You are on page 1of 4

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

Poblacion II, Malinta, Valenzuela City

PANGALAN: Valencia, Angel Joy C. STRAND/SEKSYON: ABM 11-3

ANIM NA SABADO NG BEYBLADE


ni Ferdinand P. Jarin

I. MAY-AKDA
Isang manunulat, musikero at guro si Ferdinand P. Jarin na nakatira
sa Cembo, Makati na kasalukuyan nagtuturo ng asignaturang Agham
Panlipunan at Filipino. Kabilang sa samahang The Writters lock, KATAGA
at Neo-Angono Artist Collective.
Natanggap n’ya ng tatlong ulit ang Don Carlos Memorial Award
Literature bilang parangal sa mga akdang; Dulang may Isang Yugto
(Sardinas 2001), maikling kwento (Anim na Sabado ng Beyblade 2005) at
Sanaysay (D’Pol Pisigan Band, 2010).
II. BUOD
Tuwing araw ng Sabado, nakikipagkita si Rebo sa kanyang Taytay
Habang buhat-buhat ang anak ay sabay nilang tinatahak ang daan
patungo sa tindahan ng beyblade at sasalubungin sila ng matamis na
ngiti ng tindero na para bang alam na nito ang pakay ng mag-ama.
Kasabay ng pagbaba sa bisig ng kanyang ama, ay ang s’yang pagpili ni
Rebo sa bagong beyblade. Kahit na natatalo sa mga kalaro ay hindi
nawawala ang interes ni Rebo sa laruang beyblade.
Isang linggong nilagnat si Rebo at wala ni isa sa mga doctor at
klinika ang makapagsabi ng tiyak na kalagayan ng bata. Acute
Lymphocytic Leukemia at hindi simpleng lagnat, sipon o ubo ang
karamdaman ni Rebo. Kailangang n’yang sumailalim sa mahabang
panahon ng gamutan, Induction, Consolidation, Maintenance. Ang
masayahing mukha ng bata ay napalitan ng pasa at maging ang
kanyang buhok na nalalagas na.
Hindi tumigil sa paghingi ng tulong ang kanyang ama lalo na sa
aspetong pinansyal sa pag-asang babalik sa dating sigla ang kanyang
bunso at gagaling ito. Hanggang sa dumating na sila sa Maintenance
Stage kung saan isang beses na lamang babalik si Rebo sa ospital para
magpa-chemo. Unti-unti bumalik sa normal ang lahat. Sumasama na si
Rebo sa paghatid at sundo sa kanyang ate Kala, makikipaglaro at
nakakapanood na sya ng pambatang palabas sa telebisyon.
Disyembre ng nakawin na naman ng balitang malubha muli ang
leukemia ni Rebo ang kasiyahang nararamdaman ng mga nagmamahal
sa bata. Ang mga paghihirap na nalampasan na sana ay tila ba
nawalan ng kabuluhan dahil kailangan na naman nilang bumalik sa
umpisa. “ Uwi na ‘ayo ‘tay! Ayaw o na a uspi-al. Di o na aya.” ( Uwi na
tayo Tay. Ayaw ko na sa ospital. Di ko na kaya.) Iyan ang mga salitang
sinabi ni Rebo sa ama na naging dahilan ng tuluyang pagpapatigil nito
sa gamutan ng bunsong anak.
Unang sabado, pinagdiwang nila kasama ang maraming tao ang
kaarawan ni Rebo. Na kahit hindi pa iyon ang mismo nyang kaarawan ay
ginawa nilang magarbo at punong puno ng saya ang araw na iyon. Ang
mga sumunod pang sabado ay naging makabuluhan sa mag-ama, sa
kabila ng matamlay ng pangagatawan makikita naman ang kasiyahan
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City

sa mga mata ni Rebo. Sa mga panahong hindi na n’ya magawa pang


maglaro, nanatili sa kanyang mga kamay ang beyblade na paborito nya
sa lahat. Ika-anim at huling sabado, wala na si Rebo. Wala na ang
Beyblade at ang may-ari nito. Wala ng paghihirap pa, walang sakit,
maglalaro lang ng maglalaro.
III. PAGSUSURI
 Pamagat
“Anim na Sabado ng Beyblade” ang kwentong ito ay tungkol sa
pakikipaglaban ni Rebo sa sakit na leukemia. Isang batang mahilig sa
iba’t ibang uri at kulay ng beyblade.
Sa kadahilanang nais isalaysay ng may-akda ang mga
kaganapan sa huling anim na sabado ni Rebo bago s’ya pumanaw
pinamagatan nya itong “Anim na Sabado ng beyblade”.
 Tauhan
Isang apat na taong gulang ang pangunahing tauhan sa kwento
na nagngagalang Rebo. Malambing na bata at bunsong anak si Rebo
na mahilig maglaro ng ibat’ibang uri at kulay ng beyblade. Larawan sya
ng isang masayahing bata na nakapagbibigay ng kasiyahan sa mga tao
sa kanyang paligid. Sa murang edad ay nakipaglaban na sya sa
leukemia.
Makikita sa katauhan ng taytay ni Rebo ang isang mapagmahal at
responsableng ama. Pinatunayan nya na hindi sagabal ang pagiging
hiwalay sa asawa upang hindi magampanan ang tungkulin ng isang
ama. Sa paraan ng kanyang pananalita makikita ang isang tipikal at
karaniwang mamamayan pinakita nya ang katotohanan at
kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan.
 Tagpuan
Ang tindahan ng beyblade ang isa sa mga naging tagpuan ng
kwento. Ito ang lugar kung saan pumipili ng bagong beyblade si Rebo na
syang bibilhin ng kanyang ama.
Sa kanilang bahay kasama ni Rebo ang kanyang ina at ate Kala.
Saksi ang lugar na ito sa naging takbo ng buhay ni Rebo.
Ang ospital naman ay maituturing na pangalawang tirahan ni
Rebo. Saksi ito sa pagiging matatag ni Rebo habang nakikipaglaban sa
kanyang karamdaman.
 Balangkas ng Pangyayari
Simula
Ang paglalaro ng beyblade ang libangan ni Rebo. Tuwing sabado,
ang araw ng pagkikita nila ng kanyang taytay, ay hindi n’ya malilimutan
na magpabili ng paboritong laruan.
Saglit na Kasiglahan
Hilig ni Rebo na makipaglaro gamit ang beyblade, at sa tuwing
matatalo mas pag bubutihan pa nya sa susunod. Ngunit kasabay ng
bawat saya ay ang s’yang pagdating ng pinakamalaking dagok sa
buhay ni Rebo at ng kanyang pamilya. Unti-unti na palang nakapasok
ang leukemia sa kanyang katawan.
Kasukdulan
Acute Lymphocytic Leukemia na mas kilala sa tawag na ALL ang
sakit na pilit nilalabanan ni Rebo. Kasama nya ang kanyang pamilya lalo
na ang kanyang taytay na higit na nahihirapan sa tuwing nasasaktan
ang kanyang bunsong anak. Napakaraming eksaminasyon at laboratory
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City

ang pinagdaanan ni Rebo. Hindi mabilang na pag-iyak at sigaw ang


lumipas bago nila marating ang huling bahagi ng kanyang gamutan.
Pinayagan ng umuwi si Rebo. Nagagawa na nyang buhay sa dati
nyang pamumuhay. Sa parte ng buhay nya na hindi pa s’ya inaalipin ng
karamdaman. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, ang sakit na
akala nila’y wala na, nandyan pa pala. Lahat ng gamutang nangyari ay
para bang nabalewala dahil kailangan na naman nilang mag-umpisa.
Kakalasan
Sobrang nasaktan ang pamilya ni Rebo dahil sa balitang ito.
Gustuhin mang ipagpatuloy ng kanyang taytay ang gamutan sa pag-
asang gagaling pa ang bata, hindi na kaya ni Rebo. Ang magagawa na
lamang ng kanyang pamilya ay gawing makabuluhan ang mga susunod
pang araw na magdadaan. Hindi matatapos ang isang Sabado ng hindi
masaya si Rebo. Hindi man magawang ngumiti ng kanyang labi ay
nakikita naman sa kanyang mata ang labis na kasiyahan.
Wakas
Sa ika-limang Sabado nasabi ng kanyang taytay na “ Sige na ‘Bo.
Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” Tuluyan ng
namaalam ang batang mahilig sa beyblade pagsapit ng ika-anim na
Sabado.
 Tungalian
Umikot ang kwento sa pakikipaglaban ni Rebo sa sakit na
leukemia. Ito ay mauuri sa tunggaliang tao laban sa sarili.
 Magandang kaisipan o pahayag
“Sige na ‘Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”
Sa aking pananaw, napakita sapamamagitan ng pahayag na ito kung
gaano kaikli ang buhay. Na walang pinipiling edad o estado sa buhay
ang kamatayan. May mga bagay o pangyayari na dumadating ng hindi
inaaasahan.
 Simula at wakas
Inumpisahan ng may-akda ang kwento sa pagsasalaysay kung
paanong ang isang maliit na laruan ay nakakapagdulot nan g labis na
kasiyahan sa isang bata. Ang paglalaro ng beyblade ang naging
libangan ng pangunahing tauhan sa kwento. At nagwakas ito ng
hinayaan nilang makasama ni Rebo ang kanyang beyblade sa lugar na
pupuntahan nya pagkatapos ng kamtayan. Sa kwento makikita kung
paano napanatili ng may-akda ang kabuluhan ng isang maliit na bagay
mula simula hanggang wakas.
Ang mga salitang ginamit ay napakadaling unawain at
napakalinaw. Detalyado ang pagkakapahayag na nagdulot ng
pagkabuo ng ibat-ibang imahe sa ating imahinasyon.
 Epekto sa Mambabasa
Sa pamagat pa lamang ay nakuha na ng kwento ang aking
atensyon hanggang sa hindi ko namalayan tuluyan na akong nadala ng
kwento. Dahil sa detalyadong pagsasalaysay ng may-akda parang
nasaksihan mismo ng dalawa kong mata ang mga pangyayari.
Nagawang iparamdam sa akin ng may-akda ‘yong sakit na
nararamdaman ng mga tauhan.
Napuno ng lungkot ang aking puso at ng maraming “paano kung”
ang aking isip. Tiniyak ng may-akda na hindi matatapos ang kwento
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Poblacion II, Malinta, Valenzuela City

pagnabasa mo na ang mga huling salita dahil mananatili ito sa isipan ng


mga mamabasa.
 Konklusyon
Isa sa mga napagtanto ko, wala tayong kontrol at kasiguraduhan
sa mangyayari bukas. Gaano man natin kagusto na magkaroon ng
masayang buhay may mga pangyayaring dadating para subukin kung
hanggang kailan natin kayang maging masaya, hanggang kailan natin
kakayaning maging matatag. Pero isa sa magandang katangian ng
kwento, pinakita nito ang katotohanan na sa kabila ng napakaraming
pagsubok mayroon paring mga tao na susuporta at dadamay sa atin.
Sa katauhan ni Rebo pinakita ng may-akda na kaya nating
maging masaya kahit hindi maganda ang sitwasyong kinabibilangan
natin. Sa katauhan naman ng ama ni Rebo nakita ang pagmamahal ng
magulang sa anak. Nanatili syang matatag sa kabila ng lahat.
 Aral
Masasabi kong nais ng kwento na matuto tayong pahalagahan
ang buhay dahil hindi natin alam kung hanggang kalian tayo mananatili
rito sa mundo. Bigyan natin ng pansin yung mga maliliit na bagay na
nagbibigay sa atin ng kasiyahan katulad ng kung paanong nalilibang si
Rebo sa paglalaro ng beyblade. At higit sa lahat mahalin at bigyang
importansya ang mga tao sa paligid natin.

You might also like