You are on page 1of 1

Ang Matsing at Ang Pagong

Noon, may isang matsing na mahilig magtago ng saging sa butas .

Isang araw , galit na galit ang matsing .

“Sino ang kumain ng mga saging na inilagay ko sa butas na ito ?” tanong ni


matsing.

“Aw aw aw! Hindi ako!” sagot ng aso .

“Aba, hindi rin ako!” sambit ng pusa .

“Twit, twit…. Ang pagong ang kumain ng iyong mga saging .” sabi ng ibon

Hinanap ng matsing ang pagong . Nakita niya itong nagtatago sa likod ng dahon

ng saging .

“Bakit mo kinain ang mga saging ko?” tanong ni matsing .

“Kasi nagutom ako. Pasensya ka na.” sagot ni pagong .

“Ihahagis kita sa apoy ,” pagbabanta ni matsing .

“Salamat. Gaganda ako kapag nainitan ng apoy ,” wika ni pagong .

“Aha! Iyan pala ang sikreto mo! Kung gayon, hindi na kita ihahagis sa apoy ,” sabi ni
matsing .

“Saan? Saan mo ako ihahagis?” tanong ni pagong .


“Sa ilog . Tama, sa ilog kita ihahagis,” wika ni matsing .

Sumagot naman si pagong , “Naku, wag po! Hindi ako marunong lumangoy. Malulunod
ako.”
“Hindi! Ihahagis na kita! Isa 1…dalawa 2…tatlo 3” sigaw ni matsing .

Natawa si pagong , “Ha ha ha ! Salamat, Ginoong Matsing .


Ang tubig ang aking tirahan . Paalam!”

You might also like