You are on page 1of 16

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Laging Handa!
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Laging Handa!
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Hazel Ann D. Aquino
Co-Awtor - Content Editor : Herminia D. Lobo
Co-Awtor - Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani
Co-Awtor - Illustrator : Reicy L. Due
Co-Awtor - Layout Artist : Gelliza Z. Quiambao

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Miralou T. Garcia, EdD
District SLM Language Reviewer : Ma. Luisa R. Bacani

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP/ Values : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano
Division Book Designer : Rommel M. Magcalas

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Laging Handa!
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga impormasyon upang


maisaalang-alang ang mga salik na dapat tandaan sa
pagkakaroon ng ligtas na pamayanan at maisabuhay ang
pagiging handa sa anumang darating na sakuna at kalamidad.
Matapos ang modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa
pamamagitan ng pagiging alerto at handa sa sakuna o
kalamidad (Esp3PPP-III-18)
1.1 Naisasaalang- alang ang mga salik na dapat tandaan sa
pagkakaroon ng ligtas na pamayanan
1.2 Naisasabuhay ang pagiging handa sa anumang darating
na sakuna at kalamidad

Subukin

Sagutan ang puzzle na tumutukoy sa mga sakuna at kalamidad.


Isulat ang sagot sa sulatang papel.

Mga Sakuna at Kalamidad Pahalang:


2. Mataas na tubig na
natatakpan ang lupa
3. Kayang tupukin ang mga
bagay at mga ari-arian
4. Isang malaking alon matapos
ang pagyanig ng lupa
Pababa:
1. Pagtibag ng lupa dulot ng
sunod-sunod na pag-ulan
2. Nagdadala ng malakas na
hangin at ulan
5. Paggalaw ng lupa
1
Aralin

1 Laging Handa!

Ang ating panahon ngayon ay pabago-bago, hindi natin alam


kung kailan dadating ang mga kalamidad at kung kailan
makakaharap ang mga sakuna kaya dapat tayong maging laging
handa sa lahat ng oras.
Ang pagiging handa ay napakahalaga upang maiwasan ang
aksidente, pagkasira ng ari-arian at panganib sa ating buhay.
Mababawasan ang ating alalahanin kung tayo ay nakapaghanda
na bago dumating ang anumang sakuna.

Balikan

Pag-aralan at isulat sa sagutang papel kung ano ang ibig sabihin


ng mga sumusunod na batas trapiko. Piliin ang sagot mula sa loob
ng kahon at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Bawal bumusina Bawal tumawid


Bawal pumarada Ginagawa ang kalsada
Tawiran ng hayop

1. 2. 3.

___________ ___________ ___________


4. 5.

___________ ___________
2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay nagpapakita ng impormasyon upang
maisaalang-alang ang mga salik na dapat tandaan sa
pagkakaroon ng ligtas na pamayanan at maisabuhay ang
pagiging handa sa anumang sakuna at kalamidad.

Tuklasin
Basahin ang usapan nina Bimbo at ng kaniyang nanay sa ibaba.

Araw ng Lunes habang nanonood ng telebisyon si Bimbo, narinig


niyang may paparating na malakas na bagyo.
Bimbo: Nanay, may paparating daw pong malakas na bagyo.
Nanay: Naku, Bimbo mabuti na lang at napanood mo ang balita
tungkol sa lagay ng panahon. Nag-aaya kasi ang iyong
kapatid na mamasyal sa parke bukas.
Bimbo: Mainam nga po na huwag na kayong tumuloy at
paghandaan na lang po natin ang darating na bagyo.
Nanay: Tama ka, mahalaga na maging handa tayo sa anumang
kalamidad na darating.
Bimbo: Kung gayon, ano po ang ating gagawin?
Nanay: Kailangan muna nating ihanda
ang mga kagamitan na maaari
nating gamitin kapag may
bagyo. Kumuha ka ng isang
emergency bag at doon natin
ilalagay ang mga ito.
Pagkatapos ay magtungo ka sa
ating silid imbakan at kuhanin na
ang mga kagamitan.

3
Dali-dali siyang nagtungo sa silid na imbakan ng mga gamit upang
kuhanin ang mga gagamitin nila sa paghahanda sa paparating
na bagyo.

Ano- ano kaya ang mga kagamitan na kukuhanin ni Bimbo?


Halika, tulungan natin siya. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.

1. Ano-ano ang mga gamit na kaniyang kakailanganin? Iguhit


ang mga ito sa loob ng bag?
2. Sa iyong palagay tama ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
3. Anong katangian mayroon si Bimbo?
4. Kung ikaw si Bimbo, ganun din ba ang iyong gagawin? Paano
mo ito isasagawa?
5. Bakit mahalaga na lagi dapat maging handa tuwing may
sakuna o kalamidad?

Suriin
Pag-aralan ang mga larawan na nagpapakita ng kahandaan sa
panahon ng sakuna o kalamidad.

Bago Habang Matapos ang


Bago bumagyo
bumaha bumabaha baha

4
Kapag lumilindol

Bago ang Tsunami

Pagkakaroon ng Di pangkaraniwang taas Mataas na alon sa


malakas na lindol ng tubig at pagkawala ng dagat
tubig sa dalampasigan

Ginagawa mo ba ang mga ito bago, habang at pagkatapos ng


isang sakuna o kalamidad?
Mahalaga na maging handa sa lahat ng oras lalo na kung may
paparating na kalamidad o sakuna. Bilang bata, may magagawa
ka upang manatili kang ligtas. Kailangan mong isaalang-alang
ang mga salik na dapat gawin tuwing may kalamidad o sakuna
upang manatiling ligtas hindi lang iyong sarili kundi pati na rin ang
buong pamayanan.
Malaki din ang maitutulong ng mga samahan tulad ng National
Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at
mga nanunungkulan sa isang pamayanan sa pagtuturo o
pagbibigay ng impormasyon.
Ang pamamahagi ng mga babasahin, pagpapaskil ng babala at
pagdidikit ng poster o karatula tungkol sa pag-iingat ay ilan
lamang sa dapat gawin upang maging ligtas ang mga
mamamayan.

5
Pagyamanin
Gawain 1: Pag-aralan ang mga larawan at piliin ang nagpapakita
ng ligtas na pamayanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pamilya ni Mang Lito ay nakatira sa paanan ng bundok.


Narinig nila sa balita na posibleng magkaroon ng landslide dahil
sa malakas na pag-ulan.

A B

2. Isang malakas na bagyo ang paparating. Ano kaya ang


gagawin ng pamilya ni Aling Maya?

A B

3. Hindi natin alam kung kailan darating ang lindol kaya bilang
paghahanda, ano ang maaari mong gawin sa iyong
pamayanan?

A B

6
4. Mahalagang malaman ang mga impormasyon tungkol sa mga
kalamidad at sakunang maaaring dumating at ang mga dapat
gawin bilang paghahanda.

A B

5. Nasa loob ng bahay ang pamilya Santos nang biglang lumindol.

A B

Gawain 2: Isulat mo sa loob ng kabute ang letra ng mga dapat


tandaan upang maging ligtas sa anumang kalamidad o sakuna.
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
A. Pagdadala ng payong kung
makulimlim ang panahon.
B. Pumunta sa ilalim ng puno kung
lumilindol.
C. Paghahanda ng emergency bag
upang magamit sa panahong
kailangan ito.
D. Paghahanda ng malinis na tubig na
maaaring inumin.
E. Pag-aayos ng mga tuklap na kuryente.
F. Pananatili sa baybaying dagat
matapos ang malakas na lindol.
G. Alamin agad ang papalabas kung
ikaw ay nasa gusali.

7
Isaisip
 Ang pagiging ligtas ang unang dahilan kung bakit
kinakailangan nating maging laging handa.
 Mapapanatag ang ating isip at magiging mahinahon tayo sa
panahon ng sakuna o kalamidad kung maiaayos natin at
masisinop ang ating mga kagamitan, ari-arian at ang ating
sarili.
 Maiiwasan din sa ating pamayanan ang malaki at
malawakang pagkasira ng mga istruktura.

Isagawa
Gumuhit o gumupit ng larawan sa isang lumang diyaryo o magasin
na nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng mga salik na dapat
tandaan sa pagkakaroon ng ligtas na pamayanan. Idikit ito sa
iyong sagutang papel at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Nagpapakita ba ang larawan ng isang ligtas na


pamayanan? Ipaliwanag.
2. Dapat ba nating isabuhay ang mga ito? Bakit?

8
Tayahin
Lagyan ng bulaklak ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng pagiging handa at dahon ( ) naman kung hindi.
1. Inilipat ni Carding ang kaniyang alagang baka sa ligtas na lugar
bago dumating ang bagyo.
2. Mag-imbak ng mga pagkain na hindi madaling masira o
mapanis tulad ng delata o mga pinatuyong isda.
3. Makibalita na lang sa kapitbahay kung ano ang lagay ng
panahon.
4. Lumikas agad sila Empoy nang makita nila ang rumaragasang
tubig na nagmumula sa taas ng bundok.
5. Tuwang-tuwang kinuhanan ng larawan ni Jose ang malalaking
alon matapos ang lindol.

Karagdagang Gawain

Naranasan mo na ba ang isang sakuna o kalamidad? Ano-ano


ang mga ginawa mong paghahanda? Isulat sa mga talulot ng
bulaklak ang iyong sagot.

Tagumpay! Binabati kita dahil natapos mo ang aralin na ito. Alam


mo na ang mga dapat mong gawin sa panahon ng sakuna o
kalamidad.

9
10
Karagdagang Tayahin: Isagawa:
Gawain:
- depende sa sagot
1.
- depende sa sagot ng mag-aaral
2.
ng bata
3.
4.
5.
Pagyamanin: Pagyamanin: Balikan: Subukin:
Gawain 3 Gawain 1
-Pagdadala ng 1. x 1. Bawal tumawid
Pahalang
2. x 2. Ginagawa ang
payong kung 2 BAHA
3. / kalsada
makulimlim ang 3. Bawal bumusina 3 SUNOG
4. x
panahon. 4. Bawal 4 TSUNAMI
5. /
-Paghahanda ng pumarada
emergency bag 5. Tawiran ng Pababa
Gawain 2
upang magamit sa 1. A hayop 1 LANDSLIDE
panahong 2. B 2 BAGYO
kailangan ito. 3. A 5 LINDOL
Tuklasin:
-Paghahanda ng 4. A
malinis na tubig na 1. Flashlight, mga
gamot,
maaaring inumin.
sardinas, tubig,
-Pag-aayos ng mga
pito, lubid,
tuklap na kuryente. cellphone,
-Alamin agad ang radyo
papalabas kung 2-4 Depende sa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education,2016. K to 12 Gabay Pangkurikulum
Edukasyon sa Pagpapakatao
Caraan, Maria Carla, Rolan Catapang, Rodel Castillo, Portia
Soriano, Rubie Sajise, Victoria Ambat, and Violeta
Roson. Edukasyon Sa Pagapapakatao 3 Patnubay Ng Guro..
1st ed., 2013.

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like