasan ng buong pamilya at mga ari-arian.

Kalamidad

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

1. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga pamamaraan na inyong isinulat at


pagkatapos ay babasahin ang mga ito.
a. __________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________
c. __________________________________________________________________
d. __________________________________________________________________
e. __________________________________________________________________
2. Ipoproseso ng guro ang mga sagot

TANDAAN
Ang ating bansa ay madalas nakararanas ng malalakas na bagyo at malawakang
pagbaha. Sa mga panahong ito, kaligtasan ng miyembro ng pamilya ang tinutumbok
ng pamahalaan. Bawat pamilya, lalong-lalo na ang mga nasa mabababang lugar ay
ibayong pag-aagap at paghahanda ang pangunahing sandata para sa lubos na
kaligtasan.
Ang pangunahing paghahanda na napag-aralan na tungo sa kaligtasan ay
nagpatibay ng katatagan ng isang mag-aaral sa panahon ng kalamidad.

9
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng dula-dulaan gamit ang mga pangungusap na inyong isinulat.

Mga Tauhan:

Miyembro ng pamilya: ama, ina, mga anak at mga kapitbahay.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Sumulat ng isang talata na may limang pangungusap bilang panalangin sa Diyos
para sa natatanging kaligtasan tuwing may kalamidad.

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

10
11
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGMAMAHAL
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagdarasal ng may pasasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap,


tinatangap at tatanggapin.
2. Nakasusunod sa mga utos ng Diyos, mga magulang at nakatatanda.

Paksa/Pagpapahalaga

Pagmamahal sa Diyos at Kapwa (ESP2PDIVa-d5) (ESP1PD-Iva-c-1)

Mga Kagamitan

Larawan, Manila Paper, Marker, Masking Tape at gunting.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin (2 0ras at 30 minuto)

PANIMULA

“Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Isa ito
sa mga utos na gumagabay sa atin.

Ang pagmamahal natin sa Diyos ay naipakikita natin sa iba’t ibang paraan tulad
ng paggalang sa ating mga magulang, pagsunod sa utos ng nakatatanda at pagkakaroon
ng malasakit sa kapwa.

Ang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang pinagkakaloob niya sa atin ay


hindi dapat puro pasalita lang. Dapat nating ibahagi ang mga ito sa ating kapwa lalong
lalo na sa mga nangangailangan.

12
Hindi natin ito dapat sarilinin bagkos gamitin natin ito upang mapasaya at matulungan ang
iba.

Sa araling ito ay matututunan natin ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng Balakid

Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kilos na ipakikita ng guro.

a. pagmamahal b. gumagabay c. paggalang

2. Pagganyak

Kailan mo masasabi na may pagmamahalan sa loob ng bahay at sa komunidad?

Ipakita ang mga larawan.


Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at tukuyin ang inilarawan ng mga ito.

13
3. Pagpapalawig
a. Ano ang masasabi mo sa mga larawan?
b. Ano ang mga inilarawan ng mga ito?
c. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa Diyos, pamilya at kapwa?
d. Bilang mag-aaral, anong magagawa mo upang maipalaganap ang pagmamahal
sa mundo?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo.

Panuto: Tukuyin kung ano ang dapat niyong gawin sa mga sumusunod na sitwasyon. Itala rin
ang dahilan kung bakit niyo ito gagawin.

Pangkat 1:
Napanood niyo sa telebisyon na maraming nawalan ng bahay dahil sa Bagyong
Lawin. Ano ang gagawin niyo?
Gagawin:_______________________________________________________________
Dahilan:________________________________________________________________

Pangkat 2:

Tuwing naglalakad kayo papuntang paaralan, nadadaanan niyo si Aling Fely na


malungkot habang nakaupo sa balkonahe ng kanyang bahay. Nasa Visayas ang
dalawang anak nito at hindi sila nakapagbabakasyon.
Gagawin:_____________________________________________________________
Dahilan:______________________________________________________________

14
Pangkat 3:

Ang kapitbahay niyo ay nasunugan ng bahay. Wala silang


naisalbang gamit at wala ring matutulugan.
Gagawin:__________________________________________________

Dahilan:____________________________________________________

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Ipikit ang mga mata. Isipin ang mga kakilala na nangangailangan ng iyong
pagmamahal. Pumili ng isa at gumawa ng sulat para sa kanya. Ibahagi ito sa klase.

______________________
______________________
_______________________,
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

________________________
________________________

15
TANDAAN
Anumang relihiyon ang ating kinabibilangan, dapat nating tandaan na
mahalagang magmahalan. Mahirap man o mayaman, kaaway o kaibigan, at
kakilala o estranghero man.
Ang pagtulong sa kapwa gaano man kaliit ay tanda ng pagmamahal sa
ating Diyos na lumikha. Kaya ano mang bagay na binigay niya dapat nating
ipamahagi sa iba.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

1. Panuto: Lagyan ng tsek ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng pagmamahal sa Diyos, mga magulang at kapwa at malungkot na mukha

naman kung hindi.

1. Tuwing magdarasal ay huwag kalilimutang magpasalamat


sa mga biyaya ng Diyos.
2. Ibigay sa kapwa ang mga sira-sirang gamit para iparamdam
na sila’y mahirap.
3. Ang pagsunod sa mga magulang ay tanda ng pagmamahal
sa Diyos.
4. Matutong magsakripisyo para sa mga nangangailangan.

5. Pagtawanan ang mga nakikitang pulubi sa lansangan.

2. Ipoproseso ng guro ang sagot ng mga bata sa bawat aytem.

16
SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga bata.


Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, kapwa at sa lahat
ng kanyang nilikha.

17
18
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAG-ASA
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga


biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita at pagpapadama ng kahalagahan ng
pagbibigay pag-asa sa iba. (ESP3PD-IVc-i-9) (ESP1PD-IVh-1-4) (ESP2PD-IVe-1-6)

Paksa/Pagpapahalaga

Pag-asa

Mga Kagamitan

ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagkakaroon ng pag-asa ay repleksyon ng ating pananampalataya. Kapag


tayo’y umaasam, tayo’y nagtitiwala na matutupad ang ating mga ninanais.

Pero may mga panahong nawawalan tayo ng pag-asa lalo na kapag nakararanas
tayo ng mga kalamidad o kaya naman ay nagkakasakit tayo.

Sa ganitong pagkakataon kailangan nating maging matatag at huwag mawawalan


ng pag-asa upang maging inspirasyon tayo ng iba.

Paano natin gagawin ito?

19
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng Balakid

Panuto: Isulat sa kahon ang mga salitang maaaring maiugnay sa salitang “PAG-ASA”.

PAG-ASA

2. Pagganyak
Sino sa inyo ang may kakilalang may kapansanan? Paano niyo sila pinakisasamahan?

Panoorin ang video clip (Fili: Kuwento ng Pag-asa)


https://www.youtube.com/watch?t=17s&v=OCQOOQEBMoK

3. Pagpapalawig

a. Sino ang tauhan sa video?


b. Ano ano ang masasabi niyo sa kanya? Ano ano ang mga pangyayari sa
kanyang buhay?

c. Paano siya nagtagumpay?


d. Kung ikaw ang tauhan sa video ano naman ang iyong gagawin? Tutularan
mo ba siya?

20
ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo.


Panuto: Pag-aralan ang nasa laawan. Paano niyo bibigyang pag-asa ang mga sumusunod:

LARAWAN PARAAN NG PAGBIBIGAY PAG-ASA

21
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng isang sulat para sa taong gusto mong pasayahin at bigyang pag-asa.
Ibahagi ito sa klase.

_____________________
---------------------------------
___________________,
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
_________________________________________________________.
_____________________,
______________________

TANDAAN

Ang pagbibigay pag-asa sa iba di lang sa mga kaibigan at kakilala ay isang


napakahalagang katangian. Sa pamamagitan nito pinaparamdam natin na mahal sila ng
Diyos at nabibigyan sila ng isa pang pagkakataon upang muling maging masaya at
magkaroon ng panibagong buhay.

22
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

1. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na salaysay.


_________1. Nagsabi sa iyo ang kaibigan mong si Sandy na di na mag-aaral dahil sa
kakulangan sa pera. Sinabihan mo siya na susuportahan mo siya kung yun ang gusto niya.
_________2. Hinikayat mo ang kaklase mo na may kapansanan na huwag pansinin ang mga
mapang-asar niyong kaklase bagkos ay mas pagbubutihin pa nya ang pag-aaral.

_________3. May sakit ang isa mong pinsan. Hindi mo siya dinadalaw dahil wala kang
pakialam sa kanya.
_________4. Sinamahan mo si Ben na magsimba dahil gusto mong gumaan ang loob nito
pagkatapos makulong ang tatay niya na pinagkamalang holdaper.
_________5. Binigyan mo ng baon ang iyong kaklase na walang baon. Gusto mo kasing
maranasan din niyang magkaroon ng kaibigan.

2. Ipoproseso ng guro ang sagot sa bawat aytem.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng slogan na maaring magbigay buhay sa mga kababayang nawawalan ng


pag-asa.

23
24
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGPAPATAWAD
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naipapamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga


biyaya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kabutihan, katuwiran at pagpapatawad.
(ESP3PD-IVc-i-9)

Paksa/Pagpapahalaga

Pagpapatawad

Mga Kagamitan

ICT Resources, Manila Papers, Pentel Pen, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA
(30 minuto)

Ang pagpapatawad sa isang nagkasala ay nakapagpapagaan sa isang tao. Ito ay


pagbibigay paumanhin sa mga pagkakamaling kanilang nagawa. Kinakalimutan natin ang
mga hinanakit at hinahayaan natin silang ituwid ang kanilang pagkakasala.

Ang Diyos ay mapagpatawad kaya bilang mga anak niya tayo din ay maghandog
ng kapatawaran sa ating mga kaaway. Bilang mga tao dapat marunong din tayong
tumanggap ng ating pagkakamali. Tumitibay at mas lalo tayong napapalapit sa Diyos
tuwing tayo ay nagpapatawad at humihingi ng tawad.

Gaano nga ba kahalaga ang pagpapatawad? Alamin sa araling ito.

25
ALAMIN NATIN
30 minuto
30 minuto
1. Paghawan ng balakid
Ipaliliwanag ng guro ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita.
Alibugha - tuso o matigas ang ulo
Taggutom - walang makain
Hinanakit – sama ng loob
2. Pagganyak
Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nagkamali o nagkasala?
Panoorin ang video clip : Alibughang Anak
https://www.youtube.com/watch?v=BiXh9RncUKg

3. Pagpapalawig

a. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


b. Ano ang gustong gawin ng bunsong anak? Ano anong katangian ang pinapakita
nito?
c. Ano naman ang masasabi niyo sa panganay na anak?
d. Anong magandang katangian ang ipinaramdam ng ama sa kuwento?
e. Kaninong ugali ang gusto mong tularan? Bakit?

ISAGAWA NATIN
30 minuto

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


Panuto: Tukuyin kung ano ang gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Ang iyong kaklase ay nakita mong kinukuha ang lapis ng kanyang


katabi. Sinabihan mo siya at sinabi niya sa iyo na wala kasi silang
perang pambili. Ano ang gagawin mo?

26
2. Naglalaro kayo ng iyong mga kaklase ng bigla kang naitulak at
nadapa. Ano ang iyong gagawin?

3. Nalasing ang inyong kapitbahay. Dahil sa kalasingan nagawa niyang


batuhin ang alaga niyong aso na tumahol sa kanya. Ano ang iyong
gagawin?

4. Nasabi ng iyong matalik na kaibigan sa isang kakilala ang inyong


sikreto? Ano ang iyong gagawin?

ISAPUSO NATIN
30 minuto

Panuto: Iguhit ang mga ugaling nais mong iwasan upang di makasakit at magkasala sa
iba.

27
TANDAAN

Ang panginoon ay mapagpatawad. Bilang mga nilikha, dapat matuto din tayong
magpatawad. Anumang pagkakamali ay dapat itama at bawat isa ay dapat mabigyan
ng pagkakataong magbago.

Ang pagpapatawad sa atin ng Diyos at kapwa ay dapat ding magsilbing gabay sa


atin upang hindi na ulit-ulitin ang pagkakamali

ISABUHAY
NATIN
(30 minuto)

Panuto: Punan ang Slip at isa- isang ipabasa ito sa mga mag-aaral.

MANGAKO KA!
Ako si ____________________________. Nangangako na
____________________________ upang hindi makasakit sa iba. Patatawarin ko
rin ang mga ______________________________ at tutulungan ko silang
magbago.
_________________________
Lagda

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng isang Post Card para sa taong nais mong hingian ng tawad.

28
29
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGKAKAWANGGAWA
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga


biyaya sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan. (ESP3PD-IVc-i-9)

Paksa/Pagpapahalaga

Pagkakawanggawa

Mga Kagamitan

Larawan, Manila Papers, Pentel Pen, Masking Tape, at krayola.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagbibigay ng tulong ng kusang loob at walang hinihintay na kapalit ay isang


halimbawa ng Pagkakawanggawa.

Ang pagbabahagi ng pera, kagamitan, pagkain at panahon sa mga kapus palad,


maysakit, ulila at may pinsala sa katawan ay maaring direkta o sa pamamagitan ng mga
organisasyon. Ito’y kusang loob na ipinamimigay ng walang hinihintay na kapalit.

Sa araling ito matututunan natin ang mga pamamaraan kung paano maipakikita
sa kapwa ang kaugaliang ito.

30
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng balakid
Panuto: Iugnay ang salita sa Hanay A sa kahulugan nito sa Hanay B.
A B
1. pinsala a. nasira

2. rehabilitasyon b. handog; bigay

3. donasyon c. hospital

d. pagpapanumbalik sa kaayusan

2. Pagganyak
Sino sa inyo ang nakatanggap ng tulong pagkatapos maminsala ang Bagyong Lawin?

Iparinig ang balita

Pamilya ni Heneral Santos tumulong sa mga biktima ng Lawin.

Nagtungo ang pamilya ni Heneral Benjoe Santos sa probinsiya ng Cagayan


pagkatapos mabalitaan ang matinding pinsalang idinulot ng Bagyong Lawin.
Ang mag-anak ay nagdala ng mga pakain katulad ng bigas, noodles, mga de lata,
gatas, tinapay at iba pa.
Inayos din ng kanilang mga anak ang kanilang mga di na ginagamit na damit,
sapatos, mga kagamitang pampaaralan at mga laruan para ipamigay sa mga biktima.
Samantala, masayang masaya namang tinanggap ng mga mamamayan ang
kanilang mga regalo at di matapos tapos na pasasalamat ang kanilang idinuhog.
“Panalangin namin na sana mas marami pang katulad ng pamilya Santos ang
ibigay sa amin ng Diyos. Napakabuti nila,” sabi ni Aling Ising na isang biktima.
Pagkatapos ng pamimigay ng regalo ay bumisita rin ang mag-anak sa
Pamahalaang Pamprobinsya upang mamigay ng donasyon para sa rehabilitasyon ng
mga gusali, tulay at pananim.

31
3. Pagpapalawig

a. Tungkol saan ang balita?

b. Ano ano ang mga pinamigay ng pamilya sa mga biktima?


c. Bilang isang mag-aaral paano mo naman gagawin ang pagkakawanggawa?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


Panuto: Ipakita sa klase kung paano maipakikita ang pagkakawanggawa sa kapwa sa
pamamagitan ng:

I. Awit

2. Pagguhit 3. Sayaw

4.
Drama

32
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Iguhit sa loob ng puso ang isang bagay na gusto mong ibahagi sa isang
nangangailangan. Isulat din ang inyong dahilan kung bakit ito napili.

Dahilan:

________________________________

_____________________________

_____________________________

TANDAAN

Ang pagkakawanggawa ay pagtulong sa mga nangangailangan ng walang


hinihintay na kapalit. Maaaring ito’y pagbibigay ng mga damit, pagkain, pera, mga
gamit o panahon lalo na sa mga dukha, biktima ng kalamidad o maysakit.

33
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

1. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga larawang nagpapakita ng pagkakawanggawa.

2. Ipoproseso ng guro ang sagot ng mga bata sa bawat larawan.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Mula sa mga napapanood sa telebisyon magtala ng mga gawaing nakakitaan ng


pagkakawanggawa. Ibahagi ito sa klase.

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
__ 34
35
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGPAPAHALAGA SA SARILI
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakikilala ang sariling interes, potensyal, kahinaan at damdamin. (ESP1PKP-Ia-b)


(ESP2PKPIa-b-2) (ESP3PKP-Ia-13)
2. Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t ibang pamamaraan. (ESP1PKP-Ib-c-2)
(ESP3PKP-Ia-14)
Paksa/Pagpapahalaga

Pagpapahalaga sa Sarili

Mga Kagamitan

Larawan, Manila Papers, Marker, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang tagumpay ng paghasa sa kakayahan ng isang tao ay nakabase sa kung gaano


nito kakilala ang sarili. Ang kanyang mga kagustuhan, interes, at kakayahan ay maaring
mas mapaghusay pa kung ipapamahagi at ipapakita ito.

Ang mga kahinaan naman ay maaaring mahubog kung pag-iibayuhin pa ang pag-
eensayo at pagtuunan pa ito ng karagdagang oras.

Bibigyang diin natin sa araling ito ang pagpapataas sa antas ng pagpapahalaga sa


sarili at paghubog sa mga kakayahan upang maging kapakipakinabang na miyembro ng
komunidad.

36
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

a. Tumingin sa salamin. Gaano mo kakilala ang iyong sarili?

b. Gamit ang mga replika ng salamin na gawa sa papel, isulat ang pagkakakilala
sa sarili sa harapan. Pagkatapos ay ipasa ito sa katabi. Gawin ito ng 2 minuto.

c. Sa likod ng replika ng salamin, isusulat naman ng katabi ang pagkakakilala sa


may-ari ng salamin. Gumamit ng isa o 2 salita lamang sa loob ng 2 minuto.
Gawin din ito sa iba pang kaklase.
d. Pagkatapos ay ibabalik ang papel na salamin sa may-ari. Subuking ikumpara
ang mga paglalarawan sa iyo sa pagkakakilala sa sarili. Ibahagi sa klase.

37
ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

1. Pagpapakita ng mga kakayahan. Piliin kung anong talento ang gustong ipamahagi.

2. Magbibigay ang guro ng pagpoproseso sa mga kakayahang ipapakita ng mga mag-


aaral.

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

1. Panuto: Lagyan ng ang mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili at


naman kung hindi.

_______1. Ang kakayahan ay dapat ipakita at di ipinagdadamot.

_______2. Kung ikaw ay mahiyain marapat lang na sa bahay nalang mamalagi.

_______3. Ang kahinaan ay maaring maging potensyal sa pamamagitan ng pageensayo.

_______4. Huwag ipakita ang kakayahan baka tularan nila.

_______5. Ang mga kakayahan ay dapat ipagyabang.

3. Ipoproseso ng guro ang sagot ng mga bata sa bawat aytem.

38
TANDAAN

Bawat bata ay may kakayahan at kahinaan. Maari itong mapaghusay kung ito’y
ipapakita at ipamamahagi. Ang kahinaan naman ay maaaring maging potensiyal kung
mag-eensayo at pagtuunan ng mas marami pang oras at panahon.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Isulat sa pinakamataas na bahagi ng hagdan ang iyong mga kakayahan at sa


mababang bahagi naman ang mga kahinaan. Isulat sa baba kung ano ang gagawin upang
mapahusay ang kahinaan.

39
SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Ipikit ang mata.

Magnilay: Ano ang gusto mong maging pagdating ng araw. Ano ang iyong
gagawin upang matupad ito? Iguhit ito sa frame.

40
41
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
KALINISAN
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na maaaring makasama o makabuti sa


kalusugan. (ESP1PKP-Id-3)

2. Naisasakilos ang paraan ng pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng katawan.


(ESP3PKP-Ie-18) (ESP2PKP-Ia-11)
Paksa/Pagpapahalaga

Kalinisan

Mga Kagamitan

Larawan, Manila Papers, Markers, at Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang kalinisan at kaayusan ng ating katawan at paligid ay nakatutulong upang


tayo’y maging ligtas sa kapahamakan.

Ang katawan na marumi at di naaalagaan ng husto ay mas madalas magkasakit.


Ang paliligo araw-araw at pagpili ng tamang pagkain ay ilan lamang sa mga makakatulong
sa atin. Ang ating kapaligiran ay malaki din ang nagagawa upang makaiwas tayo
sa disgrasya.

Sa araling ito ay mas pag-iibayuhin natin ang pagpapahalaga sa kalinisan. Paano


ba natin ito makakamtan?

42
ALAMIN NATIN
(30 minutes)

1. Paghawan ng Balakid
Panuto: Piliin sa kahon ang mga salita o pariralang bubuo sa kahulugan ng mga salita.

mahalaga at pinakaiingatan pag-ilag walang sakit

a. Ang bata ay may magandang kalusugan sapagkat siya’y


____________________________.
b. Ang kalusugan ay kayamanan tulad ito ng mga bagay na
____________________________.
c. Ang pagiging malinis ay nakatutulong sa pag-iwas o _________________ sa mga
sakit.

2. Pagganyak
Ano ang inyong ginagawa upang maging malusog at masigla?

Basahin ng guro ang tula.

Kalusugan, kayamanan Ko
Isinulat ni: Maylyn V. Batallones

Ako si Tonyo, ang batang bibo


Sa tuwina’y malinis ako, sa isip at puso
Mga kagamitan ko’y aking binubuo
Nang buong husay at talino

Kalusugan ay aking pinapangalagaan


Aking katawan ay pinakaiingatan
Paliligo sa araw araw ay di kinakalimutan
Upang ang sakit ay maiiwasan

43
Aking paligid ay tiyak na magugustuhan
Ugaling kasipaga’y aking binubuhay
Nagtatanim ng halamang makukulay
Upang sariwang hangi’y ating mararanasan

Kalusugan tuna’y ngang kayamanan


Sa kahit kanino puwedeng ipagyabang
Sa kapwa ko bata sana’y matutunan
Upang mga pangarap ay makamtan

3. Pagpapalawig

a. Sino ang nagsasalita sa tula?


b. Ano anong mga katangian mayroon ang bata?

c. Paano niya pinapangalagaan ang kanyang sarili?


d. Ano naman ang iyong magagawa upang mapanatiling malinis at malusog ang
iyong katawan at kapaligiran?

44
ISAGAWA NATIN
30 minuto

1. Pangkatang Gawain: Ano-ano ang mga maipapayo niyo upang maging malinis at
masigla ang batang ito? Ilagay sa mga kahon ang sagot.

ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Buuin ang talata tungkol sa pangangalaga sa sarili. Basahin ito sa klase.

Ako si _____________________________. Nangangako na


________________ araw-araw upang maging malinis ang katawan.
Pananatilihin kong malinis ang aking __________________ upang
mkaiwas sa sakit. Magiging mapanuri rin ako sa mga _____________
aking binibili. _________________ ako ng ngipin at maghuhugas ng
kamay _________ at ___________ kumain.

45
TANDAAN

Ang kalinisan ng katawan at kapaligiran ay napakahalagang salik upang


maiwasan ang mga sakit. Ang paliligo araw-araw, pagsisipilyo at paghuhugas ng
kamay ay ilan lamang sa mga gawaing dapat nating isakatuparan upang mapanatiling
malusog ang ating katawan. Panatilihin ding maaliwalas ang ating mga bahay at
bakuran upang mailigtas sa kapahamakan.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng listahan ng mga gawain sa araw-araw upang mapanatili ang kaayusan at
kalinisan ng katawan at kapaligiran.

Oras ng Paggawa Gawain

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

1. Mag-interbyu sa pamayanan.
2. Ano anong mga programa ang kanilang isinasagawa upang mapanatiling malinis ang
barangay? Ibahagi ito sa klase.

46
47
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGKAKAISA
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakakikilala ng mga gawaing nagpapakita ng pagkakabuklod ng pamilya tulad


ng pagdarasal, pagsama-sama sa pagkain, pamamasyal, pagkukuwentuhan at sa
paggawa. (ESP1PKP-Ig-6) (ESP2PKP-Id-e-12) (ESP3PKP-Ih-21)
Paksa/Pagpapahalaga

Pagkakaisa

Mga Kagamitan

ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras: Isang Linggong Aralin (2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pamilya ang kanlungan ng bawat bata. Ang pagkakaisa o pagkakabuklod ng


bawat miyembro nito ay makakatulong sa paghubog ng kanyang ugali at paniniwala.

Mahalagang magkakasama ang pamilya sa mga gawaing tulad ng pagdarasal,


pagkain, pamamasyal at pagkukuwentuhan dahil maganda itong pagkakataon upang
maibahagi ang mga karanasan sa buong araw.

Ang pagkakabuklod ng pamilya ay simbolo ng pagiging masaya. Natututunan


nating magbigay at makipagtulungan sa mga responsibilidad kung tayo’y may
pagkakaisa.

Sa araling ito ay mas lalong mapag-iibayo ang pagpapahalaga sa pagkakaisa at


pagkabuklod-buklod tungo sa matiwasay at mapagkalingang pamilya.

mga
48
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng Balakid
Gamitin ng guro sa pangungusap ang mga sumusunod na salita at tukuyin ng mag-
aaral ang kahulugan nito.
Tungkulin respeto pagkakaisa
2. Pagganyak
Ano anong tungkulin ang ginagampanan ninyo sa bahay?

Panoorin ang isang video clip


(Pagkakaisa ng Pamilya 2)
https://www.youtube.com/watch?t=64s&v=V4ybZTIZ5jw

3. Pagpapalawig

a. Tungkol saan ang video?


b. Ano ano ang masasabi niyo sa kanilang pamilya?

c. Ano anong mga gawain ang kanilang pinagsasaluhan?


d. Ginagawa din ba ng inyong pamilya ang mga ito? Bakit mahalaga ang
pagkakaisa sa pamilya?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Ilarawan ang pamilya. Ilagay ang sagot sa mga bituin.

49
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumuhit ng sa puwang sa ilalim ng larawan kung ito’y nagpapakita


ng pagkabuklod-buklod ng pamilya.

________________ _________________ _________________

__________________ ________________

TANDAAN

Ang pagkakaisa at pagkakabuklod ng pamilya ay mahalaga upang mas


maunawan at maisakatuparan ang mga tungkulin ng bawat miyembro.

Ang mga miyembro ay dapat magkakasama sa pagsamba, pagkain, pamamasyal,


paglalaro at pagkukuwentuhan.

50
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng post card para sa nakagalit na miyembro ng pamilya.


Ipahayag ang inyong paghingi ng paumanhin at pangako na magiging mas maunawain
na sa susunod. Ibahagi ito sa klase.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng talaan ng mga gawaing kaya mong isakatuparan para maipakita
ang pakikiisa sa pamilya.

51
52
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGMAMALASAKIT
Layunin

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakapagpapadama ng malasakit sa kapwa na may karamdaman sa


pamamagitan ng pagtulong at pag-aalaga, pagdalaw, pag-aliw at pagdadala ng pagkain
o anumang bagay na kailangan. (ESP1P-IIa-b1-3) (ESP2P-IIa-b-6) (ESP3P-IIa-b-14)
Paksa/Pagpapahalaga

Pagmamalasakit

Empowerment

Integrasyon sa lahat ng aralin

Nakalaang Oras

Isang Linggong Aralin ( 2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Likas sa ating mga Pilipino ang pagmamalasakit sa kapwa. Sa kahit anong


panahon, saanmang lugar at kahit sa mga simpleng bagay ay naipapadama natin ito.

Ilan sa mga sitwasyon na madalas nating naipapakita ang pagmamalasakit ay


ang pagdalaw sa mga maysakit. Nagbibigay tayo ng mga pagkain, inaalagaan at inaaliw
natin ang mga ito.

Kapag nasa pampublikong sasakyan ay ibinibigay natin ang ating mga upuan sa
mga nakakatanda, buntis at mga may kapansanan.

Likas din sa atin ang pagtulong sa mga kapitbahay, kamag-anak at kakilala sa


panahong ng kagipitan.

Sa paanong paraan pa tayo puwedeng magkawanggawa? Alamin sa araling ito.

53
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan sa balakid
Piliin ang kahulugan ng nasalungguhitang salita ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap.
1. Ang aming kapitbahay ay masayahin at mapagbigay.
a. taong kaaway mo b. taong nakatira malapit sa inyo c. kasambahay

2. Ang paghuhugas ng pinggan ay madalas kong gawin. Ito ang responsibilidad na


binigay sa akin ng aking mga magulang.
a. laro b. tungkulin c. kayamanan
3. Kailangan ko ng mag-aaruga sa aking anak tuwing ako’y may pasok sa paaralan.
a. mag-aalaga b. magbibiro c. magpapaiyak
2. Pagganyak
Naranasan mo na bang tumulong sa kapitbahay? Ano ang iyong ginawa?
Basahin ng guro ang kuwento.

Kapitbahay ko, responsibiidad ko!


ni: Maylyn V. Batallones
“Inay, bakit po walang kasama si Aling Nena sa kanilang bahay? Nasaan po ang
kanyang pamilya?” tanong ni Jairo sa kanyang ina habang itinuturo ang bahay malapit sa
kanila.
“Matagal nang balo at walang mga anak si Aling Nena, anak.” tugon ng ina.
“Kamag-anak po ba natin siya inay? tanong ulit ng bata. Nilapitan ni Aling Ella ang
anak at pinaupo ito upang pagpaliwanagan.
“Anak, bakit mo gustong malaman kung kamag-anak natin siya? Dahil ba
tinutulungan natin siya? Ang pagtulong ay hindi lang nakabase sa kung kamag-anak mo
ba siya o hindi. Dapat nating tulungan ang lahat ng nangangailangan lalo na ang mga
katulad niyang may-sakit,” paliwanag ng ina.
“Ganoon po ba nay? Kaya po pala lagi natin siyang dinadalhan ng pagkain at
binibilhan ng mga gamot at iba pang pangangailangan niya,” ani Jairo.
“Oo anak, ang ating mga kapitbahay ay ating responsibilidad lalo na kung alam
natin na wala ng ibang mag-aaruga sa kanila. Kaya halika na, puntahan natin siya,” dagdag
pa ni Aling Ella habang inaaya ang anak papunta sa kapitbahay.

54
3. Pagpapalawig

a. Sino sino ang tauhan sa kuwento?


b. Ano ang pinag-uusapan ng mag-ina?

c. Paano nila pinapakita ang pagmamalasakit sa kapwa?


d. Ano ano namang pagmamalasakit ang ginagawa mo sa iyong kapwa o
kapitbahay?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Pangkatang Gawain: Iakto ang mga sumusunod.

1. Iakto Mo! 2. Iakto Mo!


Pagmamalasakit Pagmamalasakit
sa maysakit sa pasahero ng
pampublikong
sasakyan

3. Iakto Mo! 4. Iakto Mo!

Pag-aliw sa Pagtulong sa
nalulungkot nangangailangan

55
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

1. Laro: Fact or Bluff. Isulat ang Fact sa Slate Board kung ang sitwasyon ay totoo at Bluff naman

kung mali.

a. Ang mga buntis o may bitbit na anak ay dapat bigyang prioridad sa pag-upo sa mga
sasakyang pampubliko.

b. Bigyan ng damit at pagkain ang mga kamag-anak lamang.

c. Makiramay at tumulong sa mga kakilalang namatayan ng di naghihintay ng kapalit.

d. Pakialaman ang sariling pangangailangan. Hayaang maghirap ang iba.

e. Itapon na lamang ang mga tirang pagkain kaysa ipamigay sa kapwa.

2. Ipoproseso ng guro ang mga sagot ng mga bata sa bawat aytem.

TANDAAN

Ang pagmamalasakit sa kapwa ay maipapakita sa pamamagitan ng


pagmamahal, pag-aliw at pagtulong sa mga maysakit at nangangailangan. Maaari rin
natin itong ipakita sa mga taong ating nakakasalamuha sa komunidad tulad sa mga
pampublikong sasakyan o sa pagtawid sa kalsada.

56
ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Punan ang mga yapak ng mga gawaing maaari mong gawin upang maipakita
ang pagmamalasakit sa kapwa.

SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Iguhit sa ibabaw ng palad ang mga bagay na gusto mong ibahagi sa iyong kapwa.

57
58
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGKAMAGALANG

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng


pagmamano, paggamit ng po at opo, pakikinig sa iba habang nagsasalita, at paggamit
ng “salamat” at “pakiusap”. (ESP1P-IIe-f-4) (ESP2P-IId-8) (ESP3P-IIc-e-15)

Paksa/Pagpapahalaga
Pagkamagalang

Mga Kagamitan
Larawan, Manila Papers, Markers, Masking Tape.

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras

Isang Linggonng Aralin ( 2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang mga Pilipino ay kilalang-kilala sa pagkamagalang. Nirerespeto natin ang mga


nakatatanda sa pamamagitan ng paggamit ng mga magagalang na pananalita tulad ng
po at opo, pagbati sa anumang oras na may makasalubong tayo at higit sa lahat ay ang
pagmamano o paghalik sa kamay ng matatanda.

Sa pakikisalamuha sa kapwa tayo’y nagpakikita ng paggalang gamit ng mga


salitang pakiusap, salamat, patawad at iba pa.

Ang pakikinig sa tuwing may nagsasalita ay isa ring paraan ng paggalang. Sa


pamamagitan nito ay naipaparamdam natin na mahalaga ang kanilang opinyon.

Sa ano anong paraan pa nga ba tayo puwedeng magpamalas ng respeto? Alamin


sa araling ito.

59
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng Balakid

Piliin mula sa Hanay A ang katumbas na salita sa Hanay B. Isulat ang titik sa patlang.

A B
_____ 1. Paslit A. Walang katapusan
_____ 2. Bukambibig B. Ipinapaalala
_____ 3. Di-mapatid-patid C. Munti
_____ 4. Idinidikdik D. Laging sinasabi
_____ 5. Kinagigiliwan E. Hinahangaan

2. Pagganyak

Paano ninyo ipinapakita ang respeto o paggalangg sa mga nakakatanda.

Basahin ang tula.

Batang Magalang Kinagigiliwan!


Isinulat ni: Maylyn V. Batallones

Po at opo laging naririnig


Sa mga batang paslit, laging bukambibig
Kasabay ng paghawak sa kamay ni lolo’t lolang nanginginig
Upang paggalang ipadama kahit wala ng pandinig

Pasasalamat di rin mapatid-patid


Sa mga regalo’t pagkaing sa kanila’y hinahatid
Kay nanay at tatay ngiting kay tamis tamis
Habang humahalik sa pisnging nilang makinis

60
Ang mga pangaral kanila ding sinisiksik
Sa munting isip pilit idinidikdik
Magagalang na salita ginagamit ng labis
Upang kagigiliwa’tsa paglaki uunlad ng mabilis

3. Pagpapalawig

a. Tungkol saan ang tula?


b. Ayon sa tula, sa ano anong paraan maipapakita ang paggalang?

c. Bakit mahalaga ang paggalang sa kapwa?


d. Ginagawa mo rin ba ang mga nabanggit sa tula? Ano ang nararamdaman
mo tuwing ginagawa mo ito?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pagdugtungin sa pamamagitan ng linya ang mga gawaing dapat ipakita


hanggang marating ang larawan.
Sigawan Gumamit ng po at opo Gawin ang gusto

Magmano Ipahiya sila Takbuhan sila

Awayin Huwag pakialaman Makinig sa payo

61
ISAPUSO NATIN
(30 minuto)

Panuto: Magbigay ng mga paraan ng paggalang sa nakatatanda.

TANDAAN
Marapat lang na irespeto natin ang ating kapwa. Bawat isa ay dapat magbigay
galang sa nakatatanda sa pamamagitan ng pakikinig sa mga payo, paggamit ng po at
opo at iba pang magagalang na salita. Huwag din nating kalimutan ang pagmamano sa
lahat ng oras. Sa pamamagitan nito ay mabubuhay natin ang mga kaugaliang malapit
na nating makaligtaan.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Isipin kung sino ang pinakamahalagang taong gusto mong bigyang
galang sa oras na ito. Gumawa ng munting mensahe para sa kany

62
SUBUKIN NATIN
(30 mminuto)

Panuto: Gumawa ng tsart ng magagalang na salita at sabihin kung kailan ito gagamitin.
Ibahagi ito sa klase.

Magalang na Salita Kailan Gagamitin

63
64
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGKAMATAPAT

Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa anumang gawain at
nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng paggawa. (ESP1P-IIg-i-5) (ESP3P-
b-14)

Paksa/ Pagpapahalaga

Pagkamatapat sa Paggawa

Mga Kagamitan

Metacards, ICT Resources, tisa, pambura, krayola, kartolina, pambura

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng asignatura

Nakalaang Oras:

Isang Linggong Aralin ( 2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagkamatapat ay isang kaugaliang kinawiwilihan ng lahat. Sa


pakikisalamuha natin sa ating pamilya, mga kaibigan at kapwa mahalagang matutunan
nating maging matapat.
Ang pagsasabi ng katotohanan at pagsasagawa sa mga gawain kahit walang
nakatingin ay kahanga-hanga. Ito’y tanda ng ating katapatan di lang sa ating kapwa
kundi pati narin sa ating sarili.
Inaasahan rin sa atin ang pagsasauli sa mga gamit na hindi sa atin. Ito man ay
napulot o hiniram natin.
Ang bawat isa ay inaasahang tutupad sa mga tuntunin sa ating komunidad ng
may katapatan at walang pasubali.
Sa araling ito ay mas lalong mapag-iibayo ang ating kaalaman at pagpapahalaga
sa pagiging matapat.

65
ALAMIN NATIN
30 minuto

1. Paghawan ng Balakid

Piliin sa mga salitang nasa kahon ang angkop na salita para mabuo ang pangungusap.

Liblib, taimtim, payo, nagdadalawang-isip, manlamang

a. Ang aking nanay ay ________________ na nagdarasal sa Diyos bago


kami matulog.
b. Kabilin-bilinan ng aking mga magulang na masama ang _______________ sa
aking kapwa.
c. Bilang bata ay lagi tayong nakikinig sa___________________ ng ating mga
magulang.
d. Ang aming lolo at lola ay nakatira sa ____________________na lugar sa aming
baryo.
e. “Dapat sa paggawa ng kabutihan sa ibang tao hindi tayo _________________,”
ayon sa ating guro.

2. Pagganyak

Ano ang iyong gagawin kapag nakapulot ka ng pitaka na may laman na


malaking halaga at nagkataon na wala kang baon sa araw na iyon? Ipaliwanag ang
sagot.
Basahin ng guro ang kwento.

Si Urduja at ang Gitara


Isinulat ni: Maylyn V. Batallones

Ipinanganak na mahirap sa isang liblib na lugar si Urduja. Gayunpaman,


lumaki siyang talentado at matalino. Mahilig siyang kumanta. Madalas ay nakikinig
siya ng mga awitin sa kanilang radyong de baterya.
Isang araw, nagsadya si Urduja at ang kanyang ina sa kabayanan upang
magsimba at mamili ng mga pangangailangan sa bahay. Habang nasa simbahan
taimtim na nagdasal si Urduja na sana ay magkaroon sila ng magandang ani
ngayong taon upang mabili na ng mga magulang ang matagal niya ng pangarap na
gitara.

66
Sa kanilang pag-uwi dumaan ang mag-ina sa bahay ng tiyuhin nito. Sa
kanilang paglalakad sa kanto malapit sa sakayan nakita ni Urduja ang isang bagay
na nakapatong sa kiosko. Isa itong gitara.
Nabuhayan ng loob ang bata. Ito na nga ba ang kasagutan sa kanyang mga
dasal? Nagdadalawang isip pro pinulot niya pa rin ito. Isusuot na sana niya ang
gitara sa katawan ng mapansin ito ng ina.
“Anak, alam kong matagal mo ng pangarap na magkaroon niyan, pero hindi
ibig sabihin noon ay kukunin mo na ang bagay na di naman saiyo,” sabi ng ina.
Napahiya sa kanyang ina at sa sarili si Urduja. “Patawad inay, dahil sa
kagustuhan kong magkaroon nito ay nakalimutan ko ang inyong mga payo,” sabi
nito habang ibinabalik ang gitara sa pwesto nito.
“Bata, gusto mo yan?” Isang tinig ang biglang pumukaw sa pansin ng mag-
ina. Nakangiti ang lalaki na mukhang may kaya habang tinuturo ang gitara.

“Isa iyan sa mga paborito kong gitara. Narinig ko ang inyong usapan at dahil diyan
ibinibigay ko na saiyo ang aking gitara. Sana alagaan mo iyan ,” dagdag nito.
“Pasenya na po kayo kung pinagkainteresan ko pong kunin ang inyong gitara,” sabi
ni Urduja.
“Huwag kang mag-alala sapat na sa akin na marinig na agad mong napagtanto na
mali iyon. Dapat mong tandaan na hindi sapat na dahilan na dahil sa iyong pangarap ay
manlalamang kana ng iba,” sabi pa nito.
Ibinigay nga ng lalaki ang gitara at mula noon ay ginamit na ito ni Urduja upang
mahasa ang kanyang kakayahan.

3. Pagpapalawig

a. Tungkol saan ang kuwentong nabasa?


b. Batay sa kuwento, paano niyo mailalarawan si Urduja?
c. Ano ang pangarap ni Urduja?
d. Kung ikaw si Urduja gagawin mo din ba ang kanyang ginawa? Bakit?
e. Sa lahat ng hangarin at mithiin, paano natin makakamit ang pagtatagumpay.

67
ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang klase sa apat at ipagawa ang mga sumusunod.

Gumuhit ng larawan na
nagpapakita ng Pagkamatapat

Gumawa ng apat na
Magsadula ng isang
linyang awitin
PANGKATANG pangyayari na
tungkol sa
GAWAIN nagpapakita ng
Pagkamatapat
Pagkamatapat

Gumawa ng isang panalangin


ng paghingi ng tawad sa mga
oras na nakakalimutang
maging matapat

68
ISAPUSO NATIN
30 minuto

Panuto: Panoorin ang isang video clip tungkol sa isang drayber na nagsauli ng bag ng
pasahero.
https://www.youtube.com/watch?t=34s&v=yC3f15fyQwQ
➢ Talakayin kung bakit at paano niya ito isinauli.( Think-Pair-Share Activity)
➢ Talakayin kung ano ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa kalagayan nito.

TANDAAN
Ang ating mga pangarap ay makatutulong sa atin upang magkaroon tayo ng
direksyon. Ito’y magsisilbing patnubay natin sa pagkamit ng tagumpay. Pero dapat
nating tandaan na sa pag-abot sa mga pangarap na ito ay huwag nating isakripisyo
ang ating katapatan. Huwag tayong maghangad ng mga bagay bagay na di naman
sa atin. Isakatuparan natin ang ating mga pangarap ng walang sinasaktan at
isinasakripisyo.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Gumawa ng limang pangungusap na sanaysay tungkol sa inyong pangarap.


Ano-ano ang dapat mong gawin upang makamit ito?

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

_____________________________________

_________________________________

___________________________

69
SUBUKIN NATIN
(30 minuto)

Panuto: Paano mo maipakikita ang iyong katapatan sa mga sumusunod na pagkakataon.

1. Nagbigay ang iyong guro ng pagsusulit sa Mathematics. Hindi ka nakapagrepaso


dahil inunamo ang panood ng teleserye. Habang kayo’y sumasagot napansin mo
ang iyong kwaderno malapit sa iyo. Ano ang gagawin mo?

2. Habang naglalaro ng chess ang kaibigan mo ay napansin mo na habang di


nakatingin ang kanyang kalaban ay inilipat niya ang isang piyesa. Ano ang gagawin
mo?

70
71
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO K-3
PAGKAMASUNURIN
Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Naipapakita na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod


sa magulang at sa tuntunin ng pamayanan. (ESP1PPP-IIIe-3) (ESP2PPP-IIIa-b-6)
(ESP3PPP-IIIc-d15)
Paksa/Pagpapahalaga

Pagkamasunurin

Mga Kagamitan

ICT Resources, Larawan, Manila Papers, Pentel Pen

Empowerment: Integrasyon sa lahat ng aralin

Nakalaang Oras: Isang Linggong Aralin ( 2 oras at 30 minuto)

PANIMULA

Ang pagkamasunurin o pagsunod sa mga magulang o kapwa at sa mga tuntunin


sa pamayanan ay isang mabuting gawi. Ito ay isang tungkulin na dapat nating
isakatuparan.

Sa pagsunod sa mga magulang dapat di tayo nagdadabog, naiinis o nagagalit. Ito


ay dapat nating isagawa ng masigla at may kasiyahan.

Sa pamayanan, marapat lamang na sundin ang mga tuntunin, ordinansya at mga


batas upang di mapahamak. Tulad na lamang ng mga alituntunin sa daan, marapat na
sundin ang mga ito para makaiwas sa mga disgrasyang maaaring idulot nito.

Alamin pa ang ilang mga gawaing nagpapakita ng pagkamasunurin sa araling ito.

72
ALAMIN NATIN
(30 minuto)

1. Paghawan ng balakid
Bilugan ang kasingkahulugan ng mga salita. Piliin ito sa loob ng panaklong.
a. Pagpapalain - ( minalas, pagkakalooban )
b. Lahi - ( tribo, gakaw )
c. Tumalima - ( sumunod, kumontra )
d. Alipin - ( kaaway, tagasunod )

2. Pagganyak
Ano sa iyong palagay ang magiging buhay ng batang laging sumusunod sa
magulang?
Panoorin ang video clip

Ang pagkamasunurin ni Abraham


https://www.youtube.com/watch?t=100s&v=TUPio_IDZoA

3. Pagpapalawig

a. Sino ang mga tauhan sa kuwento?


b. Anong sakripisyo ang hiniling kay Abraham?

c. Makatarungan ba na sundin ni Abraham ang hiling?


d. Kung ikaw si Abraham gagawin mo ba ang kanyang ginawa?

ISAGAWA NATIN
(30 minuto)

Panuto: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat at isagawa ang mga sumusunod.

1. Isayaw Mo – Pagsunod sa batas Trapiko

2. Iawit Mo- Pagsunod sa Magulang

3. Iakto Mo- Pagsunod sa mga Tuntunin sa Paaralan

4. Iguhit Mo- Pagsunod sa Batas sa Kapaligiran

73
ISAPUSO NATIN
( 30 minuto)

Panuto: Tukuyin kung anong mali sa mga larawan. Ipaliwanag ito.

LARAWAN ANONG MALI SA LARAWAN?

74
TANDAAN

Ang pagsunod sa magulang at nakatatanda ay tanda ng pagkamasunurin. Ito ay


mahalaga upang makaiwas sa kapahamakan at upang makamit ang mga pangarap sa
buhay.

Ang ating pamayanan ay may mga alituntunin din na dapat sundin. Tulad nalang
ng mga batas at mga ordinansa na inilalabas ng ating pamahalaan. Ito’y dapat nating
irespeto upang makatutulong tayo sa pag-unlad ng ating bayan.

ISABUHAY NATIN
(30 minuto)

Panuto: Isulat sa daan sa kanan ang mga gawaing nakikita mo sa paligid na dapat sundin at sa
kaliwa naman ang mga gawaing dapat iwasan.

MALI TAMA

75
SUBUKIN NATIN

Panuto: Magnilay at isulat sa loob ng puso ang karanasan sa pagsuway sa magulang o


batas sa pamayanan. Sabihin kung anong idinulot nito. Ibahagi sa klase.

76
77

You might also like