You are on page 1of 20

DEPARTMENT : SHS

PROGRAM : GRADE 11
COURSE : PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
COURSE CODE : FIL 2

I. INSTITUTIONAL VISION:
To become the leading institution for professional development and the first and foremost provider
of quality, affordable and sustainable development education.

II. INSTITUTIONAL MISSION:


To provide quality and excellent global education for the total development of a responsible,
innovative, skilful and professional global workforce whose values and dignity are beyond par.

III. CORE VALUES:


St. Clare College of Caloocan aims to foster distinction and excellence in all the endeavors of the
school community members. All stakeholders are envisioned to be imbued with enduring core
values which define and shape the central beliefs and character of every genuine Clarean student,
employee and administrator within and beyond the premises of the academic institution.

Hereafter are the core values of St. Clare College:

1. Star that Shines


All members of the school community are encouraged to exemplify remarkable standards in
attaining excellence in every aspect of life, making them role models who possess the values and
character that are worth emulating.

2. Truthfulness
Truthfulness is characterized by embracing honesty in thoughts, words and deeds of all concerned
individuals who are part of the school community.

3. Compassion
Selflessness and genuine concern for others are instilled in Clareans through constant exposure to
various academic, extracurricular and co-curricular activities that will bring out their
compassionate attribute.

4. Love
Love for oneself, for others and for noble causes are pivotal in cultivating a well-rounded
individual who embodies unwavering desire and sustained commitment in undertaking

5. Amiable
Displaying a friendly disposition and pleasant attitude towards other people inspires positive
rapport and desirable outcomes.

6. Righteousness
All concerned members are expected to uphold the ideals and moral principles of the institution as
a reflection of their integrity and dignity.

7. Ever Loyal
Remaining steadfast to the ideals and good name of the institution is a desirable impression
ingrained in the minds and hearts of all the members of the school community.

IV. INSTITUTIONAL OUTCOMES:

1. Intellectual Creativity, Critical Thinking and Innovativeness


Graduates can use their imagination as well as their rational thinking abilities and innovation, in
order to adopt and adjust to the changing needs of the times both nationally and globally.

2. Effective Communication
Graduates are proficient and skillful in the four areas of communication: reading, writing, listening
and speaking. They can use their skills in solving problems and articulating their thoughts when
engaging with people in various situations.
3. Leadership Effectiveness and Managerial Skills
Graduates are developed to become the best professionals in their respective specializations by
imploring leadership competencies, managerial skills and technical know-how.

4. Sense of Nationalism and Global Responsiveness


Graduates are nationalists and respect the values of global citizenship.

5. Personal and Professional Ethical Standard of Excellence


Graduates demonstrate desirable strength of character and attitudes in their personal and
professional endeavours.

6. Quality Service and Collaboration


Graduates exemplify the potentialities of an efficient, responsible and well-rounded professional
committed to quality service, honest toil and collaboration.

7. Adeptness in the Use of Information Communication Technology (ICT) Modern Facilities


Graduates are skillful and knowledgeable in the use of digital learning devices/facilities, including
technical and numerical skills.

8. Community Engagement
Graduates assume an active role in organizing projects, programs and activities to help and
advance the interest and welfare of the people in their respective communities.

9. Passionate to Perpetual Learning


Graduates are committed to continually advance their knowledge and technical skills in order to
keep themselves abreast to the needs and challenges of their profession, both nationally and
globally.

10. Strong Sense of Spiritual and Moral Values


Graduates are morally and spiritually upright in their day to day undertakings.
V. DESKRIPSYON NG KURSO

Ang kurso na ito ay nakapokus sa pagpapaunlad ng kakayahan sa kritikal na pagbasa at pagsusuri


ng iba’t ibang teksto na gagamitin ng mag-aaral upang makabuo ng makabuluhang pananalksik sa
mga piling paksa sa iba’t ibang larangan. Naglalaman ito ng mga napapanahong sanaysay,
talumpati, maikling kuwento, tula at iba’t ibang paraan ng komunikasyon sa social media na
magpapatalas sa kakayahang magsuri ng mga mag-aaral sa mga napapanahong isyung panlipunan.
Sa kurso ng pag-unawa, layunin ding madebelop ng mga Gawain ang iba’t ibang kasanayang
komunikatibo gaya ng panunuring diskoral at istratedyik.

VI. MGA INAASAHAN SA KURSO

Ang mga mag-aaral ay inaasahang;


1. Mahasa sa kasanayan sa kritikal na pagbasa, pagsusuri, at pagsulat sa iba’t ibang teksto.
2. Pinalalakas ng asignaturang ito ang koloborasyon sa halip na kompetisyon.
3. Binibigyang-kapangyarihan ang mga mag-aaral na tumuklas ng kaalaman batay sa sariling interes
at kakayahan, sa gabay ng mga guro.
VII. PLANO SA KURSO

TIME TABLE NILALAMAN/PLANO SA KURSO


LINGGO 1-4 ARALIN 1- BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA
ARALIN 2- ANTAS NG PAGBASA
ARALIN 3- TEKSTONG IMPORMATIBO
ARALIN 4- TEKSTONG DESKRIPTIBO
UNANG BUWANANG PAGSUSULIT
LINGGO 5-8 ARALIN 5- UNANG BUWANANG PAGSUSULIT
ARALIN 6- TEKSTONG PERSWEYSIB
ARALIN 7- TEKSTONG NARATIBO
ARALIN 8- TEKSTONG ARGUMENTATIBO AT PROSIDYURAL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
LINGGO 9-12 ARALIN 9- UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
ARALIN 10- KAHULUGAN AT KATANGIAN NG MABUTING PANANALIKSIK
ARALIN 11- KATANGIAN NG ISANG MANANALIKSIK AT PAGPILI NG PAKSA
ARALIN 12- PAGTALAKAY SA BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL
PANGALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT
LINGGO 13-16 ARALIN 13- PANGALAWANG BUWANANG PAGSUSULIT
ARALIN 14- HANGUANG PRIMARYA, SEKUNDARYA AT ELEKTRONIKO
ARALIN 15- PARAAN SA PAGSULAT NG BIBLYOGRAPIYA AT PAGGAMIT NG
INTERNET BILANG HANGUAN NG IMPORMASYON
ARALIN 16- HANGUAN NG IMPORMASYON AT PANGANGALAP NG DATOS
LINGGO 17-18 ARALIN 17- PAGSULAT NG BORADOR AT PAGSASAAYOS NG
DOKUMENTASYON
ARALIN 18- PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
PANGALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

I. SANGGUNIAN:
1. PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Awtor: Crizel Sicat-De Laza Koordineytor: Aurora E. Batnag
Inilathala at ipinamahagi ng: REX BOOK STORE Unang Edisyon
2. PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Awtor: Marijane M. Obispo at Ryan C. Rivera
Koordineytor: Leonara Dela Cruz-Oracion
Inilathala at ipinamahagi ng: INNOVATIVE EDUCATIONAL MATERIALS, INC.
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Inihanda ni: Anna Marie Ceria-Ibiel


ARALIN 1 BATAYANG KAALAMAN SA
MAPANURING PAGBASA
LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahan ang mga mag-aaral na:

• Natutukoy ang kahulugan at pangunahing layunin ng mapanuring pagbasa;


• Natutukoy ang mga uri at antas ng mapanurin pagbasa;
• Natutukoy ang pagkakaiba ng scanning at skimming; at
• Naisasagawa ang scanning at skimming sa pagbasa ng teksto

BATAYANG KAALAMAN SA MAPANURING PAGBASA

"Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang
pangarap, upang matuto, Magbasa ka upang mabuhay” Winika ito ni Gustave Flaubert, isang
manunulat na Pranses na siyang nagpaunlad ng realismong pampanitikan sa Pransya at sumikat sa
kanyang akda na Madame Bovary (1857). Ang pananaw na ito ay nagpapahiwatig na bukod sa mga
layunin ng pagbasa upang malibang at matuto, mas malalim at malawak pa ang naibibigay ng gawaing
ito. Sa paglalarawan ni Flaubert, ang pagbabasa ay upang mabuhay. Ibig sabihin, mahalaga ang
proseso ng asimilasyon ng anomang binabasa sa buhay ng isang tao. Maaaring ipakahulugan na ang
asimilasyon ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa binabasa o kaya'y paglalapat ng natutuhan
aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa. Ngunit mas malalim pa sa paglalapat o aplikasyon ang layunin
ng asimilasyon bilang pinakamataas na antas ng pagbasa. Sa pamanahon nito, nababago ang
pagdanas at paghulma natin sa realidad. Hindi sapat na nakapagbibigay lamang ng impormasyon ang
isang teksto o kaya ay naaaliw tayo nito; bagkus, kailangang mabuhay tayo batay rito. Binibigyan tayo
ng pagbasa ng iba't ibang paraan kung paano unawain at susuriin ang mundo, at mula sa pagsusuring
ito, tinatangka nating baguhin ang realidad batay sa kung ano ang Ideyal.

Nalalaman natin ang ideyal sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba't ibang karanasan ng tao at lipunan
batay sa nababasa. Ganito ang nangyari kay Matilda, isang batang mahilig magbasa mula sa
kuwentong pambata ni Road. Inilarawan ni Road ang karanasan ni Matilda sa pagbasa bilang,
"Dinadala siya ng pagbabasa sa bagong daigdig at ipinakikilala sa mga nilalang na kagila-gilalas ang
naging buhay. Naglayag siya sa isang bapor kasama si Joseph Conrad, nagpunta sa Africa kasama si
Ernest Hemingway, at sa India kasama si Rudyard Kipling. Naglakbay siya sa buong mundo habang
nakaupo lamang sa loob ng kaniyang silid sa isang nayon sa Inglatera.

Dahil sa lawak at lalim ng pagbabasa ni Matilda sa murang edad pa lamang, natuklasan na niya ang
hungkag at mapanlinlang na pamumuhay ng mga magulang kung kaya't napagdesisyunan niyang
lisanin ang mga ito. Binago ni Matilda ang kanyang kalagayan batay sa kung ano ang "ideyal" na
itinuro sa kanya ng pagbabasa.
Kahulugan ng Pagbasa

PAGKUHA PAGKILALA PAG-UNAWA

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa ng mga nakaimbak o nakasulat na
impormasyon o datos. Ang pagbasa ay representasyon ng wika bilang simbolo na maeeksamen ng
mata o mahahawakan.

Ayon kay Goodman (1957, 1971, 1973): “Isang psycholinguistic guessing game ang pagbasa kung
saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipan na hinango sa tekstong
binasa.”

Ayon kay Coady (1979): “Upang lubusang maintindihan ang teksto, kailangang maiugnay ng tagabasa
ang dating alam sa kanyang kakayahang bumuo ng mga konsepto/kasanayan/kaisipan mula sa mga
naiprosesong impormasyon sa binasa.”

Ayon kay G. James Lee Valentine (2000): “Ang pagbasa ay ang pinakapagkain ng ating utak.”

Ayon kay Hank (1983): “Ang pagbasa ay ang pag-unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at
pagbibigay ng interpretasyon dito.”

Ayon kay Bond at Tinker (1967): “Ang pagbasa ay rekognisyon ng anumang nakasulat o nakalimbag
na mga simbolo na nagiging „stimuli‟ upang maalala ang kahulugan ng mga nakalimbag na kaalaman
o karunungan mula sa karanasan ng mga mambasa.”

Scanning at Skimming na Pagbasa

Ang scanning at skimming ay madalas na tinatawag na uri ng pagbasa ngunit maaari ding ikategorya
ang mga ito bilang kakayahan sa pagbasa. Ayon kay Brown (1994), ang dalawang ito ang
pinakamahalagang estratehiya sa ekstensibong pagbasa.

Ang scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong
impormasyon na itinatakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap
hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay
alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang
angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam o pagkaunawa na
sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga
libro O iba pang sanggunian.
Halimbawa, may pauna ka nang pag-unawa sa teorya ni Pierre tungkol sa konsepto ng "lehitimong
wika" at naisip mong mahalagang gamitin mo ito bilang teoretikal na gabay sa isang ginagawang
papel-pananaliksik tungkol sa patakarang pangwika sa Pilipinas. Kapag binasa mo ang akda ni Pierre
na naglalaman ng partikular na konsepto, hindi mo na kinakailangang basahin ang buong aklat, bagkus
ay hahanapin mo na lamang ang tiyak na bahaging tumatalakay sa konseptong nais mong malinawan.
Kadalasang ginagamit ang scanning na pagbasa sa mga larangang teknikal at propesyonal. Ginagamit
din ang pagbasang ito sa praktikal na buhay gaya ng paghahanap ng numero o address ng isang tao sa
direktoryo, kahulugan ng salita sa diksyonaryo, o kaya ay pagtiyak sa iskedyul ng eksamen o iba pang
aktibidad sa paarala

Ang skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang
teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw
at layunin ng manunulat. Mas kompleks ang skimming kaysa scanning dahil nangangailangan ito ng
mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang maunawaan ang
kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.

Ginagamit ang skimming kapag may pangkalahatang tanong tungkol sa isang akda. Nakatutulong ito
sa pagdedesisyon ng mambabasa kung magpapatuloy siya sa pagbasa at pagpapalalim sa isang akda
at kung anong uri ng pagdulog ang gagamitin kung babasahin pa niya ito nang mas malaliman Sa
skimming. nauunawaan ng isang ma aaral ang kabuluhan at kahulugan ng teksto kahit hindi inisa isa
ang kahulugan ng bawat salita at pahayag dito.

Ginagamit ang skimming bilang bahagi ng metodolohiyang Sops (Surveying. Questioning Reading,
Reviewing, at Reciting) kung saan mahalaga ang pagbuo ng inisyal na impresyon sa akda. Malaki ang
maitutulong ng skimming sa inisyal na pagbabasa ng mag-aaral tungkol sa isang paksa kung
nagsasaliksik. Upang maging sistematiko ang paghahanap ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura
tungkol sa paksa, makabubuti ang paggawa ng mga bibliyograpikal na anotasyon. Ang anotasyon ay
naglalaman ng maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda. Sa pamamagitan ng
mabilisang pagbasa nagkakaroon ng kabuuang pag-unawa ang mananaliksik sa mahahalagang
nilalaman at pangkalahatang impormasyon ng akda.
ARALIN 2 ANTAS NG PAGBASA
Antas ng Pagbasa

Primaryang Antas ( Elementary) - Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang
makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
impormasyon gaya ng;

1. Petsa
2. Setting
3. Lugar
4. Mga tauhan

Hal. Sa pagbasa ng maikling kwento, natutukoy ng mambabasa kung sino ang mga tauhan, katangian
nila, setting at ang pangyayari ng kwento.

Mapagsiyasat na Antas (Inspectional) - Sa antas na ito, nauunawan na ng mambabasa ang kabuuang


teksto at nakapagbibigay ng impresyon dito. Sa pamamagitan nito,nakapagbibigay ng mabilisan ngunit
makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto upang matukoy kung kakailanganin at kung maaari
itong basahin nang mas malalim.

- Maaring gamitin ang skimming sa antas na ito. Tinitingnan ng mambabasa ang;

1. Titulo
2. Heading
3. Subheading
Analitikal na Antas (Analytical) - Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag- iisip upang malalimang
maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito
ang;
1. Pagtatasa sa katumpakan
2. Kaangkupan
3. Kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Upang makamit ang analitikal na antas na pagbasa kailangang isagawa ng mambabasa ang
sumusunod:

1. Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.


2. Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may-akda.
3. Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang-linaw ng may akda.
4. Unawain ang mahahalagang terminong ginamit ng may-akda tungo sa pag-unawa ng kabuuang
teksto.
5. Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may akda.
6. Alamin ang argumento ng may akda.
7. Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may-akda ang suliranin ng teksto.
8. Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali, o naging ilohikal ang pagpapaliwanag
ng may-akda.
Sintopikal na Antas (Syntopical) na ang ibig sabihin ay “koleksiyon ng mga paksa.
-Tumutukoy sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto at akda na
kadalasang magkakaugnay.
Ano ang kaibahan ng sintopikal at analitikal?

Narito ang limang (5) hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa:


1. Pagsisiyasat. Mahalaga ang pagsisiyasat tungkol sa sintopikal na pagbasa. Kailangan mong
tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pag-aralan.
Mula sa mga ito, kailangang tukuyin kung ano ang mahahalagang bahagi na may kinalaman sa
pokus ng iyong pag-aaral.
2. Asimilasyon. Sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy mo ang uri ng wika at mahahalagang
terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan. Sa asimilasyon,
nagdedesisyon ka kung susuhay sa mga naunang terminolohiya ng may-akda o gagawa ng
sariling kategorisasyon.
3. Mga Tanong. Sa bahaging ito, tinutukoy mo ang mga katanungang nais mong sagutin na hindi
pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may-akda Kailangang iba ang mga tanong na ito sa
mga suliraning binuo ng mga naunang eksperto.
4. Mga Isyu. Lumilitaw ang isyu kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuo mong
tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binasang akda tungkol
sa partikular na suliraning ito. Kung malalim na naunawaan ang pagpapaliwanag ng mga
binasang akda, natatalakay mo nang maayos ang bawat panig at nakapagbibigay ka ng sariling
kongklusyon. Maaaring iba ang kongklusyon mo sa mga nauna nang eksperto. Ito ang nagiging
ambag mo sa pagpapa-unlad ng paksa.
5. Kumbersasyon. Ang pagtukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na pagbasa ay hindi ang
pangunahing punto at layunin sapagkat laging kuwestiyonable ang katotohanan. Ang halaga ng
pagkatuto ay nagmumula sa mayamang diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga eksperto,
kabilang na ang sarili. Sa kumbersasyon o pag-uusap, nag-aambag ka ng bagong kaalaman na
hindi inuulit ang sinabi ng mga naunang eksperto.
ARALIN 3 TEKSTONG IMPORMATIBO
LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahan ang mga mag-aaral na:

• Natutukoy ang kahulugan, layunin, paraan ng pagsulat at mga halimbawa ng tekstong


impormatibo.
• Natutukoy ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo

Ano ang teksto?

ito ay isang babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba't ibang tao o impormasyon tungkol
sa mga bagay- bagay.

Ang tekstong impormatibo ay tumatalakay sa mga kaisipan o mensaheng nais ipaabot ng may-akda. Naglalahad
ito ng impormasyon tungkol sa pagsusuri ng konsepto sa tulong ng mahahalagang datos- sa pagbibigay ng
mahahalagang impormasyon ay kinakailangan na ang mga ito ay natatangi at makatotohanan. Sa pamamagitan
ng paglilinaw at pagpapalawak ay mas mauunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman nito. Ito ay kanyang
natatamo sa pamamagitan ng masuring pananaliksik.

Layunin ng may akda

• Magpalawak ng kaalaman
• Maunawaan ang pangyayaring mahirap ipaliwanag
• Matuto ng maraming bagay
• Magsaliksik
• Maglahad

Layunin ng Tekstong Impormatibo

1. Pangunahing ideya- dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.


2. Pantulong na kaisipan- Mahalaga ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan upang
makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais maiwan sa kanila.
3. Mga estilo sa pagsulat
• Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
• Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
• Pagsulat ng mga talasanggunian
4. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan- Inilalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. (sino, ano, saan, kailan, paano)
5. Pag-uulat Pang impormasyon- nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop at iba pang bagay gayundin ang pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Global Warming
Cyberbullying
Masusing Pananaliksik
6. Pagpapaliwanag- Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
larawan
dayagram
flowchart
Nagpapakita ng sanhi at bunga

Pagsulat ng Tekstong Impormatibo


1. Pumili ng paksa- Pumili ng paksa kung saan ka may interes. Makatutulong ito nang malaki sapagkat
kawili-wili para sa iyo ang pagsasaliksik. Madali mo itong mauunawaan dahil interesado ka sa paksa. Isa
rin sa mga dapat mong isaalang-alang kung ang paksa ay napapanahon o may kaugnayan sa
kasalukuyang isyu. Nakatatawag ito ng pansing ng mga mambabasa dahil sa pagkaaşma ng mga paksa
sa panahon.
2. Paggamit ng Pangunahing ideya at Pantulong na Kaisipan- Mahalaga ang pangunahing ideya dahil dito
mo paiikutin ang buong nilalaman ng iyong tekstong impormatib. Dapat nagtataglay ng mahahalagang
impormasyon ang pangunahing ideya. Sa pamamagitan naman ng mga pantulong na kaisipan,
nasusuportahan ang kaisipan na nakapaloob sa pangunahing ideya. Maaaring ipaliwanag at magbigay
ng mga halimbawa upang lubos na maunawaan ang pangunahing ideya.
3. Paggamit ng mga Sanggunian- Kinakailangan na may mga sanggunian ang mga pinagkunan ng tekstong
impormatib, upang mapatunayan na ang nilalaman ng iyong teksto ay totoo at tama. Marami ang
maaaring gamitin bilang sanggunian, karaniwan ay ang mga babasahin tulad ng aklat at mga artikulo sa
pahayagan a magasin, Sa kasalukuyang panahon ay nagiging takbuhan na ng mga nagsasaliksik ang
World Wide Web ngunit sa paggamit ng sanggunian ay dapat maging mapanuri ang mga sumusulat
sapagkat maaaring hindi accurate ang mga nakalagay sa mga pinaghanguang website.

Ito ay walang halong opinyon ng manunulat.

Mga halimbawa:
1. Pahayagan (news paper) 7. Listahan (Directory)
2. Encyclopedia 8. Diksyunaryo
3. Posters 9. Ulat
4. Talambuhay at sariling talambuhay 10. Mga legal na dokumento
5. Libro at aklat-aralin 11 . Manwal panturo (Instructional manual)
6. Mga tala (notes)
ARALIN 4 TEKSTONG DESKRIPTIBO
LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahan ang mga mag-aaral na:

• Natatalakay ang iba’t ibang paraan at uri ng paglalarawan;


• Natutukoy ang layunin ng pagsulat ng tekstong Deskriptibo;
• Nauunawaan ang mga mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na Paglalarawan.

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng impresyon o kakintalang likha ng pandama. Sa


pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig at pansalat, itinatala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga
detalye na kanyang nararanasan. Ito ay naglalayong magsaad ng kabuoang larawan ng isang bagay, pangyayari,
o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari.

Layunin

Ang paglalarawan ay may layuning makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at
buong larawan.

Kahalagahan

Mahalaga ang paglalarawan sa teksto dahil mas nakatutulong ito upang mas malawak na maintindihan ng
mambabasa ang mga imahe na nais ipaisip o iparating ng manunulat. Nakakatulong ito upang mas malawak
maipagana ang imahinasyon ng mambabasa. Mas madaling maiintindihan at ang tekstong binabasa kung
malinaw ang pagkakalarawan ng manunulat.

Paraan ng paglalarawan

Deskriptibo ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.

• Batay sa PANDAMA - nakita, naamoy, nalasahan, nahawakan, at narinig


• Batay sa NARARAMDAMAN - bugso ng damdamin o personal na saloobin ng naglalarawan.
• Batay sa OBSERBASYON - batay sa obserbasyon ng mga nagyayari.
Uri ng paglalarawan

1. KARANIWAN- Karaniwan ang paglalarawan kung nagbibigay ng impormasyon ayon sa pangkalahatang


pagtingin o pangmalas.

Sa Karaniwang Paglalarawan:

• Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi dapat isinasama


• Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o
ang mga partikular na detalye sa payak na paraan.

Halimbawa #1
Maganda si Matet. Maamo ang mukha lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang
ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan
naman ng kanyang taas.
Halimbawa #2
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay
mukhang bata kaysa sadya niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.

2. MASINING- Masining ito kung ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at
pangmalas ng may-akda. Karaniwang pili ang mga ginagamit na salita sa paglalarawan, kabilang na ang
paggamit ng mga pang-uri, pang-abay, tayutay, at idyoma.

Sa Masining na Paglalarawan:

• Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng imah inasyon, pananaw at opinyong pansariling
tagapagsalaysay.
• may layunin itong makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa
naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
Halimbawa #1
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang
kinahuhumalingan ng mga anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit
inggit niyang katawan at taas.
Halimbawa #2
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. (Mula
sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)
Apat na mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na Paglalarawan

1. WIKA- Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng
kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay wika ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw
at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang-uri at pangabay

2. MAAYOS NA DETALYE- Dapat magkaroon ng masistemang pananaw sa paglalahad ng mga bagay na


makatutulong upang mailarawang ganap ang isang tao, bagay, pook, o pangyayari. Kapag maayos ang
pagkakalahad ng mga detalye, ang mga bumabasa o nakikinig ay nagkakaroon ng pagkakataon na
pakilusin ang kanilang imahinasyon upang mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inillalarawan.

3. PANANAW NG PAGLALARAWAN- Maaring magkaiba-iba ang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o
pangyayari salig na rin sa karanasan at saloobin ng taong naglalarawan. Ang isang pook, halimbawa, ay
maaring maganda sa isang naglalarawan habang ang isa maman ay hindi kung ito ay nagdulot sakanya
ng isang di magandang karanasan.

4. ISANG KABUOAN O IMPRESYON- Dahil ang layunin ng paglalarawan ay makabuo ng malinaw na


larawan sa imahinasyon ng mga mambabasa, mahalaga sa isang naglalarawan na mahikayat ang
kanyang mga mambabasa o tagapakinig nang sa gayon ay makabuo sila ng impresyon hinggil sa
inilalarawan. Dito ay sama-sama na ang bisa ng wika, maayos na paglalahad ng mga detalye, at ang
pananaw ng naglalarawan.
ARALIN 5 TEKSTONG PERSUWEYSIB
LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahan ang mga mag-aaral na:

• Natatalakay ang iba’t ibang paraan at uri ng paglalarawan;


• Natutukoy ang layunin ng pagsulat ng tekstong Deskriptibo;
• Nauunawaan ang mga mahahalagang kasangkapan na ginagamit sa malinaw na Paglalarawan.

___________________________________________________________________________________

PAANO KITA MAHIHIKAYAT? Nagkaroon ka na ba ng


karanasan kung saan hinikayat mo ang iyong mga kaibigan
kung saang restawran mas mabuting kumain? Naranasan mo
na rin bang kumbinsihin ang mga magulang mo na payagan
kang sumama sa isang byahe kasama ang mga kabarkada? O
kaya ay nagwagi ka na ba sa isang diskusyon sa grupo kung
anong paksa ang gagamitin ninyo sa isang presentasyon? Ang
mga pamamaraang ginagamit mo bilang panghihikayat sa mga
impormal na kumbersasyon tulad ng mga nabanggit ay
maaaring maging batayan din sa pagbuo ng tekstong
persuweysib.

Ang konsepto ng panghihikayat sa mga kaswal na kumbersasyong ito ay gaya lang din ng panghihikayat ng isang
manunulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi sa isang partikular
na paksa. IMPLUWENSIYA Ang tekstong persuweysib ay isang uri ng di- 3 piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin
ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba't
ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng
pagsulat. Sa pagsulat ng tesktong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang
isang manunulat. Sa halip ay gumamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral
at pagsusuri. Mas matibay na batayan ito upang maniwala ang mga mambabasa sa talas at katumpakan ng
panghihikayat ng manunulat.

Sa ilang pagkakataon, inilalahad ng manunulat ang mga impormasyon sa dalawang panig ng argumento.
Ginagawa ito upang bigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na pag-isipan ang dalawang panig, at upang
agad na masagot ng manunulat ang mga posibleng argumento na lilitaw sa isip ng mambabasa habang inuunawa
ang teksto.
Nakaasa sa argumentatibong tipo ng pagpapahayag ang tekstong persuweysib, ngunit sa halip na magpakita
lamang ng mga argumento, layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at mapakilos ito tungo sa isang layunin.
Halimbawa, sa panghihikayat ng mga gumagawa ng iskrip sa patalastas, layunin nilang bilhin ng mamimili ang
produkto o serbisyong ibinibenta. Layunin naman ng mga politikal na kampanya na iboto ang isang tiyak na
partido o kandidato. May ilang uri ng tekstong persuweysib na nangungumbinsi sa mga mambabasa kung
paano mag-isip o kumilos hinggil sa isang tiyak na usapin. Halimbawa, sa isyu ng pagtatanggal ng kursong
Filipino sa Basic Education Curriculum (BEC) sa kolehiyo, may grupo ng mga guro at mag-aaral na kinukumbinsi
ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) na baligtarin ang desisyon nito at muling isama
ang kursong Filipino sa kurikulum. Dagdag pa, humihingi ng suporta ang iba't ibang organisasyon sa
pamamagitan ng paglagda sa iba't ibang petisyon at manipesto.

Tatlong (3) pangunahing elemento ng paghihikayat

▪ Ethos – Paggamit ng kredibilidad o imahe para makapanghikayat.


▪ Pathos – Paggamit ng emosyon ng mambabasa
▪ Logos – Paggamit ng lohika at impormasyon

Paraan ng Pagsulat ng Tekstong Persuweysib


1. Paggamit ng damdamin- Ang tagumpay ng isang tekstong persuweysib ay nakasalalay sa pagkumbinsi
ng may-akda sa mga mambabasa na sumang-ayon sa kanyang isinulat. Gamit madalas ng tekstong ito
ang damdamin upang mas mapadali ang pagkuha ng loob ng bumabasa. Mula sa pinakamababaw ay
unti-unti niya itong nahuhubog na maging malalim na damdamin.
2. Mahusay na pagbuo ng mga ideya- Upang lubusang maging matagumpay ang pagkuha ng loob ng mga
mambabasa kinakailangang mahusay ang paggamit ng mga salita ng may- akda. Ito ang kanyang
kasangkapan para maging matagumpay. Mainam kung naipadarama niya ang kanyang nararamdaman
o kaya ay nadidiktahan niya ang puso ng bumabasa. Dapat ay mahusay niyang nailalahad ang paksa na
kasama ang damdamin at mas nangingibabaw ito kaysa sa isipan.
3. Malalim na kaalaman tungkol sa paksa- Ang pagtamo ng malalim na kaalaman sa paksa sa ganitong
teksto ay kadalasang bunga ng karanasan. Dahil sa pagkakasangkot niya sa sitwasyon ay nagbubunga
ng epekto sa kanyang nararamdaman at mas nailalahad niya nang buong kahusayan ang sitwasyon.
Dahil dito, nagkakaroon ng simpatya ang mga bumabasa ng akda at nakukuha ang kanilang saloobin.
Ang isang tekstong persuweysib ay naglalaman ng sumusunod:

1. Malalim na pananaliksik- Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot- sikot ng isyung tatalakayin
sa pamamagitan ng pananaliksik tungkol dito. Hindi sapat na sabihing tama ang isang paninindigan
kung walang tiyak na mga datos na susuporta rito. Madalas na nauuwi sa emosyonal na panghihikayat
ang pagsusulat ng tekstong persuweysib. Bagama't maaaring isalaysay ng manunulat ang isang
personal at empirikal na karanasan, mahalaga pa ring magpakita ng pananaliksik na maiuugnay at
maaaring magpaliwanag nito. Ang paggamit ng mabibigat na ebidensiya at husay ng paglalahad nito
ang pinaka-esensya ng isang tekstong persuweysib.
2. Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa- Kailangang mulat at maalam ang
manunulat ng tekstong persuweysib sa iba't ibang laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa
isyu. Sinisimulan ng isang manunulat ang argumento mula sa mga paniniwalang ito. Kung mahusay na
masasagot ang mga maling persepsiyon na ito, matitiyak ang pagpayag at pagpanig ng mambabasa sa
paniniwala ng manunulat.
3. Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu- Ito ay upang epektibong masagot ang laganap na
paniniwala ng mga mambabasa. Halimbawa, sa binasang sipi, makikitang nauunawaan ng manunulat
ang kabuuang konteksto at pinagmumulan ng polisiya ng pagtatanggal ng kursong Filipino. Gayundin,
isa-isang nasasagot ang mga isyu na ibinunga ng polisiya.
ARALIN 6 TEKSTONG NARATIBO
LAYUNIN:

Matapos ang aralin, inaaasahan ang mga mag-aaral na:

• Nalilinaw ang mga katangian ng tekstong naratibo;


• Natatalakay ang mga paraan at katangian ng mabisang pagsasalaysay;
• Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong naratibo.

Ang tekstong naratibo ay pasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod mula
sa simula hanggang katapusan.

TEKSTONG NARATIBO: MAHUSAY NA PAGKUKUWENTO

Ang Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o nagkuwento batay sa isang tiyak na pangyayari , totoo
man o hindi. Maaring ang salaysay ay personal na naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o
kathang-isip lamang. Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring piksiyon (nobela, maikling
kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). Kapuwa gumagamit ito ng
wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba't ibang imahen,
metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha. Iyong Kuwento?

Layunin ng tekstong Naratibo

1. makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay- aliw o saya.


2. Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral.

Katangian ng tekstong Naratibo

1. May iba’t ibang pananaw o (point of view)


2. May Paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin
3. May mga elemento

1. May Iba’t ibang pananaw (point of view)


• Unang Panauhan- Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o
naririnig kaya gumagamit ng “Ako”
• Ikalawang Panauhan- Mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t
gumagamit siya ng panghalip na “ka at ikaw”
• Ikatlong panauhan- Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit niya ay “Siya”

2. May Paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin


• Tuwirang Pagpapahayag- Ang tauhan ay tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin o
damdamin. Gumagamit ng Panipi.
Halimbawa: “Huwag na, Magalona”
• Di- Tuwirang Pagpapahayag- Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng
tauhan. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.
Halimbawa: Sinabi niya kay Magalona na huwag na.

3. May mga Elemento- Ang tekstong ito ay pagkukwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang
elemento.

You might also like