You are on page 1of 2

Grade 5-Q1-ESP-LAS 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Name:______________________________________ Date: ____________________


Grade:______________________________________ Section: ___________________

Quarter: 1 Week: 2 LAS No. 2


MELC(s:
1. Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng pamilya ng anumang
babasahing tulad ng dyaryo at magasin, napapakinggan at napapanood sa radyo, telebisyon, pelikula at
internet.
___________________________________________________________________________

Mahalagang sinusuri ang mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng


pamilya ang anumang babasahin tulad ng dyaryo at magasin, ang mga napapakinggan sa
radyo, at ang nga napapakinggan at napapanood sa telebisyon, pelikula o internet.
Ang mapanuring pag-iisip ay kakayahang magsuri ng mga ideya at lumutas ng mga
suliranin.

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali ang mga sumusunod.

__________1. Nalathala ang ganda ng isang lugar sa isang magasin.


__________2. Naipapakita ang magagandang tourist destinations sa magasin.
__________3. Binabasa pati ang tungkol sa pagpapaganda na nailalathala sa magasing ito
ang inuunang basahin kaysa gawin ang takdang aralin.
__________4. Binabasa pati ang nakasulat ang engrandeng binyag ng apo ng senador kahit
araw ng pagsusulit.
__________5.Naibalita ang tungkol sa magarbong kasal ng artista kaya unahin itong
basahin.
__________6. Wala ng oras para sa ibang gawain. Nakababad sa cellphone.
__________7. Wala ng panahon para makapagpahinga man lang. Puyat lagi sa online
games.
__________8. Pagbabad sa paglalaro sa cellphone. Wala ng panahon para mag-aral ng
leksiyon.
__________9.Nagagawa agad ang proyekto gamit ang internet. Mabilis na nakakakuha ng
sagot.
__________10. Agad na nakakausap ang taong nais mong kausapin. Kahit nasaan pa siya.
Nasa malayo man o malapit.
Grade 5-Q1-ARPAN-LAS 2
ARALING PANLIPUNAN 5

Name:______________________________________ Date: ____________________


Grade:______________________________________ Section: ___________________

Quarter: 1 Week: 2 LAS No. 2


MELC(s:
1. Natutukoy ang mga iba’t ibang batayan sa pinagmulan ng Pilipinas tulad ng teorya, mito at relihiyon
2. Natatalakay ang teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas
3. Naiisa-isa ang mga mito na iniuugnay sa pinagmulan ng Pilipinas, at
4. Natatalakay ang kaugnayan ng relihiyon sa pinagmulan ng Pilipinas
__________________________________________________________________________

Laging tandaan na may iba-iba tayong batayan sa pinagmulan ng Pilipinas. Ang mga
ito ay teorya ng plate tectonic, sari saring mito ng ating mga ninuno at dahil sa likas nating
pagkarelihi- yoso hindi maiaalis ang paniniwala natin sa pinaka-Maka- pangyarihan (Diyos)
sa lahat bilang may likha ng sandaigdi- gan. Alin man sa mga ito ay nanatili pa ring malaking
kata- nungan ang tungkol sa pinagmulan ng daigdig at ng ating bansa. Nasa sa atin kung alin
ang ating paniniwalaan.

Panuto: Tukuyin ang konseptong hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahon.

______1. Isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamitang siyentipikong


pamamaraan ng pananaliksik.
______2. Kuwentong piksyon na bunga lamang ng malikhaing kaisipan at mga imahinasyon
ng mga manunulat.
______3. Isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at
pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa espiritwalidad at minsan ay sa
moralidad.
______4. Teoryang nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan.
______5. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bumubuo sa crust.
______6. Nasa ilalim ng tectonic plate na kung saan paikot na gumagalaw ang init.
______7. Pinagmulan ng mundo at Pilipinas ayon sa mga Bagobo.
______8. Umanoy tatlong mga malalaking nilalang na naglaban laban gamit ang mga bato
at dakot ng lupa.
______9. Pinaniniwalaan ng mga kristiyano na lumikha ng sandaigdigan.
______10. Nag-iisang Diyos na sinasamba ng relihiyong Isalam at pinaniwa- laan ng mga
Muslim na may likha ng mundo.

You might also like