You are on page 1of 10

NOBENA KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL DE ILIJAN

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

AWIT: (Babasahin kung hindi aawitin)


O maluwalhating Señor San Miguel Arkanghel,
Prinsipe ng mga ejercitos sa langit
Karapat-dapat na mapagtanggol
Sa mga kaluluwa!
Iligtas Mo kami sa mga demonyo,
Na ikaw nga ang takot at gulat nila.
Kapitan Kang kagila-gilalas
Na kahalili ni Kristo
Sa Malaki mong kataasan at kabanalan
Ay iligtas Mo kaming lahat
Na tumatawag sa Iyo.
Serafing makapangyarihan
Sa lahat ng kapanganiban
At na aming makamtam
Ang matamis Mong tulong.
Marapat na mapang-amo
Sa paglilingkod sa Diyos.
O mahal na Poong San Miguel,
Pintakasi naming mahal,
Kami po ay Iyong ipagtanggol
Sa tukso ng mga kaaway, iligtas Mo kaming lahat
Mahal na Poong San Miguel. Amen.

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Lahat: Amen.

PAGSISISI
O Diyos ko, ikinalulumbay ko ng buong puso ang pagkalapastangan ko sa Iyo, at
pinagsisisihan ko ang dilang pagkakasala ko, sapagkat natatakot ako, na mawala sa akin ang
langit at magdusa sa impiyerno. Ngunit higit sa lahat, sapagkat nilapastangan kita na aking
Diyos, na napakabuti at dapat ibigin nang lalo sa lahat. Nagtitika akong matibay, sa tulong ng
Iyong grasya na magkumpisal ng mga kasalanan ko, magpakasakit at magbagong-buhay, Siya
nawa.

O Diyos ko at Panginoon ko, Ama ng lahat ng aliw at awa, nagpapatirapaako sa Iyong


harapan. , atSan Miguel, sa maalab na pag-ibig at paglilingkod sa Iyo sapagkat sa tulong ng
Iyong mahal na grasya, ninasa kong lagingumibig sa Iyo ng buong puso.
Namamanata akong matibay, na magpakababa, mamuhay ng malinis at magtiis ng
anumang hirap, na siya kong ilalaban sa tukso at hibo ng demonyo, ng laman at ng mundo. Sa
abot na aking kaya, ibabantog ko ang Iyong kaluwalhatian at ipagmalasakit ko ang kaligtasan ng
kaluluwa. Magpupunyagi ako na ipahayag ang mga mahal Mong aral, imulat sa
pananampalataya ang tao, at sa banal na pagkatakot sa Iyo, pairalin ang wagas na kabanalan sa
sarili at sa iba, at lipulin ang masamang asal at bisyo, na labag sa puso mo.
Upang matupad ang banal na panatang ito ng aking buhay, ikaw ang inaasahan ko, O
Diyos na maawain, na ako’y tulungan ng iyong mahal na grasya, alang-alang man lamang sa
mga karapatan ng aming Panginoong Hesukristong Anak Mo, sa mga sakit ng Mahal na Birheng
Maria na aming Ina, at sa tulong ni San Jose at ng lahat ng mga anghel at mga banal. Siya nawa.

Namumuno: Magsiluhod po ang lahat.

PAGBATI

Binabati ka po namin San Miguel Arkangel, kapitan ng mga pulutong sa langit, mapag-
ampon sa mga kaluluwa. Sa talim ng iyong sandata, pilit mong pinasuko ang mga espiritung
malign. Sa kalangitang gobernador, namamahalang ikalawa ni Kristo, sa kabilugan ng Santa
Iglesia ay lubha mong pinapanalo sa dilang karapatan namin. Iligtas mo po kaming lahat na
natawag sa Iyo at itoto sa totoong landas na makapaglingkod sa Panginoong Diyos alang-alang
sa kamahal-mahalan mong katungkulan sa ganap n gaming karapatan. Siya nawa.

Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

DALIT KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL DE ILIJAN

Sa tuson armas mong taglay lubos kaming nanghinapang

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Sa langit prinsipeng tambing, tagatanod ka sa amin;


Ang tao, hayop at pananim, inaayawan ng anghel
Taga-tanod gabit’t araw sa lupa hanggang may buhay.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Ang angeles na lahat na sa langit ay nagkaisa,


Gaewin kang kapitan nila, heneral sa pagbabaka.
Nagwagi ka’t niyurakan, si Lucifer na sukaban.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Pagkabayani sa langit sa lupa nama’y namasid,


Ni Josue at ni Judith, iba’t ibang hukbo nilupig,
Para-parang nangagdiwangsa bisa ng Iyong gayang.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.


Ang anyo Mong di panatag, sa Diyos manulad-nulad,
Ang saysay sa Santong sulat siya’y ang Diyos na wagas,
Nang babalin Mo si Adan, Jacob, Isaac ni Abraham.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Nagpakay Moises sa bundok, nag-aasal kang tao ay Diyos.


Dalawang tabla’y iniabot, nilulan ang sampung utos
Sa taos mong pagsasanay, Poong Diyos kang tinuran.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Minahal dili kamak, bukod kang pinapaghawak,


Selyo ng Diyos sa lahat, ng kampon Mo at alagad,
Pinto ng langit ay nabuksan, ang impiyerno’y sinusian.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Tungkol mo nama’t tangkakal, ang Santang Iglesiang mahal,


Palaging iniilawan ng sinag Mong makikikinang,
At sa gayo’y kinamtan, ganap na katahimikan.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Nang lalo ka pang nabantog, pinakabukod kang naglingkod.


Anghel ka na tagatanod kay Mariang Birheng irog.
Sa pagganap mong mataman luwalhati naukulan.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Sa kaluluwa’y ang noynoy, ni Villegas ikaw noon.


Ang nagsulit humuhukom, aliw ka ng iyong kampon.
Nang sila’y iyong ingatan, gayong higpit ng hatulan.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Diyos ngani ang may wika, ano man anya ay biyaya.


Kaloob ditto sa lupa, sa kamay mo’y nagmimula.
Ani Pantaleo’y walang di sa iyo’y pakinabang.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.


Marami’t lubhang maduyo, tungkol sa Iyong tinamo,
Gantihan ka ni Eusebio, sa kabanalan ng loob Mo.
Sa ganap mong karapatan, langit lupa’y gumagalang.

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Sa tuson armas mong taglay lubos kaming nanghinapang

Ligtasi San Miguel na mahal sa demonyo’t madlang kaaway.

Namumuno: Magsiluhod po ang lahat.


Namumuno: Ipanalangin mo kami o maluwalhating San Miguel Arkanghel.
Lahat: Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong
Panginoon naming. Amen.

O Panginoong walang hanggan, Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sa labis Mong


sintasa kagalingan ng tao, inihalal Mo ang maluwalhating si San Miguel Arkanghel ay maging
tatakhang Prinsipe ng Iyong Santa Iglesia. Ipagkaloob Mo po sa aming lahat ang bisa ng Iyong
saklolo at ipagtanggol kami sa mga kaaway hanggang sa oras n gaming kamatayan ay akayin Mo
kami at matimawa sa di matingkala Mong pagka-Diyos alang-alang kay Hesukristong aming
Panginoon. Amen.

PANALANGIN SA UNANG ARAW


O DIyos at Panginoon ng mga Serafin, na maningning na Espiritu ng Unang Koro, na
palaging nag-aalab sa apoy ng dalisay na pag-ibig sa Iyo, iniaalay kop o sa Iyo ang mga
karapatan ng maapoy na pagsinta ng mga Espiritung ito, at ng masintahing si San Miguel na
totoong iniirog Mo. Sapagkat ikaw lamang ang Diyos at Panginoon na dapat ibigin nang lalo sa
lahat ng buong puso, buong kaluluwa, buong isip[ at lakas. Pagpipilitan ko, o nanaisin man
lamang na ikaw ay ibigin ng lahat at huwag kaming magkasala sa Iyo. Siya nawa.

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.
Namumuno: Magsitayo po ang lahat.

PARANGAL KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL


Namumuno: Sa langit na kaharian, si Hesus ay aming kamtan.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Nasupil mo at natalo, si Iusbel na naging lilo;
Gusto’y maging diyos sa trono, ang palalong nagging diyablo,
At siya’y ibinulid mo sa apoy ng impyerno.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Hanggang sa pangakong lupa, naging saklolo kang lubha,
Ng Hebreong baying mutya, na sa Ehipto nagmula.
Binusog mo silang pawa, nitong manang mahiwaga.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Nananalangin at nanlumo ang pagkatao ni Kristo,
Dugo’y pawis na sumago sa hapis na nanagano;
Naging aliw ka’t konsuwelo sa lumbay na walang toto.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Sa langit man at sa lupa, ikaw nga ang itinakda;
Pinagawa ng himala ng katuwiran at ng awa;
Ang Diyos ang nagtadhana sa kinapal niyang madla.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Ang simbahang Inang sinta sa panganib ay iadya;
Ang maraming sekta, sa kanya po’y bumabaka;
Sa lakas mo Patrong sinta, ipagtanggol lagi siya.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Tulungan Mo’t huwag lisanin ang sa Roma’y Papa naming;
Ang pastol ng bayan naming, sana’y iyong pagpalain,
Saklolohan mo at ampunin ang lahat ng pari namin.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Sa kidlat man at sigwada, gutom, salot, pagbabaka;
Sa lindol man at parusa ng langit sa nagkasala,
Kami’y iligtas tuwina at samahang para-para.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Hingin Mo sa gabi’t araw kay Hesus na aming mahal,
Sa grasya at kabanalan manatili kaming tunay;
Sa tulong Mo patrong hirang, nasa ami’y makakamtan.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.
Namumuno: Sa langit na kaharian, si Hesus ay aming kamtan.
Lahat: San Miguel, kami’y masdan at sa Diyos ipagdasal.

Namumuno: Aawitan ko ang Iyong kapurihan sa harap ng mga anghel ng Panginoon kong
Diyos.
Lahat: Ikaw ay sasambahin ko sa Iyong mahal na templo at ang mahal nangalan Mo ay
sasambitin ko.
Namumuno: Ipanalangin mo kami, maluwalhating San Miguel Arkanghel.
Lahat: Nang makamtan naming ang mga pangako ni Hesukristo.
Namumuno: Manalangin tayo.

O Diyos na walang hanggan at makapangyarihan, na sa Iyong malaking Awa sa


mgasumasampalataya sa Iyo, ginawa Mong pintakasi ng buong sangkatauhan, ang mapalad na
si San Miguel Arkanghel. Maluwalhating Prinsipe ng Banal na Simbahan, ipagkaloob mo po, na
kami ay maging dapat na tulungan at laging iadya sa lahat ng kaaway, sa bias ng kanyang
saklolo, at sa panahon ng pagpanaw sa buhay na ito, kanyang tanggapin, ihain at samahan, ang
mga kaluluwa naming at iharap na maligaya sa Iyong dakilang kamahalan alang-alang sa Iyong
Anak na si Hesukristo, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, magpasawalang Hanggan. Siya nawa.

PANGWAKAS NA PANALANGIN

O lubhang maluwalhatuing San Miguel, marilag na Prinsipe ng mga hukbo sa langit,


bayaning kinatatakutan ng masasamang espiritu, at ng buong impiyerno, dakilang Kapitan
At mahal na Arkanghel, na pinupuspos ni Hesukristo ng mabisang grasya, at pinagkalooban ng
tanging karangalan at kapangyarihan. Iadya mo kami, sa tanang panganib at sakuna, at igawad
mo sa amin ang ningas ng loob, sa pagsinta sa Diyos, upang kami ay magsikap araw-araw, sa
tapat na paglilingkod sa Kanya, at gayundin naman, ang tanging biyaya na ninanasa namin at
hinihingi sa pagsisiyam na ito. (tahimik na banggitin ang mga kahilingan)

PANALANGIN KAY SAN MIGUEL ARKANGHEL

San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan, at maging bantay ka nawa naming
sa kalupoitan at sa silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos. At ikaw, prinsipe ng mga
hukbo sa langit, sa kapangyarihan ng DIyos, ibulid mo sa kailaliman ng impiyerno, si Satanas at
ang lahat ng malulupit na espiritu na gumagala sa sanlibutan at nagpapahamak sa mga
kaluluwa. Siya nawa.
MGA PANALANGIN SA IBA’T IBANG ARAW

PANALANGIN SA IKALAWANG ARAW


O Diyos at Panginoon ng mga Kerubin, na maningning na Espiritu ng Ikalawang Koro, na
pinuspos ng lubhang matayog na karunungan, iniaalay ko sa Iyo ang mga karapatan ng
marurunong na espiritung ito at maluwalhating sa San Miguel, puno ng marurunong sa langit,
guro at ilaw na lubhang makinang na nagtuturo at umaakay sa mga may karunungan sa lupa.
Nagsusumamo ako sa Iyo, na ako ay liwanagan ng Iyong mahal na grasya, upang makilala kita
nang lalo at sintahin ka naming lahat dito sa lupa at magpasawalanghanggan sa langit. Siya
nawa

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

PANALANGIN SA IKATLONG ARAW

O Diyos at Panginoon ng mga Trono, na lubhang dakilang Espiritu ng Ikatlong Koro, na


pinagpapahingahan Mo at niluluklukan na parang Tribunal ng Katarungan. Iniaalay ko po sa Iyo
ang mga karapatan ng matataas na Espiritung ito ng maluwalhating San Miguel, na lubhang
marikit na Trono ng Kamahalan Mo at kataas-taasang alagad ng Iyong katarungan. Ipagkaloob
mo sa akin ang grasya ng wagas na pagtanggap sa Iyo sa banal na Komunyon sa trono ng aking
puso. Sa pagluklok mo sa nasabing Trono, huwag mo akong hukuman at hatulan nang nararapat
sa mga kasalanan ko, kundi ayon sa malaking awa Mo upang makamtan ko ang buhay na
walang hanggan. Siya nawa.

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

PANALANGIN SA IKAAPAT NA ARAW

Diyos at Panginoon, ng mga Espiritu ng ika-apat na Koro na pinanganlang dominasyon,


na iniaalay ko sa iyo, ang mga karapatan ng lubhang mararangal na Espiritung ito at nang
maluwalhating San Miguel. Kataas-taasang alagad ng Iyong kamahalan, ipagkaloob mo sa akin
ang tunay na pagsupil sa masamang nasa at pita ng katawan, at sa aking mga pinuno, upang
makamtan ko ang gantimpala na itinalaga sa mga masunurin hanggang kamatayan, ayon sa turo
ng aming Panginoong Hesukristong Anak Mo na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at kaisa
ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Siya nawa.
Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.
(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

PANALANGIN SA IKALIMANG ARAW

Diyos at Panginoon ng mga Espiritu sa Ikalimang Koro, na pinanganlang Birtud, na


pinagagawa Mo ng iba't ibang kababalaghan ng iyong dakilang kapangyarihan sa iyong
pamamahala sa tanang kinapal, loobin Mo na ang lahat ng aking gawain ay maukol nawa sa
iyong lalong dakilang kapurihan at kaluwalhatian. Iniaalay ko sa iyo ang mga karapatan nitong
mga espiritu na mapaghimala, at ng maluwalhating si San Miguel na tanging binigyan Mo ng
kapangyarihan, sa mga himala ng Iyong awa at katuwiran sa buong santinakpan. Isinasamo ko
po sa iyo, na ipagkaloob sa akin ang pgsupil sa masasamang hilig, ng lumang pagkatao na nasira
sa kasalanan, upang maingatan ko at laging lumago sa akin, ang Iyong mahal na grasya na
siyang ipagkakamit ko ng kaluwalhatiang walang hanggan. Siya nawa.

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

PANALANGIN SA IKAANIM NA ARAW

Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ikaanim na Koro na pinangalanang Potestad, na


binigyan Mo ng sadyang tapang at kapangyarihan, sa pagsawata sa mga demonyo, iniaalay ko
po sa iyo ang mga karapatan nitong matatapang na espiritu at ng maluwalhating San Miguel,
lubhqng nabantog sa tagumpay sa paglupig kay Lucifer at sa mga palao niyang kampon, at
laging nananalo at nagpapalayo sa dilang kaaway ng mga ampon ng kanyang kapangyarihan.
Inaasahan ko na ipagkaloob mo sa akin ang mga kailangang grasya at ang pananatili sa
kabanalan hanggang kamatayan, upang makamtan ko ang Korona ng kaluwalhatian. Siya nawa.

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.
PANALANGIN SA IKAPITONG ARAW

Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ikapitong Koro, na pinagkatiwalaan mo ng


pamamahala at pagkalinga sa mga bayan at kaharian, iniaalay ko po sa Iyo ang mga karapatan
nitong mararangal na espiritu at ng maluwalhating Prinsipeng si San Miguel nanhindi nalilingat
sa pagkalinga sa banal na Simbahan at sa mga bayang binyagan. Isinasamo ko sa Iyo na ingatan
mo at saklolohan ang aking kaluluwa at katawan, at mapasa-akin ang kapayapaan ng kaharian
ng grasya, makamtan ko ang tunay na ligaya, ang kasipagan at ang ningas ng loob sa pagsunod
sa mga banal na utos Mo. Siya nawa

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

PANALANGIN SA IKAWALONG ARAW

Diyos at Panginoon ng mga Espiritu sa Ikawalong Koro, na pinanganlang Arkanghel,


yayamang sila ang sinugo Mo, at pinagbilinan ng mga bagay na nauukol sa lalong malaking
kapurihan at kaluwalhatian. Iniaalay ko sa Iyo ang karapatan nitong mga espiritu na lubhang
banal, at ng maluwalhating San Miguel, na totoong napabantog sa tanging katapangan sa
pakikibaka kay Lucifer at sa kanyang mga palalong kampon, na nagnanasang mapantay sa
kamahalan Mo, at maagaw ang iyong kaharian at kaluwalhatian. Isinasamo ko sa Iyo na ako'y
bigyan mo ng grasya at katatagan upang matutuhan king labanan at supilin ang tanang kaaway
ng aking kagalingan at makamtan ko ang kaluwalhatian ng langit, at doon pasalamatan ko at
awitan ang iyong awa magpakailanman. Siya nawa.

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ARAW

Diyos at Panginoon ng mga Espiritu ng Ikasiyam ba Koro na pinanganlang Anghel, na


itinalaga sa mga tao at inutusan Mong umakay at mag-ingat sa bawat isa sa mga daang patungo
sa langit. Iniaalay ko sa iyo ang mga karapatan nitong maamong espiritu at ng maluwalhating
Prinsipeng si San Miguel, na namumuno sa kanila sa paglingap at pagkalinga sa buong
sangkatauhan. Ako ay kasihan Mo ng Iyong awa at laging iadya sa pagkakasala at pagkalooban
Mo ng kalinisan ng mga Anghel, upang maging kapalaran ko, pagtatamo ng kaluwalhatian sa
langit at ang maliwanag na panonood, at lubos na pagsinta sa iyo magpakailanman. Siya nawa.

Namumuno: Sa kapurihan ng siyam na Koro sa langit.


(dasalin ng siyam (9) na ulit ang Ama namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati)
Namumuno: Sandaling tumahimik at hingin ang mga biyayang nais makamtan sa tulong ni San
Miguel sa pagsisiyam na ito.

You might also like