You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

Bayan ng Imus, Lalawigan ng Cavite ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si, JULIE ANNE MARIE I. TEVES, na nasa


wastong gulang, may asawa, pilipino at kasalukuyang
nakatira sa B18 L02 Malagasang 1-D Imus Cavite, matapos
makanumpa ng sang-ayon sa batas ay ang nagpapahayag
ng mga sumusunod:

1. Na ako’y isa sa naging saksi sa isang pangyayari


habang ako ay nakasakay sa aming sasakyan na
minamaneho ng aking asawa na naturang
nagrereklamo sa kasong ito.

2. Na Noong August 26, 2023 sa ganap na 01:15 ng


Hapon, Habang binabaybay namin ang Malagasang
Road Papunta sa Malagasang Farm Market Road,
kami ay huminto at tumingin sa kalsadang papuntang
Alapan, noong kami ay nakasigurado, na ito’y klaro
na at wala nang dumadaang sasakyan, ay dahan
dahan naming tinahak ang kaliwang bahagi ng
kalsada papuntang open canal.

3. Noong kami ay nasa gitna na mismo ng kalsada sa


kanang bahagi ng daan papuntang alapan ay
sinigurado parin naming klaro ang daan. At nang
kami ay nakasigurado na sa aming pagsilip, ay agad
naman naming sinilip ang tatahaking daan papuntang
kaliwang bahagi ng daan papuntang open canal.

4. Habang dahan-dahan na naming tinatahak ang daan


papuntang kaliwang bahagi ng kalsada ay biglang
may bumangga saaming sasakyan na minamaneho ni
Rene Vidal Salvacion. Dahil sa matinding pag-bangga
at bilis ,pilit niyang pinihit ang kanyang sasakyan
papuntang kanang bahagi ng kalsada sa
magkaparehong linya.

5. Agad ko namang napansin na ang kanyang gulong ay


sumabog at samakatuwid ang kanyang handbreak ay
nasira. Makikita sa mga larawan na kami po ay hindi
bumangga sa kanyang sasakyan, samakatuwid ang
kanyang pagpupumilit na pagpihit papuntang kanang
bahagi ng kalsada ay ang naging dahilan ng
pagkakaroon ng sira ng imahe ng parte ng kanyang
kotse. Kasi kung hindi nya pinihit pakanan ang
sasakyan, siya ay magtatamo ng malubhang
insidente sa gawing kaliwa ng kalsada.

6. Malinaw na basehan ang litrato upang malamang


kung ano ang nangyari sa mga oras na iyon.

7. Magkagayunman, ako’y nagsusumamo sa kagalang


galang na piskal na kami ay dinggin sa paraang kami
ay naging biktima ng isang insidente, na kami ay
sumunod na naayon sa batas trapiko.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ito ay aking nilagdaan at


sinumpaan ngayong ika-31 ng Agusto, taong 2023, dito sa
Bayan ng Imus Lalawigan ng Cavite.

JULIE ANNE MARIE I. TEVES


Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN, sa harap ko ngayong


ika-31 ng Agusto taong 2023 dito sa Bayan ng Imus
Lalawigan ng Cavite.

PINATUTUNAYAN ko rin na ang nasabing


SINUMPAANG SALAYSAY ay kusang loob na ginawa at
nilagdaan ni JULIE ANNE MARIE I. TEVES
.

ASSISTANT CITY PROSECUTOR

You might also like